CHAPTER 18 - The Vizcondes

Magsimula sa umpisa
                                    

"Enough, Mom. I'm sorry." Sabi ko na mas lalong nagpaiyak sa kaniya. Tiningnan ko si Hopper at sinenyasang kumalma na bago ako muling tumingin sa aming ina na humihikbi na. "Alam naming hindi kami perpektong mga anak," Naglakad ako palapit kay Mommy. "Pasensiya ka na, Mom. I'm sorry for not being perfect— "

"Tama na, Grov." Pigil ni Hopper sa 'kin. "Hindi mo dapat ihingi ng pasensiya ang hindi natin pagiging perpekto dahil walang sinumang tao ang ipinanganak na perpekto at si Mommy dapat ang higit sa lahat ang nakakaalam at nakakaintindi sa 'tin dahil — "

"Hopper!" singhal ko sa kakambal kong wala na namang preno ang bibig. "Just fucking shut that fucking mouth of yours or better leave!" Nagpailing-iling si Hopper bago umalis. "I'm so sorry, Mom— "

"Stop saying sorry, Grov. Tama si Hopper. Nasa akin ang mali. Ako ang mali. Ako ang ina ninyo pero ako pa rin ang nagda-down sa inyong magkapatid. I'm so sorry, Son. I'm sorry— "

"Enough, Mom." Niyakap ko ang aking ina at buong suyong hinahagod ang kaniyang likod para pakalmahin siya. "Pare-pareho tayong nagkamali. Lahat tayo may pagkakamali na sana hindi naman ito nangyayari kung hindi lang kami naging pabaya ni Hopper kaya tama ka, Mom. Hopper and I, should learn on how to be responsible in everything." Medyo kumalma na si Mommy kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Bad Boy? Yeah. Heto ako, naturingang Campus Bad Boy but hell, hindi mo matatawaran ang pagmamahal at pagpapahalaga ko sa aking ina.. Sa aking mga magulang rather. Tigasin mang tingnan sa Heuron, pag-uwi ng bahay, isa pa rin akong anak na mapagmahal sa ama't ina.

"I love you, Son." Sambit ni Mommy na mas humigpit ang pagkakayakap sa akin.

"I love you too, Mom. I love you so much." i kissed her forehead. "Namimiss mo na ba siya?" Tanong ko.

She nodded. "Walang segundong hindi ko siya naiisip. Walang gabing hindi ako nangulila sa yakap niya. Namimiss ko na siya, Grov. Namimiss ko na ang kapatid mo."

"Me too, Mom. Me too." Napatingin kami ni Mommy sa malaking picture frame ng isang bata na sinadya naming isabit sa Wall ng Playroom namin ni Hopper dahil walang oras na hindi kami nagsisi sa nagawa namin noon. "Kasalanan namin ni Hopper ang lahat, Mom. Kasalanan namin.. I'm sorry."

"Kung hindi siya namatay, mas masaya sana ang pamilya natin ngayon. Sana hindi tayo pare-parehong nakakulong sa nakaraan." Wika ni Mommy.

"Palayain na natin siya, Mom. Hindi tayo magiging masaya hangga't nagpapatuloy tayong magpakulong sa lungkot ng nakaraan. Lalo ka na. Ikaw ang higit na nahihirapan sa ating lahat, Mom." Sabi ko. "Gusto mo po bang bisitahin natin siya sa puntod niya?"

She smiled weakly. "I want to, Son. Pero gusto kong 'pag binisita natin siya, sana kumpleto tayong pamilya. Ang kakambal mong si Hopper at ang Daddy ninyo para kahit papa'no, kahit wala na ang Prinsesa natin sa atin, makita pa rin niya mula sa itaas kung gaano natin siya kamahal."

I nodded. "Ako na ang bahalang magsabi kay Hopper at Daddy, Mom. Magpapaluto din tayo ng mga pagkain para magkaroon tayo ng kaunting salo-salo sa puntod niya."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon