Chapter 17

135 6 2
                                    

"Jean..."

Humugot akong muli nang isa pang buntong-hininga dahil pakiramdam ko ubos na ang hangin sa aking baga. Sobrang naninikip ang dibdib ko sa paulit-ulit kong pag-iisip sa naging pagtatalo namin ni Miro noong araw na umuwi ako galing Dubai. Hanggang ngayon, ang tigas niya. Ilang araw ng todo-todo na ang panglalambing ko sa kabila ng takot na mabulyawan niya. Pero wala akong napala sa pakikipagkumbaba ko. Ayaw niyang makipag-usap at tinutulak niya ako palayo. Hindi ko nga napipilit na kumain kami ng sabay, at hindi na rin siya tumatabi sa pagtulog.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Kung ano bang kinagagalit niya dahil ayaw naman niya akong kausapin. Hindi ako manghuhula. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya, o dahil hindi ako nakauwi agad, o ayaw na talaga niya, o dahil nasesante siya sa trabaho. O ano. Sumama lang naman ako sa business trip na iyon kasi pumayag siya. Hindi ko na talaga alam! Malapit na talaga akong mawalan ng pasensiya. Parang akong pulseras na isang bira na lang, mapupugto na.

Nahilamos ko sa aking palad ang aking mukha dahil sa frustration na nararamdaman.

"Jean..."

Biglang naging bula ang tinig sa aking isipan nang mahuli ng aking tenga ang baritonong boses na tumatawag sa aking pangalan. Nabalik ako sa kasalukuyan. Nanlalaki ang mga matang napatayo ako nang makita ang nag-aalalang mukha ni Sir Wade sa aking harapan.

"Ah, Sir, kanina pa po kayo dito?"

"Yes. And you were spacing out," nagtatakang sambit niya na may halong timbre ng pag-aalala. "Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?"

Muli na namang pumasok ang imahe ni Miro sa aking isipan. Napapabuntong-hininga na lang ulit ako.

"Wala lang po ito, Sir. Hindi lang naging maganda ang gising ko," pagsisinungaling ko pero parang natamaan naman ang katotohanan.

Ibinaba niya ang suot na glasses at tiningnan ako ng diretso sa mata. Tila ba hinahalukay ng kanyang tingin ang kung ano mang nasa isip ko. At base sa kanyang aksiyon alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Parang kulang iyon sa kanya. Ayoko namang mandamay pa ng iba. At hindi rin naman siya sangkot sa isyung ito.

Mula sa pagtingala sa kanyang mukha ay nagbaba ako ng tingin sa aking kalat na table. Ang dami ko palang nalukot na papel kanina na hindi ko namalayan. Agad ko itong pinagpupulot. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pag-tsk niya. Napangiwi na lang ako at hinanda ang sarili sa posibilidad na pagalitan. Pero kabaligtaran noon ang nangyari.

Hinuli niya ang aking kamay at nabitawan ko ang mga papel na hawak. Napasinghap ako nang hinila niya ako papasok sa kanyang opisina at marahang pinaupo sa gray na sofa doon. I had too much in my mind kaya hindi ako nakatutol.

"You look so stressed," komento niya at nanatili sa aking gilid. Nakatayo. Ramdam ko ang pag-oobserba niya sa aking mukha kaya pilit kong hindi magpakita ng kung ano mang reaksiyon. "Dito ka na muna magrelax, okay?"

Napatango na lamang ako at binigyang pasasalamat ang kabutihan niya. Marahan niya akong tinapik sa likod bago siya muling nagtungo sa kanyang table. Napabuntong-hininga na lamang ako at tinanaw siya. Kasalukuyan siyang may kausap sa telepono at rinig kong nag-order siya ng pizza.

Mabilis naman akong nagbawi ng tingin nang lumingon siya sa aking gawi. Ilang segundong namutawi ang katahimikan at naroon lang ako nakaupo, tulala. Siya naman ay may abala sa harap ng mga files, nagbabasa. Paminsan-minsan ay nagtatanong siya kung gutom na ba daw ako, na sinasagot ko lang naman ng hindi.

Thirty minutes ang lumipas bago dumating ang order niyang pizza. Inilapag iyon ng boss ko sa table kaharap ng sofang inuupuan ko. May drinks din itong kasama. Naupo naman siya sa kabila.

"Meryenda muna tayo," nakangiting alok niya habang binababa ang glasses na suot.

Napangiti na lang din ako at hindi na tumutol. Madalas kapag ganito si Sir ay tinatanggihan ko, pero ngayon ay wala akong enerhiya. It's been days na ganito ang takbo ng araw ko. Walang kabuhay-buhay at kung minsan ay parang pinipitik ang ulo ko sa sakit.

Binuksan ni Sir Wade ang box ng pizza, nagkuha ng tissue, at inabot sa akin ang isang slice no'n. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.

