Chapter 2

88 3 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Pagka pasok ko sa school lumapit sakin kaagad yung mga lalaki.

"Ate hatid na kita sa room nyo?"

"Anong pangalan mo miss?"

"Miss beautiful, pwede makuha number mo?"

Napa irap nalang ako at hindi ko lang sila pinansin. Hayy ang hirap maging maganda.
Pag ka pasok ko sa room nakita ko kaagad si Janine. Naupo ako sa tabi nya at binatukan sya.

"Hang over ka kahapon no?"-tanong ko sa kanya.

"Oo eh. Mag hapon akong tulog sa bahay grabe"

"Wala ka pala e. Ang weak mo naman"-pang-aasar na sabi ko pa sa kanya.

E kasi kakaunti pa lang naman naiinom namin nung niyaya sya ni Tristan na mag sayaw e.

"If I know bagsak ka din naman ini uwi ka pa nga ni Blixen e. Ayieee"-myghad.

Paano nya nalaman yun? Napa face palm na lang ako at hindi umimik.

Maya maya pa pumasok na si Kurt na may pasa sa mukha, tapos si Blixen na cool lang. Sabi na e, uuwi na naman to ng may pasa e. Ayaw kasi madala. Ewan koba dito kay kurt.

"Babes oh. Inaway nila ako don, tignan mo may pasa ako"-sabi pa ni kurt sakin tapos parang nagkukunwari pa sya na iiyak.

Sa inis ko, binatukan ko pa sya. Natawa tuloy si Janine.

"Dapat lang yan sayo! Di ka na kasi nadala e"

Tumahimik naman na si Kurt pag ka tapos nun. Hindi ko maiwasang hindi mapa tingin kay Blixen na wala man lang galos na nakuha.

Aba nga naman no. Angas din neto.

"Ginamot mo na ba yan ha?"-tanong ko kay kurt. Kakaawa e.

"Hindi pa nga e. Babes gamutin mo nga"-ewan ko ba kung bakit babes ang tawag nito sakin.

Okay lang naman sakin kasi kaibigan ko naman sya pero minsan kasi nakakairita e.

"Oh janine samahan mo sa Clinic to. Dun mo gamutin"-utos ko kay Janine.

"Ano? E bat hindi ikaw gumamot sakin ha? Bakit si Janine pa?"

"Nag rereklamo kapa dyan ikaw na nga gagamutin e. "-sabi naman ni Janine sa kanya.

Tapos hinila na nya si Kurt paalis. Wala na din namang nagawa si Kurt, para magamot na din yon. Makikipag away tapos mag papabangas. Nako nako.

                                    ♡♡♡

Habang nasa cafeteria kami ni kurt, janine, blixen, at tristan may lumapit saming babae.

Jusko kanino na naman bang babae to? Mapapa away na naman ata ako? Nung una babae ni kurt, tas nung nasa mall, babae naman ni blixen.

So ito ba kay tristan?

"Miss, may nag papabigay po sa inyo"-sabi sakin nung babae tapos inabot nya yung papel sakin.

Nakasulat doon sa papel na  "See you later:-)" Okay. Kilala ko na kung sino to. Pinaalis kona yung babae tapos napa isip ako.

Sigurado ako si Cassie to e. Akalain mo nga naman? Si Cassie pala yung admin ng humahamon saming grupo? Haha.

Hindi kasi halatang admin sya. Mas mukha syang P.A ng admin.

"Hoy babes patingin nga nyan, may nanliligaw na ba sayo ha?"-si kurt na parang ewan.

"Wala. Huwag mo ng basahin. Epal naman neto e. "

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now