Chapter 17

21 2 0
                                    

Y A S S I E'S POV

"IPLAY MO NA BLIXEN!! WALANJO!! KANINA KAPA DYAN KAIN NG KAIN!!"-Sigaw ko kay Blixen tapos binato ko pa sya ng tsinelas ko.

"Oona! Eto na! High blood ka naman palagi e!"

Tumayo sya at pinlay na yung kantang 'Swalla' by Jason. Nagsimula na akong mag sayaw, medyo nahihirapan ako nung una kasi hindi ko mabuo yung steps.

Pero habang tumatagal na paulit ulit kong pag papractice. Saulo ko na sya ngayon, at buo na sya.

Nakalabas na din ako sa ospital at bukas ay audition na namin para sa dance club. Kaya kahit gabi na ay nag papractice pa din ako.

Gusto ko kasi talagang makapasok sa dance club e. Okay na kasi yung braso ko, parang wala na ngang nangyari e. Si Axklien?

Ayun, nag dudusa pa din sa kulungan. Kahit 30 days lang yun ay at least mapapagbayadan nya ginawa nya sa akin.

Inalis ko na lang sa isip ko si Axklien, at diniretso ang tingin kay Blixen habang nagsasayaw ako. Titig na titig sya sa akin habang gumagalaw ako.

Palagi namang andito si Blixen kapag nag papractice ako, pero kapag napapatingin ako sa kanya hindi pa din ako sanay.

Naiilang pa din ako, na kinikilig, na ewan. Hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ko mag sayaw, ay nag apir kami ni Blixen.

"Tingin mo ba sapat na yun para tanggapin ako nina Tristan sa club nila?"-tanong ko kay Blixen, tapos naupo ako sa tabi nya at uminom ng tubig.

Nasa condo lang kami ngayon, at nag paprqctice paulit-ulit.

"Oo naman syempre! Kapag hindi ka nila tinanggap malaking kawalan yun sa kanila no! Isipin mo, ikaw na nga nag choreo ng sarili mong step. Tapos ang galing mo pa sumayaw, mabilis ka maka saulo ng step. O diba, full package na. Choosy pa ba sila?"

Napangiti na lang ako sa sagot ni Blixen. Inabutan nya ako ng fries, kaya kumain na lang ulit ako. Nakakagutom kaya magsayaw.

"Kamusta na si Cassie? Nag hahabol pa din ba?"-tanong ko sa kanya.

Humarap naman sya sa akin, na mukhang gulat na gulat. Ano bang nakaka gulat sa tanong ko?

Nangangamusta lang naman ah. Bale 4days din kaya kaming hindi pumasok.

"Hindi ko alam. Hindi ko na sya ulit nakikita e. Tsaka wala akong balak kausapin yon no. Edi ikaw mangamusta kung gusto mo"-sagot nya naman sa akin.

Napa irap na lang ako. Yuck, huwag na. Hindi na ako interesado.

"Kelan mo ba ako sasagutin?"-bigla nyang tanong sa akin.

Nagulat ako sa tanong nya. Hinarap ko sya at pinanlakihan ng mata. Binatukan ko naman sya kaagad.

"Mag hintay ka gago. "

Tumawa lang sya at tsaka humarap ulit sa TV. Tsk, adik ata to e. Hintayin mo lang Blixen, I'm still thinking.

But I know you're worth it.

                                        ♡♡♡

Kinakabahan na ako habang papasok kami sa gym ni Janine. Wala si Blixen, at hindi ko alam kung nasaan yun.

Kasi kanina pagkatapos ng class namin may pupuntahan lang daw sya saglit, pupunta na lang daw sya sa gym mamaya para panoorin ako.

Sabi ko kasi kay Tristan ihuli ako. Kasi nahihiya ako e. Duh, ang alam ng mga estudyante dito mataray ako, masungit, at maldita. Tapos baka mapahiya ako, kasi baka mapangitan sila sa sayaw ko.

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now