"Medyo mainit pa," paalala niya nang tanggapin ko iyong bigay niya.

"Salamat, Sir."

"Welcome. Damihan mo ang pagkain, kasi parang namamayat ka na," sambit niya habang kumukuha na rin ng isang slice para sa kanya. "Hindi magandang pinapabayaan mo ang sarili. Kung ano man iyang problema mo, pwede namang ikwento sa akin para kahit papaano gumaan 'yang damdamin mo."

Hindi naman sa hindi ko na naalagaan ang katawan ko pero minsan kasi nawawalan ako ng gana kumain lalo na at palagi nalang akong mag-isa kumain. Napabuntong-hininga na lang ako at umayos ng pagkakaupo.

Muling nagsalita si Sir na siyang dahilan upang lumipad ang tingin ko sa kanya. "Hindi naman masyadong mabigat ang gawain dito sa opisina, diba? Problema sa bahay ba iyang dinadala mo?"

Bigla akong nahiya sa narinig at napatango nalang. "Sorry Sir kung naaapektuhan na ang trabaho ko dito."

Umiling-iling naman siya at ngumiti. Parang ina-assure ako na hindi siya galit o ano. "Hindi naman sa nakukulangan ako sa performance mo lately, pero hindi lang talaga ako sanay na makita kang tulala palagi. I have always known you as a very active employee. Isa pa, halatang-halata may pasanin ka ngayon dahil nawawala ang kislap sa mga mata mo."

Para akong nabulunan sa narinig. "Po?"

"Kapag ganito ang nakikita ko sayo, I know it's because of your husband. May hindi kayo pagkakaintindihan?" diretsong tanong niya.

Nasa akin ang kanyang tingin, at nasa kanya ang akin. Ilang segundong tila nagdugtong ang aming isipan sa tagpo ng aming mga mata. At bigla, nanlumo ako nang lumitaw ang mukha ni Miro. Nilukob na naman ako ng kalungkutan at gusto ko nang ulit magdrama. Sa matamang titig ni Sir Wade ay nahikayat akong magsalita.

"Nag-away kami noong umuwi ako galing Dubai at hanggang ngayon ay hindi niya ako kinakausap. Grabeng pagpapakumbaba na ang ginawa ko pero pinagtatabuyan niya lang ako. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko para maging okay kami. I just want us to be happy again."

Napayuko ako at pasimpleng nagpunas ng luha sa gilid ng aking mata. Ayokong umiiyak sa harap ng ibang tao pero hindi ganoon kadali ikontrol ang emosyon. Natigil ako sa pagsinghot nang maramdaman ang pag-upo ni Sir Wade sa aking tabi.

Tinapik niya ako sa likod. "You will be okay, Jean. Anuman iyan, malalampasan niyo iyang mag-asawa. With that kind of love you have for him, it could heal even the deepest of wounds."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Somehow, I felt comforted. Kay Sir Wade ko narealize na minsan, kahit ayaw nating mandamay ng iba, mangangailangan tayo sa tulong nila. Tatanggapin nating hindi natin kaya at hindi tayo makakatanggi sa sandalang alok nila.

"Thank you, Sir."

"To be really honest with you, Jean, I like you as a woman."

Napaurong ako sa aking upuan, awang ang labi at nanlalaki ang luhaang mata. Natawa siya nang makita ang reaksiyon. At ako naman, hindi makapaniwalang totoo ang sinasabi ng mga kaibigan ko na may something itong boss namin sa akin. I mean, ramdam ko iyon minsan pero hindi ko binibigyang malisya iyon kasi imposible.

Hindi ako nakapagsalita agad. At siguro umabot sa radar niya ang pagkailang ko kaya muli siyang nagsalita, binibigyang linaw ang intensyon ng sinabi kanina.

"I knew I'd get that reaction. Pero totoo, gusto kita. At alam kong nararamdaman mo iyon. Mali itong nararamdaman ko dahil may asawa ka. But I can't always help the feeling. I like you a lot. But seeing you like this, I realize I can do nothing about it. Because you love your husband so much. And with that kind of love for him, it is impossible to have you for me."

Biglang napanatag ang loob ko. Tila may humaplos sa puso ko. Ngayon na diniretso niya ako ay nawala na ang agam-agam ko. At masaya akong malaman na nirerespeto niya ang relasyon namin ng asawa ko at ang boundary sa pagitan namin.

"You don't have to feel awkward, alright? I am trying to erase what I have for you. And don't worry, wala na akong planong sulutin ka sa kanya," tumawa pa ito. "I just want to be a friend. I'll find someone na lang para sa akin na kaya akong mahalin na gaya ng pagmamahal mo sa kanya."

tender touchOnde as histórias ganham vida. Descobre agora