Prologue

1.5K 7 2
                                    

Y A S S I E' S POV

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo ha?! Bulag kaba?!"- sabi ko sa babaeng nakaluhod ngayon sa harap ko.

Paano tatanga tanga naman kasi binangga ako tapos yung iniinom nya tumapon sa damit ko! Nag iisip ba to ha?!

"Sorry quinn ysa, hindi ko lang ho talaga kayo napansin. Pasensya napo hindi napo mauulit"- sabi nitong babae sa harap ko.

Omyghad! Malamang hindi na to mauulit! Sino ba sya para tapunan ako ha?! Myghad.
Ang aga aga ganito sasalubong sakin. Fuck this life.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Janine give me the water"-tawag ko sa kaibigan ko.

Inabutan naman nya ako kaagad ng tubig. Humarap naman ako dun sa babaeng nangbangga sakin kanina. Ngumiti ako sa kanya. Yung ngiting ikakakaba nya talaga.

Dahan dahan ko namang ibinuhos sa kanya yung lahat ng laman ng tubig sa tumbler ni Janine.

Napapa gasp nalang yung mga estudyante sa ginawa ko. Well. Dapat lang sa kanya yan. Kulang pa nga yan e. Damit ko yung nabuhusan nya. Kaya dapat lang yan.

"Much better. Tanong ka muna sa tabi tabi dyan kung sinong binangga mo. See you around sweetheart"-sabi ko sa kanya tapos naglakad nako paalis.

Kanina pa kasi kami pinagkukumpulan doon e. Akala mo naman may artistang dumating.

"Ysa! Saan ka ngayon mag papalit ng damit mo nyan?"-tanong sakin ni Janine.

Psh. Oo nga pala, natapunan nga pala yung damit ko ng juice ng babaeng yon. Tsk. Alanganamang umuwi ako sa condo ko ngayon? E first day of school pa naman tapos uuwi ako?

Napaka walang kwenta naman ng babaeng yon. Tanga tanga e, sa dinami dami ng estudyanteng tatapunan ako pa?

Ako na si Yassie Ysabelle Corpuz. Ako pa talaga tinapunan nya? Oh c'mon.

"Uuwi nalang muna ako sa condo ko, kita nalang tayo mamayang lunch. Balik ako mamaya"-sabi ko sa kanya. Kinalkal ko naman yung bag ko para hanapin yung car key ko.

"Ysa first day of school ngayon tapos mag diditch ka ng class?!"-pasigaw na sabi sakin ni Janine.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Myghad Janine mag isip ka nga! What do you want me to do?! Pumasok ng may stain sa damit ko?!"

Inirapan ko na lang sya at nag paalam nako. Tapos lumabas nako at dumiretso sa parking lot. Pag ka pasok ko sa kotse ko. Pinaandar ko na kaagad yun papunta sa condo ko.

Pag ka nga naman minamalas ka no. First day of school tapos ganito. Ugh. Fuck this life.

Nalagyan pa tuloy ng stains yung damit ko. Naka jeans kasi ako ngayon at white na v-neck. Yah. First day of school e kaya hindi muna mag uuniform. White shirt daw muna. Tsk.

Pag ka dating ko sa condo ko naligo ulit ako at nagbihis. Mamaya na ako papasok, lunch. Tutal late na din naman ako e.

Naupo nalang muna ako sa sofa at nanood ng sponge bob square pants. Wahhh. Favorite cartoon ko kaya to.

Tutok na tutok ako sa pinapanood ko ng biglang nag ring yung phone ko. Psh. Baka si Janine lang yun at sesermunan na naman nya ako na bumalik doon sa school.

Kaya hindi kona lang pinansin yung tumatawag. Maya maya pa patuloy padin sa pag riring yung phone ko. Ugh!

"Hello?!"-bwiset naman kasi to e pang-abala.

(Oh ysa galit ka na naman! Asan kana ba ha? Mag sstart na yung class oh!)

Oh fuck. Si kurt pala. Si Kurt Sevan, kaibigan kong lalaki. Palagi kaming magkasama neto kasi kaibigan ko sya simula 4th year high school. At hanggang ngayon na 4th year college na kami.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now