Chapter 16

23 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

Naramdaman ko namang nakatulog na si Blixen sa tabi ko. Kaya napangiti na lang ako, ewan ko ba kung bakit kinikilig ako. Katabi ko kasi sya e.

Pero kalmado lang akong nanonood sa phone nya ng spongebob habang sya'y natutulog.

After siguro ng kalahating oras, biglang magbukas yung pinto. Kaya sa sobrang gulat ko, ay naitulak ko si Blixen.

Kaya nalaglag sya sa kama=.=!

"Hala! Blixen!"-sigaw ko pagkatapos nyang malaglag sa kama ko.

Tumayo naman sya sa kama habang hawak hawak yung likod nya.

"What's your problem?"-tanong nya sakin na may halong pagkairita.

Yung itsura nya parang nabulabog na ewan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o makakaonsensya?

"Nakuuu. Kayong dalawa naman! Bakit mo itinulak?! Hindi naman ako magagalit e! Ngayon nga lang makakapag pahinga yang si Blixen tapos inilaglag mo pa sa kama"-sabi ni kuya Mikael habang ibinababa sa table yung mga pagkaing dala nya.

Nag peace sign naman ako kay Blixen. Pero hindi nya ako pinansin at naupo na lang sya sa tabi ng kama ko, tapos umub-ob na naman.

"Kuya? What do you mean na ngayon lang makakapag pahinga?"-tanong ko.

Ano bang ginawa nitong lalaking to kanina bago ako magising? At parang pagod na pagod sya?

Kinwento sakin ni kuya Mikael na si Blixen daw ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa kaso ni Axklien, hanggang sa pag eexcuse ko sa school.

Napatingin na lang ako kay Blixen na naka ub-ob ngayon. Ano ba yan, nakakakonsensya naman.

Bakit ko ba kasi sya itinulak in the first place? Hays, wrong move Ysa.

"Kumain kana nga Ysa, itatabi ko muna itong pagkain ni Blixen dito. Pagkagising na lang nya tsaka sya kumain. "-sabi ni kuya Mikael sa akin.

Kinuha ko naman kaagad yung pagkain na inaabot nya sa akin. At tsaka iyon kinain. Kapag pagkain, hindi yan dapat tanggihan.

Habang kumakain ay nilalaro laro ko yung buhok ni Blixen. Nakokonsensya tuloy ako, dahil sa akin kaya sya pagod at inaantok. Tapos itinulak ko pa sya.

Tsk tsk. Babawi na lang ako kapag okay na ako at nakauwi na ako sa condo ko.

Actually, maayos naman na talaga yung braso ko. Naigagalaw ko na sya, pero aantayin pa din namin yung result ng X-ray para sure.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ulit yung phone ni Blixen at nanood ng Spongebob. Habang si kuya Mikael naman ay nakatutok sa loptop nya. For sure trabaho na naman yon.

Maya maya pa, ay nag-angat na din ng tingin si Blixen. Pakurap kurap pa sya, at kinukusot ang mata nya. Ang cute nya aaminin ko.

"Uy blixen, kumain kana dyan oh. "

Sumunod naman sya sa sinabi ko at kumain na sa isang tabi. Tinitingnan ko lang naman sya habang nakain sya.

Nagulat ako ng bigla syang tumingin din sa akin at ngumiti. Why so pogi blixen?

Nagkunwari na lang ako na hindi ko sya nakita at tumutok na lang sa phone nya. Feeling ko namumula na ako.

Damn, I hate this feeling. At kapag nga naman minamalas ka, nalowbatt yung phone ni Blixen. Kanina ko pa kasi to ginagamit e.

Tiningnan ko yung bag na andito sa tabi ko, pero wala namang charge ng Iphone. Kaya sumandal na lang ako at nakabusangot na inabot kay Blixen ang phone nya.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now