Chapter 30

2.2K 72 0
                                    

Dann Alexander's POV

NANDITO na ako ngayon sa classroom. Hinatid pako ng tatlong oso kaya ayun ako na naman ang pinagtitignan ng mga studyante.

Extra famous letse. 🤩

Lumapit sakin si Gloelsa isa sa tatlong kontrabida at remember yung tatlong to na nagpagahasa sakin kaya nakilala ko si grandmother queen? Oo isa siya dun siya pala si wrapper girl. Putik.

"Kaano-ano mo sila ah? Ba't parang napapadalas sila sa paghatid sayo?!" tanong niya.

"Anong pake mo?" sagot ko lang sa kanya at umirap lang.

Sumugod naman yung dalawang kampon niya. Si Micah at Monique.

"Kinakausap ka ng matino ah?!" ani ni Monique.

"you should answer her kindly" ani naman ni Micah.

Umiling lang ako at nag salita "Hindi kami kaano-ano at wala na kayong pake kasi hindi kayo kasali sa storyang toh"

Sasampalin na sana ako ni Gloelsa ng bigla akong nag salita "Sige subukan mo tignan natin kung sino na naman ang mama-campus bound?!" natakot naman siya at umatras.

Puta takot naman pala. Bumalik naman sila sa kinauupan nila kanina at umupo naman ako ng maayos.

Nakita kong iritang-irita si Gloelsa at yung mga ipis niyang friends sa inasta ko pero lakong magagawa alangan namang isabi ko sa kanila ang totoo.

Nag simula at natapos ang buong klase ng matiwasay at dahil 12am na ibig sabihin kainan na at dumiritso na ako sa cafeteria.

Hinanap ko si Chen pero diko siya nakita imbes nakita ko ang tatlong oso na naka upo sa inuupuan namin ni Chen pag kumakain kami sa caf.

Nag wave pa ng kamay si Seth at suminyas na umupo raw ako sa kinauupuan nila at wala na akong choice kundi ang lumapit sa kanila kahit labag ito sa kalooban ko.

Pumunta na ako sa bakanteng upuan at umupo doon.

"Buti naabutan kapa namin" ani Arch.

"Eat your lunch Dann" ani naman ni Sean sabay bigay ng food sa harap ko. Ang bait naman nila kinuhaan pa talaga ako ng foods.

"Salamat, nakita niyo ba si Chen?!" agad kong tanong.

"Nope!" simpleng sagot ni Arch.

"Baka may importante lang na ginagawa alam mo naman STEM" ani ni Seth.

Baka nga. Kaya kumain nalang ako.

Habang kumakain kami biglang lumapit samin ang tatlong pusit. Si Monique, Micah at Gloelsa at may dala pa silang trey ng pagkain.

"Hi boys?" ani ni Micah.

"Paki hi naman kami sa alalay niyo?" ani naman ni Monique.

Tinignan ko sila ng masama pero tumawa lang sila.

"Umalis na nga kayo!" ani ni Arch.

"Ano to Arch, pagpapalit moko sa isang bakla?!" ani ni Gloelsa.

"You heard my cousin right? Umalis na kayo!" ani naman ni Seth.

"Tumahimik kang puta ka!" ani ni Micah.

Teka lang ano bang nagyayari dito parang may mali?!

"We're sorry okay? Can you please leave us alone?!" agad na singhad ni Sean na kanina pa tahimik.

"Sumasagot kana pala Sean?" agad na sagot ni Monique.

Naguguluhan na talaga ako sa mga taong to.

"Fuck off! Umalis na nga kayo!" galit na ani ni Arch na nagpakuha ng atensyon ng lahat.

"Ok but before that!" nagulat na lang ako sa ginawa ni Gloelsa.

Binuhusan niya ako ng juice na nagpa init ng ulo ko, wala naman akong nagawa kaya kinumkum ko nalang ang kamao ko.

Humalakhak naman sila at nagmadaling umalis. Susundan pa sana sila ni Arch pero pinigilan ko ito.

"Wag na Arch, kung meron kayong past ng tatlong yun pagusapan niyo. Pupunta nalang ako sa cr" ani ko at umalis.

Eh puta naman kasi eh. Ang sisikat nila tapos ako dito parang kabote lang na agad na sumulpot. Eh siyempre magugulat yung mga madlang people kung bakit naging parte na ako sa buhay ng mga Stanton.

Pero ano ba talaga past ng anim na yun at nadamay pa ako.

Pag pasok ko sa cr agad kong napansin ang nakasulat sa salamin.

"BE CAREFUL, MUAH!" yung nakalagay at lipstick pa ang gamit pagsulat.

Kinabahan ako pero kunti lang at nabaling naman yung atensyon ko sa cp ko dahil bigla ito nag ring. Kinuha ko naman ito sa bulsa at binasa ang text.

"Si Chen to punta ka sa likod ng auditorium bilis!" ang pinagtataka ko lang ay number lang yung nakatatak.

Baka importante. Lumabas naman ako cr, nakita nga ako nila Arch pero sinabi kong may pupuntahan lang ako si Chen.

Nagmadali akong nagtungo sa auditorium. Pagkapunta ko sa likod wala akong nakita ni anino ni Chen.

Dun na tumaas balhibo ko wala pa namang katao-tao dito.

Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pagtingin ko kung sino ang humawak ay bigla niya akong hinampas ng baseball bat... yung sakit na magpapatulog talaga sayo.

VOTE💖

Tatlong Erfo and Me #Wattys2022 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora