EPILOGUE

69 0 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Nang mag simula na ang kanta, ay nag simula na ring kumumpas ang aming mga katawan kasabay ng tugtog.

Nakangiti kaming lahat, dahil masaya kami na natapos namin ang steps ng maayos. At ngayon, maayos kaming nag peperform sa harap ng maraming tao.

Kitang kita ko si Kurt, Ribo, Janine, Cassie at Azyleah na nagchecheer sa amin doon sa gilid. Rinig na rinig ko rin ang sigaw nung tatlong bruhilda hahahaha. Ang lalakas talaga ng mga boses nun.

Tanaw ko naman sa dulo si Kenn na nakangiti habang kumakaway pa sa akin. Hay, buti naka punta sya.

At syempre, kitang kita ko rin naman sa unahan si Blixen at Vixen na magkatabing may hawak pa ng banner. Lalo tuloy lumalawak ang ngiti ko dahil andito sila.

Nung matatapos na yung sayaw namin, napatingin ako sa kabilang dulo ng field may nakita ako doong familiar na mukha, naka tingin sila diretso sa akin habang nakangiti.

Mama? Papa? Dahil sa sobrang pag titig ko sa kanila ay medyo nalito ako sa steps, pero agad ko ring nabawi. Kaya naman natapos pa rin kami ng maayos. Nag bow kaming lahat, at bumaba na sa stage.

Nag babatian pa ang club doon pero nag tatakbo na ako kaagad papunta sa mga audience, narinig ko pa ngang sumigaw si Sabrina at Tristan at tinatawag ako pero hindi ko sila pinansin.

Tumakbo ako at nakipag siksikan sa audience, hanggang sa marating ko yung dulo kung saan ko nakitang nakatayo kanina si Mama at Papa, pero wala naman akong nadatnan na Mama at Papa ko doon.
Napa luhod na lang ako at dahan dahan na nga'ng nag simulang tumulo ang luha ko, kathang isip ko lang ba yon? Akala ko pa naman nanood talaga sila at umuwi para makita ako.

Pero naalala ko, bakit nga ba sila uuwi para sakin? E mas priority nila ang trabaho.

Napatunghay naman ako ng maramdaman kong may kamay na nakahawak sa braso ko. At doon, nakita ko si Kenneth.

"Ysa, stop crying. Ano bang ginagawa mo? Magugulo yang make up mo, tinatawag na ulit kayo sa stage mag aannounce na ng panalo. Tara na doon, ihahatid na kita"

Inalalayan nya akong tumayo at pumunta na nga kami sa back stage, pagkadating namin doon niyakap ako kaagad ni Tristan.

Medyo nagulat pa nga ako kaya muntik na akong ma out of balance, buti na lang at na andito pa sa likod ko si Kenn at nakaalalay sa akin. Kahit naguguluhan ay niyakap ko naman sya kaagad pabalik.

"Thank you for that wonderfull performance ysa, you're one of the reasons why we did that succesfully"-bulong ni Tristan sa tenga ko.

Agad tuloy akong napangiti, nag bitiw na kami at hinarap ko sya ng sobrang lawak na ngiti.

"Ano ka ba, wala yun. Ikaw nga dyan ang gumawa ng pinaka malaking parte para matapos to e, you've been a great leader that's why we made this"-nakangiti kong tugon tsaka ko sya pinat sa ulo.

"Pinapaiyak mo naman ako Ysa e, hahaha. Thank you so much Ysa, tara na aakyat na lahat sa stage. Kenneth? Right? Thank you sa paghatid kay Ysa ha, mamaya ulit pare"

Nag fist bump sila tsaka ako inalalayan ni Tristan paakyat sa stage. Habang nag kekeme keme pa yung MC at ang tagal mag announce ay napansin kong nawala na si Blixen at Vixen sa harap.

Asan na yung mga yun? Maging sina Kurt ay wala na rin doon. Hala? Umuwi na ba sila agad? Hindi pa nga nag aannounce eh! Ang daya naman nila.

At dahil sa natataranta na ako dahil wala sila sa baba para manood, hindi ko na narinig yung sinabi nung MC. Ang nakita ko na lang ay nag sisigawan na sina Tristan habang tumatalon pa.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now