Chapter 10

251 17 13
                                    

Hindi madaling maghanap ng mga taong nawawala. Lalo na iyong habambuhay mo nang hindi mahagilap. Minsan, nawawalan tayo ng pag-asa. Minsan, nagmumukmok sa isang tabi at sisisihin ang sarili dahil sa pagkawala nila.

Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Miro? O baka naman mas malala pa? Hindi ko alam. Hanggang hula na lamang ako dahil kahit ako na asawa niya ay hindi niya kinakausap. Para bang narito siya ngunit ang kaluluwa ay kung saan na napadpad.

Alam ko namang mahirap mawalan ng minamahal sa buhay. Naiintindihan ko naman siya, pero sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata, tila may ilang bagay ding unti-unti nang nawawala.

Ikatlong gabi na ngayon ng lamay ng kanyang mga magulang dito sa bahay. May iilang kapitbahay na dumadalo sa vigil ngunit ang karamihan talaga ay mga kamag-anak ni Miro na ilang araw na ring nasa bahay.

Natigilan ako sa paghugas ng mga kutsara nang may biglang tumapik sa aking balikat. Napalingon ako sa gilid at nakita si Auntie Dina, iyong kapatid ni Mama Miranda.

"Ako na dito, iha. Magpahinga ka na muna," wika niya kasabay ng marahang pag-agaw ng sponge sa aking kamay.

Wala na akong nagawa dahil nagsimula na siyang maghugas ng mga plato. Nagpasalamat na lang din ako at hinugasan ang aking kamay. Mula kagabi ay wala pa akong tulog. Nagpunta ako sa kwarto at nadatnan si Miro'ng nakatulala sa gilid ng kama. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang maupo sa kanyang tabi. Agad kong napansin ang namumula niyang mga mata.

"Miro..." Dumausdos ang aking kamay sa nakabukas niyang palad. I intertwined our fingers and held him tight. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo. You can share with me your grief."

Bahagya siyang gumalaw, ang mga mata ay nakatutok na sa akin ngayon. May dilim sa uri ng kanyang pagtingin. "Hindi ikaw ang nawalan, Jean."

Lalong bumigat ang aking dinadala dahil sa narinig. Marahan ako umiling. "Noong pinakasalan kita, itinuring ko na ring magulang si Mama at Papa. Masakit, oo, ang biglaan nilang pagkawala sa mundong ito pero, Dy, kailangan din naman nating mag-adjust. Magmove forward."

"Hindi iyon ganoon kadali!" sigaw niya na may kasamang galit at pilit na tumayo kahit na walang saklay. "Hindi madaling kalimutan ang sakit!"

Kahit na nanginginig sa outburst ni Miro ay sinakap kong alalayan siya at inabot sa kanya ang saklay. "Alam ko naman iyon. It takes time to heal. Pero sana lang huwag mong hayaang kainin ka ng lungkot. Look at the brighter side."

Mataman niya akong tinitigan bago siya nagbitaw ng malalim at may hugot na mga salita, "Jean, hindi mo ako naiintindihan."

Hindi ko siya nagawang sagutin. Natamaan ako doon. Ayokong makitang nalulungkot ang asawa ko kaya sa bawat pagkakataong mayroon ay sinasabi kong magmove on na siya. Hindi ko man lang naisip na kahit papaano ay may karapatan siyang malungkot at magluksa.

Noong ika-anim na gabi ng lamay ay bumisita ang mga kaibigan ko sa trabaho. Kami na lang ang narito sa bahay kasama ang iilang kamag-anak ni Miro.

Tinampal ni Kris ang aking braso nang maupo ako sa kanyang tabi. "Ba't parang hindi kayo nagpapansinan ng asawa mo?"

Kumuha siya ng isang tasa ng kape. Kumuha na rin sila Ofelia. Ang kanilang mga mata ay palipat-lipat sa akin at kay Miro na ngayon ay nasa gilid ng mga bulaklak sa harap ng kabaong ng kanyang ama.

"Wala," tipid kong sagot, nagpakawala ng buntong-hininga at sumipsip na rin sa tinimpla kong kape.

"Sinungitan ka na naman 'no? Iyang asawa mong 'yan talaga!" gigil na sambit ni Kris na agad namang sinita ni Nita.

Napalingon ako kay Miro. May kung anong pana ang tumama sa aking puso nang magtama ang aming mga mata. May kislap pa rin ng lungkot sa kabila ng panlalamig niya. Agad akong umiwas at binalik ang tingin sa mga kaibigan. Hindi ko magawang sulyapan siya nang matagal ngayon.

tender touchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora