Chapter 6

40 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Hinihintay kong dumampi ang yosi sa mukha ko pero wala akong naramdaman. Ang naramdaman ko lang ay nawala na ang kamay nung dalawang lalaki sakin kanina.

Pag ka mulat ko nakita ko yung dalawang lalaking naka bulagta.

"Huwag mong hintaying makapanakit ako ng babae. Hindi mo magugustuhan"-sabi ni Blixen, doon sa babae na may hawak kanina ng yosi.

Tumakbo sya at iniwan yung dalawang lalaki.

Dahan dahan namang tumatayo yung dalawang lalaki, lalapitan ko na sana sila para tanggalin ang mask at bonet nila pero naka takbo sila kaagad.

Napa iling na lang ako. Bwiset talaga. Sayang yun ah. That's so close.

"Ano ba kasing naisip mo at naglalakad ka ha?"

"Iniwan ko kasi yung kotse ko kanina sa school"

"Bakit?"

Hindi ko alam, siguro hindi na nya dapat malaman na kasali ako sa Bad chicks. Alam ko unfair, na alam kong kasali sya sa Bad boys pero magagalit lang sya sa akin.

Dahil sigurado ako, para din syang si Kurt. Oo hindi kami close. Pero alam ko deep inside may care padin sya.

"Ah kasi si Kurt, niyaya ako maglakad lakad sa park. Hindi ko na binalikan yung kotse ko nilalakad ko na lang papunta sa condo ko"

"That guy. Bakit hindi ka man lang nya inihatid?"

"E kasi sabi ko wag na. Malapit lang naman sya ng onti e. Tsaka sabi ko kaya ko naman na"

"Kaya mo? E muntikan ka na ngang mapahamak kung hindi ako dumating e"

Aba gago to ah? Nagkaroon na naman ako ng utang na loob sa kanya. Hay buhay, parang life.

"Kaya ko naman talaga sila e! Ang problema lang ang laki nung katawan nung dalawang lalaki, kaya mahirap dumepensa"-sabi ko sa kanya at inirapan ko sya.

Naglakad nako palayo at sumunod naman sya.

"Sus, tanggi ka pa dyan. 'E kasi blixen, mahina ako e kaya hindi ako makalaban.' Mahirap bang sabihin yon?"-sabi nya pa habang naka ngiti.

Gago talaga. Siniko ko naman sya ng malakas at tsaka sya sinamaan ng tingin.

"Hindi ako mahina, kaya ko sarili ko. Para saan pa at tinawag akong quinn? Umuwi kana nga! "

Naiinis lang talaga ako sa kanya. Tumawa lang sya tsaka ako binatukan. Mahina lang naman pero nainis lang ako sa kanya lalo.

Hanep talaga to. Akala ko pa naman bumait na, kasi niligtas ako. Pang-asar pa din talaga sya.

"Ihahatid na nga kita sa condo mo e, baka mamaya bumalik pa yung mga yun. Tsaka bakit ka ba nila sinasaktan?"

"Hindi ko alam"

Simpleng sagot ko lang. Hindi na nya dapat malaman.

"Tsaka asan ba si Cassie ha? Bakit sakin ka sunod ng sunod? Si Cassie na lang ang ihatid mo"-tanong  ko naman sa kanya.

Tama naman ako diba?

Tumawa na lang sya ng tumawa. Tapos tumigil din sya nung sinamaan ko sya ng tingin.

"Alam mo naman siguro na hindi pa ako nagseryoso? Si Cassie lang naman ang nag iisip na may relasyon pa din kami. Sya ang buntot ng buntot. Isa pa, nakakainis na talaga sya. Kung hindi lang sya babae, baka nasuntok ko na yon"

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now