Chapter 46

21 1 0
                                    

Y A S S I E'S POV



Naka taas pa ang paa ko sa lamesa ni Blixen habang nakaupo sa swivel chair at kumakain ng Pizza na inorder ni Blixen hihi.
Nakapag palit na rin ako ng damit, pinahiram ako ni Blixen ng polo nya dito kaya naman medyo malaki ito sa akin, pero ayos lang.

Ngayon ko lang rin nalaman na, this past few days pala ay tumutulong na rin sya sa daddy nya dito sa kumpanya dahil wala sa pilipinas ang Mommy nya, kasama nito si Vixen sa Canada at hindi alam ni Blixen kung bakit. Ewan baga dito, hindi alam kung bakit andun sina Vixen.

Nakain lang ako dito sa table nya habang si Blixen ay nakatayo sa gilid ko at may hawak na dalawang papel.

Nang biglang may kumatok sa pinto at tuloy tuloy itong pumasok kahit hindi pa naman sumasagot si Blixen.

Iniluwa nito ang isang babaeng naka formal attire na pang office, napatigil sya sa paglakad ng makita ako dito. Kaya naman napataas agad ang kilay ko.

"Baby sino sya?"-tanong ko sabay baba ng paa ko galing sa lamesa.

Umayos ako ng upo at tsaka lalo pang itinaas ang kilay ko.

"Secretary ni dad. Anong kailangan mo ivon?"-tanong ni Blixen dito sa babae.

"Uh ngayon ko lang nalaman na nag papapasok ka na pala ng babae sa office mo ngayon sir. "-sabi nitong si Ivon sabay lapit kay Blixen.

"Anong pakielam mo?"-taas kilay na tanong ko.

"Shhh, hush baby. Ivon, noon hindi. Pero ngayon pag si yassie, pwede okay? Huwag ka na lang mangielam, ano bang kailangan mo?"-tanong ulit ni Blixen.

Inabot naman agad ni Ivon ang dalawang folder kay Blixen na agad naman niyang tinanggap.

"You just need to sign this sir"

Pinirmahan na agad ni Blixen yung dalawang folders na binigay ni Ivon, pagkatapos ay iniabot nya na ito ulit pabalik kay Ivon.

"Cancel my meeting later. I don't want any visitors here, tell them I'm busy. Pwede ka na umalis"-sabi lang ni Blixen pagkatapos ay naupo sya sa table mismo.

Aba't ang lalaking to.

"But sir----"

"You may leave"-sabi lang ulit ni Blixen.

Bago pa man lumabas si Ivon ay inirapan nya pa ako tsaka tuluyang umalis. Tsk, hipon! Sarap nyang itapon dito sa building e.

Pagkaalis nung hipon na yun ay nag patuloy na lang ulit ako sa pagkain ng pizza, habang dinadaldal ko si Blixen dito.

"Baby? Bakit mo pina cancel? Baka importante yun, pwede naman akong umuwi sa unit tapos punta ka na lang dun mamaya"-sabi ko.

"Shh, dito ka na lang. Kapag andun ka sa unit mo hindi lang ako mapapakali dito, baka kasi puntahan ka lang dun ni Kenn eh"-sagot nya sabay kamot ng ulo. Aww, ang kyutt.

"Nah, nasa trabaho yun ngayon. Hindi ka ba papagalitan ng daddy mo?"-tanong ko sa kanya.

Baka kasi magalit iyon dahil cancel ang meeting, pagkatapos ay ayaw pa tumanggap ng mga bisita ni Blixen dito sa office nya. Oha, ang galing diba. Graduating pa lang pero may pa office na.

"Hindi yun, ikaw naman ang dahilan kaya kalmado lang yon"-sagot nya.

Napa kunot naman ang noo ko dahil doon.

"Eh ano naman kung ako ang dahilan? Ganon ba yun? Pag ako dahilan pwede agad?"-takang tanong ko kaya naman natawa sya.

"Yes baby, they like you very much kaya okay lang sila ng okay kapag tungkol sayo. Kaya chill ka lang dyan"-tawang sagot nya.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now