Chapter 9

206 16 6
                                    

Kinabukasan, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mama Miranda. Pinaalam niya sa akin ang pagbisita nilang dalawa ni Papa sa bahay. Ang sabi niya pa ay nasa bus terminal na sila. May tatlong oras pa ng biyahe.

Dahil Linggo ngayon at wala kaming pasok dalawa ni Miro, nagawa naming maghanda sa pagdating ng aking mga manugang. Habang naglilinis ng sala ang aking asawa ay naging abala naman ako sa pagluluto ng paboritong kare-kare ni Mama.

"Saan na daw ba sila?"

Ibinaba ko ang sandok sa ibabaw ng bowl nang marinig ang boses ni Miro mula sa likuran. Nalingunan ko siyang sinasandal ang walis-tambo sa gilid ng refrigerator.

"Hindi pa ulit nagtext si Mama pero baka nakasakay na iyon ng bus," nakangiti kong sambit ngunit natigilan nang mahagilap ang iilang butil ng pawis sa kanyang noo. "Napagod ka yata sa paglilinis."

Lumipat ako sa kanya, ilang dangkal lamang ang iniwang espasyo sa pagitan, bago dumapo ang palad sa namamawis na noo ni Miro. Marahan ang hagod ng aking kamay habang pinupunasan ito. Napapikit si Miro at kinagat ang ibabang labi.

Natigil lamang ako nang hulihin niya ang aking pala-pulsuhan sabay sabing, "Iyong niluluto mo, my."

"Hala, oo nga pala!"

Mabilis akong nabalik sa dating kinatatayuan. Narinig ko naman ang kanyang baritonong pagtawa na tila ba hinalukay pa sa kanyang puso ang vibration na likha ng kanyang tuwa. Mabibilang lamang ang pagkakataong tumawa itong lalaking ito ngunit nakakataba ng puso dahil sa bawat tawa niya, ako ang dahilan. Gaya noong dati.

With the progress of our research paper comes the opportunity and time to know Miro better. Gaya noong pangatlong beses na nagkita kami sa school garden. Lunch na ngunit naisipan naming gamitin ang oras para sa research.

"Naglunch ka na?"

"Hindi pa," simpleng sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko na siyang ginagamit niya ngayon.

"Ako rin," natatawa kong sagot. "Wala akong pera ngayon e. Binili ko ng external hard drive 'yong allowance ko kanina tapos 'di ako nakadala ng extra."

Bahagyang nangunot ang noo ni Miro ngunit naroon pa rin ang tingin niya sa laptop, nagtitipa. "Edi mangutang ka sa mga kaibigan mo."

Napailing ako at muling tumawa, "Ang dami ko ng utang sa kanila."

Mabilis na dumapo ang kanyang tingin sa aking mukha at nagtagal iyon ng ilang segundo. Nginisihan ko lamang siya at tuluyang nilayasan ng hiya ang katawan ko nang isinambit ang nasa isipan, "Salo na lang kaya tayo sa pagkain mo? Don't worry may kutsara akong dala always."

"Singil mo ba 'to sa ginawa mong paglibre sa akin noon?" Napabuntong-hininga si Miro. Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay at nahuli ko itong hinuhugot ang blue na tupperware mula sa kanyang bag. "O, eto."

Siya na mismo ang nagbukas noon bago iyon inilapag sa lamesa, sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa kanin at isdang nakapresenta sa aking tapat.

Lalong lumapad ang aking ngisi at mabilis na kinuha sa loob ng aking bag ang kutsara. "Itabi mo muna ang laptop at kumain na tayo."

"Sa'yo na iyan. Mamaya na lang ako kakain."

"No way! Sabay na tayo." Inusog ko palapit sa kanya ang tupperware bago pinunit iyong cellophane ng toyo. "Ilang subo lang naman ang mauubos ko. Marami naman 'to."

Napabuntong-hininga na lamang siya at naglabas na ng bottle ng tubig mula sa kanyang bag. Naghati kami sa dalawang slice ng isda at sinawsaw ko iyon sa toyo bago sumubo.

tender touchWhere stories live. Discover now