Chapter 4

257 29 67
                                    

"Sorry po—"

Tatanggi talaga sana ako kaso biglang sumingit ang tunog ng aking tiyan. Napangisi si Sir Wade dahil doon. Hilaw akong napangiti sa kahihiyan. Ilang ulit kong hiniling sa isip ko na sana'y maglaho na lamang ako na parang bula.

"Hindi ka pa bababa?" nanunukso ang kanyang himig nang magsalita. "Tara na."

Wala akong nagawa kundi sumama na lang. Akala ko'y sa cafeteria lang ang tungo namin ngunit sa isang restaurant niya ako dinala.

Kaninang nasa building pa kami ay naglakad siya palabas kaya napasunod na lang din ako. Ayoko namang masabihang bastos kung bigla akong lumihis ng daan. Inimbitahan niya ako nang maayos kaya 'di pwedeng basta ko na lang siyang iwan.

Hindi ito ang unang beses na nagyaya si Sir Wade ng lunch. Ilang beses ko na siyang natanggihan noon ngunit may mga pagkakataon talagang gaya nito na napapasama na lamang ako.

Tahimik kami sa maikling biyahe. Tuwing nagtatanong si Sir tungkol sa trabaho ay tipid ko lamang iyong sinasagot. Kung anong tanong niya, doon lang rin nakasentro ang sagot ko. Wala ng dugtong o extra. I find it a bit awkward to be locked inside Sir Wade's car with him alone kaya itinuon ko ang pansin sa mga billboard na nadadaanan.

Sa isang Korean restaurant niya ako dinala. May lumapit na waiter at tinanong kaming pareho sa aming order.

"Chicken teriyaki for two." Mataman niya akong tinitigan bago ngumiti. "You should try it, masarap."

"Oh..." I suddenly felt the loss of words but I tried to reply quick, "I... I would love to, Sir."

Napatango siya. May multo ng ngiti sa labi. Bago pa man makapagbukas ng bagong usapan ay dumating na ang pagkain. Tanging kubyertos lamang ang naririnig ko habang nilalapag ng waiter ang mga ito sa aming table.

"Nakakain ka na ng mga Korean dishes?" kuryoso niyang tanong nang umalis na ang waiter. "I read from your resume that you can speak Korean."

"Self-taught at... uhm, sa bahay minsan nagluluto po ako." Bahagyang nangunot ang kanyang noo, tila nagpapahiwatig ng kanyang interes sa pakikinig. That urged me to talk more. "Nanonood lang ako sa Youtube ng tutorials sa pagprepare ng dish tapos ginagaya ko na."

He pursed his lips tight and nodded for a couple times. "Masarap naman ba?"

"My husband..." Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi nang mabanggit si Miro, "He enjoys eating Korean foods that I cook for him kaya masasabi kong masarap."

Unti-unting nag-isang linya ang kanyang labi. Naitikom ko ang aking bibig dahil doon. Naging awkward na talaga. Sabay kaming napayuko at ibinaling ang atensiyon sa pagkain. Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang malakas niyang pagtapik-tapik ng chopsticks sa table. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nagsimula siyang sumubo kaya sumunod na rin ako.

Akala ko'y matatapos ang pagkain namin na walang kibuan ngunit muli siyang magsalita, "About sa sinabi ko kaninang ililipat kita sa office ko bilang secretary, I hope you give it a thought."

Nariyan na naman ang mataman niyang pagtitig diretso sa aking mga mata. Napaiwas na lamang ako ng tingin bago sumagot, "I will, Sir. Thank you for the opportunity."

Iyon ang huli naming napag-usapan bago niya mapagdesisyunang bumalik na sa kompanya. Mas naging mabilis ang biyahe pauwi. Wala na rin kaming napag-usapan sa loob ng kanyang kotse. Pabor iyon sa akin dahil sa ilang minuto'y nakapagpahinga rin ang isipan ko.

"Hindi na kita mahahatid sa floor mo," sambit niya habang nasa elevator pa kami.

Napasinghap ako at bahagyang umatras. "Hindi naman po kailangan."

tender touchWhere stories live. Discover now