ILYS1897 CHAPTER 2 UNEDITED

135 4 0
                                    


(center, bold) CHAPTER 2Weng Tiempo POVBinuksan ko ang regalo ni kigs sa kwarto ko. At halos mapa-iyak ako sa nakita ko. Ito yung first gift niya na ang sobrang simple pero ang laki ng effort.Binigyan niya ako ng copies ng childhood picture naming dalawa na parang naka-polaroid shot at sa every photo nito ay may nakasulat na sweet messages sa likod. At tunaw na tunaw ang puso ko ngayon. Kinikilig ako pero wala akong romantic feelings sa kanya.Iba ito sa regalo niya dahil nireregalohan niya ako ng sapatos, cellphone at ilang mamahalin na bagay nuon pero ito, drabe kakaiba talaga siya. Iniwan niya akong naka-nganga. Naka-sandal ako sa headboard habang binabasa ang mga sulat niya sa likod ng mga pictures ng biglang tumunog ang alarm clock ko ng "9:00 pm" eh hindi naman ako nag-seset ng ganung oras. Umupo ako ng maayos at aabutin na sana ang alarm clock ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sintido ko at may bigla na namang may tumunog sa tenga ko at ang tulis nito na para bang naglapit na microphone at speaker. "Aaahhh ang sakit!!!" sigaw ko habang naka-pikit at hinahawakan ang magka-bilang tenga. Hihiga na sana ako kaso napansin kong wala na yung higaan ko, pag-dilat ko ay nag-iba na ang paligid at nag-itim ito. Pag-tingin ko ay wala na ako sa kama ko at para bang nasa-itim na kawalan at late ko ng ma-realize na para bang nasa blackhole ako at unti-unti akong hinihigop nito pababa. "Aaahahhhhhhhh!!!!!" sigaw ko sa takot at paikot-ikot ako na para bang walang katapusan. "Weng, panaginip lang ito Weng. Panaginip lang ito!!!" aniko. Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, kahit anong gawin ko sa sarili ko ay nasa blackhole parin ako at patuloy na umiikot at parang nahuhulog. "Aaahahhhhhhhh mamaaaa!!!" iiyak na sana ako ng may biglang umilaw. Maya-maya yung ilaw ay naging mukha ng isang tao. Una ay isang 30+ na babae na naka-damit ng parang baro't saya, sumunod dito ay isang mukha ng lalaki nasa 30+ rin at naka-barong tagalog ito. Sumunod naman ang 30+ din na babaeng naka Maria-Clara dress. May sumunod naman na dalawang babae na parehas ang damit at nasa 20s pa ito. Maya-maya ay may mukha ng isang lalaki na naka-suot na para bang pang-guardiya noon at di malinaw ang mukha nito at ganun din yung lalaking sumunod na parang naka-suot ng barong tagalog. At yung nagpa-gulat sakin sa lahat ay yung mukha ng isang babae na kalaunan ay na-realize kong si Binibing Kathrina pala ito, yung statue sa Library-Museum. May tumama sa ulo ko na nagpapikit sakin dahil sa sakit. Pag-dilat ko ay naka-higa pala ako at pag-tingin ko sa palagid... "Aaaaaaahhhhhhhh!!!!!" hindi ko na kwarto to at nagulat pa ako ng parang maramdaman ang taas ng boses ko. Napatayo ako sa kama at napa-tingin sa paligid. "Shet, totoo ba to?!" kinusot ko pa ang mata ko pero hindi nag-iba ang paligid para itong lumang bedroom at para bang espanyol ang gumawa nito dahil sa mga decorations. Napatingin ako sa bintana at laking gulat ng makitang may sikat na ng araw eh alas nuwebe pa naman ng gabi. Inikot ko ang paningin at nahanap ang luma pero magandang wall clock at 6:00 am na ng umaga. Whhaatttt?? Lalakad na sana ako palabas ng mapansing naka-suot pala ako ng evening dress na sinusuot ng isang babae pag natutulog. Wait? Babae? Tinignan ko ang sarili ko at nagulat ng may bukol akong nahawakan sa magka-bilang dibdib ko. Gumapang ang mga palad ko sa