Chapter 7

199 13 20
                                    

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa opisina. Everything's falling and messy. Sa daming nagbago, hindi ko na alam kung paano pa mag-adjust. Isa-isa kong sinulyapan ang apat na ka-opisinang itinuring ko na ring kaibigan sa loob ng pitong buwan. Will I be able to work effectively without these girls?

Napailing ako. Alam ko namang maaari pa rin kaming magkita pero iba pa rin iyong nakakasama mo sila buong araw. Iyong nagtatrabaho kayong may kasamang kulitan, chismisan, tawanan, bangayan. I will surely miss all of those things.

I called them by their names. Sabay-sabay silang napalingon sa akin, may multo ng ngiti sa mga labi.

"Okay na daw ba 'yong report?" nahimigan ko ng pag-asa ang boses ni Nita nang tanungin niya ako.

Tumango ako at pekeng ngumiti. Nagawa ko pang magbiro, "Tayo ang gumawa no'n kaya no fail."

"But something seems wrong. Feel ko," puno ng pagdadramang sambit ni Kris.

Lumapit ako sa aking table at unti-unting iniligpit ang mga gamit. Apat na pares ng mga mata'y naguguluhang nakatutok sa aking ginagawa. Saglit akong nahinto sa paglagay ng folders sa box at nag-angat ng tingin.

"I'm not quitting my job, alright?"

"Ano ito, kung gano'n? Don't tell me..." Impit na tumili si Kris na tila ba nakasagot ng isang mahirap na bugtong. "Don't tell me ginawa kang secretary ni Sir Wade?"

Mabilis siyang lumapit sa akin at marahang hinila ang braso ko. "My god, ganda, he's making his move now."

Napasinghap ako at inilayong bahagya ang mukha sa kanya. "Anong move? Magtatrabaho lang ako under sa kanya. Iyon lang."

Umiling-iling siya at tinignan si Tara, tila humihingi ng suporta sa argumento niya.

"I agree kay Kris, Jean."

Umiling na lamang ako at tinapos na ang pagliligpit ng gamit. Saglit akong nagpaalam at isa-isa naman silang yumakap sa akin. Tuloy, pakiramdam ko mag-aabroad ako dahil sa kanilang akto.

"Bisita ka dito kapag 'di ka busy, ha?" Iyon ang huli kong narinig mula kay Nita bago tuluyang lumabas ng opisina.

Pagdating ko sa labas ng opisina ni Sir Wade, wala ng Mrs. Aguilar na sumalubong sa akin. Siguro nakauwi na ito. Napagdesisyunan kong ibilin na lang ang mga boxes na may gamit ko sa table doon. Wala naman sigurong magkaka-interes nakawin ang mga ito. Tutal ay alas syete na naman ng gabi, uuwi na ako at ipagpapabukas na lang ang pagreport bilang secretary ni Sir Wade.

Hindi ko na naabutan si Miro sa bahay. Biglang tila hinigop ang enerhiya ko sa katawan. Mabigat ang bawat hakbang ko nang magtungo sa kusina. Tiningnan ko kung may luto bang kanin o 'di kaya ay may platong naiwan sa sink. Kaso wala. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi kumain ang asawa ko. Awtomatikong tumabon ang palad sa aking mukha at marahas akong napabuga ng hangin. Hindi ko na naman mapigilan ang pag-aalala.

I texted him in an instant, but he did not reply. Sumisikip ang puso ko habang nagluluto ng ulam at hanggang sa kumaing mag-isa sa pang-apatang table ng kusina. For the first time in my life, I felt so alone.

Hindi nakatulong ang katahimikan ng aming kwarto. Tila binubulong nito kung gaano kalungkot ang buhay ko ng wala si Miro. Tama nga. Simula nang magkalapit kaming dalawa ay dumepende na sa kanya ang kasiyahan ko. Si Miro, kay Miro at para kay Miro. Tila inalay ko na ang buhay ko sa kanya. Mali ba 'yon? Hindi. Nagmahal lang naman ako. At ganitong paraan ang pinili.

Binati ako ng kawalan nang magising sa umaga. Papikit-pikit kong tinignan ang oras sa aming digital clock at napag-alamang alas-sais na pala. Muling lumukob ang kalungkutan sa aking sistema. Dapat ay nasa tabi ko na si Miro ngayon at natutulog ngunit hindi man lang nagusot ang kabilang banda ng kama.

tender touchWhere stories live. Discover now