mukha ko at naramdamang malambot ito eh hindi naman ako clearskin—napunta ang mga kamay ko sa buhok ko at nagulat ng maging mahaba ito. "Omoooo!!!" sadako ba ako?? Dahan-dahan akong pumunta sa pinaka-malapit na human size mirror at nagulat sa nakita ko. "Taengna!" Isang babae ang nasa repleksyon at hindi ako. Nabalot agad ang katawan ko ng takot at dali-dali akong lumabas ng pinto. "Aaahaahahhhh!!!" mas nadagdagan ang gulat at kaba ko ng makitang hindi ko na bahay ito at ang lawak neto ang grande pero parang sinuang bahay—mas nagulat pa ako ng makitang mas humaba ang hagdan. "Oh my goodness, watdapak. Anong nangyayari?" natatarantang salita ko habang bumababa ng hagdan. Ng makababa na ako ay may biglang lumitaw na dalawang babae na halos magka-pareha ang damit. "Magandang araw Binibini!" anila habang naka-yuko. Nag-iba ang ekspresyon ko sa mukha. "Huh? Binibini? Hindi ako babae ghurl!! Aaaaahhh!!!" Natatarantang tumakbo ako sa sa pinto na may dalawang pinto katulad ng mga pinto sa isang dormitory at binuksan ito gamit ang dalawa kong kamay. Pag-bukas ko ay isang malakas na hangin ang agad na sumalubong sakin at napa-pikit ako. Pag-dilat ko ay nakita ko ang malwak ng green space at may isang magandang fountain sa gilid. "San na yung kalsada namin??" Napatingin pa ako sa paligid at may nakitang ilang tao na-naka Barong-Tagalog at naka-Maria Clara dress. Anong okasyon niyo guys?! Napatitig ako sa pinang-galingan ko at laking gulat na isa pala itong Mansion—magandang mansion at nawala na yung kyutt na bahay namin. "Aaaahhhhh!!!" tumaas na naman ang balahibo ko at basta tumakbo na lang. "Binibini?" may nadaanan akong babae na siyang dumagdag pa sa goosebumps na nararamdaman ko at mas binilisan ko ang pag-takbo. Putik, so hindi to joke lahat? Hindi to panaginip? TOTOO TO?! Napunta ako sa isang harden at ang kalmadong ambiance at magandang tanawin neto ang nagpa-kalma sakin. Nandito pala ako sa gilid ng mansiyon. Ang layo pala ng tinakbo ko at umabot ako dito. Napunta ang mata ko sa taas ng mansiyon at nakita ang isang balkonahe na napapaligiran ng hanging-flowers. At may kung ano sakin na sumasabing dito ako nang-galing. Yung balkonaheng iyon ay koneksyon sa kwarto na pinang-galingan ko kanina nung dumilat ako. "Impossible!" aniko. Lalakad na sana ako para mag masid ng biglang may sumigaw na babae at napa-tingin ako sa balkonahe kung saan ang boses ng galing at nagulat ako ng may biglang babae ang lumitaw dito. (curve) "Maawa ka sakin, huwag mo kong patayin!" awa ng babae. Nakita kong naka-sandal na siya sa barrier ng balkonahe at kung gagalaw pa siya ay mahuhulog na siya.Naka-talikod siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya pero nung bigla siyang tumingala sa baba ay nagulat ako sa nakita ko. "Hindi to totoo" aniko sa sarili. Pero ang laking pagtataka ko ay parang hindi man niya lang ako nakita. Pero yung mukha niya. Yung statue sa university, yung reflection sa salamin, at tong babaeng ay iisa. Ibig sabihin nasa katawan ako ni Binibinig Kathrina Stanton? Pero ba't ako? Eh pangit naman ako, kapalit-palit naman ako then WHY ME? At bakit ko naman makikita yung katawan ng Binibini sa balcony kung nandito yung katawan niya sakin at nasa baba ako ng garden? "Hahahahaha!" napatawa ako ng malakas sabay hawak pa sa tiyan. Nakaka-loka yung imagination ko hahaha. Agad kong sinampal ng malakas ang sarili ko at naramdaman ko yung hapdi. Pusang-gala, totoo nga to! "Aaahhhhh!" napatingin ako balcony at nagulat ng makitang sinaksak ng espada ng naka-armor na tao sa Binibinig Kathrina. Tinulak pa nito ang katawan ng Binibini at alam kong mahuhulog ito sa kinatatayuan ko. Tatakbo sana ako kasi di ako maka-galaw, wala akong nagawa kundi ang pumikit nalang at hintaying madaganan ng Binibini. (curve) "Mag-ingat sa pag-mamahal!" rinig ko habang naka-pikit. "Aray!" may tumamang matigas sa ulo ko na nagpa-upo sakin sa damo. Pag-dilat ko wala na yung taong naka-armor sa balcony at pati rin yung katawan ng Binibini. Di kaya'y namamalik-mata ako? Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sakit. Maya-maya ay may napansin akong bagay sa di kalayuan. Gumapang ako para makuha ito, napansin kong maluma itong notebook na makapal ang cover. Ito siguro ying tumama sa ulo ko kaya masakit. Makukuha ko na sana to ng biglang may nag-salita na nagpagulat sakin. "Binibini, anong ginagawa mo riyan?!" Di ko siya tiningnan at agad kong kinuha ang notebook at mabilis na tumayo at di napansin ang kamay niya na inilahad sakin. Pagka-tapos kong pagpagan ang sarili ay tumingin na ako sa mukha niya. Oh my gulay, watdapaking fudgeebarr. Ang gwapo niya, malinis na naka-ayos ang buhok niya, naka-suot siya ng puting barong at naka-black slacks. Matangkad siya 5'11 yata, maputi siya, sakto lang ang hugis ng ilong, may mapupulang labi, saktong kapal ng kilay, at maitim na mga mata. Teka, familiar siya parang nakita ko na siya, hmm... saan bah? —Ayy tama parang siya yung lalaking nakapang-guwardiya ang suot na nakita ko nung nahulog ako sa black hole at gwapo pala niya kasi nga blurry siya nun. Pag-tingin ko sa kanya ay para din siyang nagulat sa mukha ko at napa-titig lang sakin bago mag-salita. "A-ayos ka lang ba Binibini?" anito. Ang erfo neto shhhheettt!!! "Umm.. Oo" sagot ko, pabebe alert! "Anong ginagawa mo sa bakuran sa madaling araw na ito?!" tanong niya. Police ba siya? "Ahh... Eh, ih, oh, uh?!" Di naman ako maka-sagot at napa-kamot lang ng batok. "Nandito ka lang pala Binibini! Nag-alala kami at baka'y may mang-yari sayong masama." Napatingin kami sa nagsalita at nakita ko yung na daanang kong babae at sa magka-bilang gilid niya ay yung dalawang babae na bumati sakin kanina. Lumapit sila sa amin at agad akong inilalayan nung dalawang babae." Paumanhin Ginoo at kailangan na naming ipasok ang Binibini" dagdag pa neto. "Walang problema" sagot neto at yumuko sabay atras. At ginabayan na akong lumakad nung dalawang babae na palagay ko ay mga maid dahil sa suot na mga apron, nakita ko rin sila nung mahulog ako sa blackhole. At yung nag-salita naman ay alam kong siya yung unang babae na nakita ko nung nahulog ako sa black hole na naka-baro't saya at ngayon ay naka-bun ang buhok niya. (center) ***"PAANO KUNG MAY nang-yaring masama sa Binibini? Malalagot tayo at mawawalan ng trabaho!" boses nung babaeng 30+ na nag-salita kanina. "Pasensiya na po, Mayordoma!" sagot naman nung dalawa na sa palagay ko ay nasa 20s pa at kaedad rin nila si Binibinig Kathrina. Nasa-loob ako ng kwarto ngayon—yung kwartong pinan-galingan ko kanina. Naka-tayo ako habang naka-sandal ang mga tenga sa pinto at nakikinig sa usapan sa labas. Yes, I'm eavesdropping char. Unti-unti ko ng ina-absorb ang nagyayari sakin. Nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at napatayo ako ng maayos. "Ano bang nanyari Binibini?!" ani nung Mayordoma na may pag-alala sa boses. "Umm, wala po!" sagot ko. "Kung sa ganu'y magpa-hinga muna kayo at kailangan niyo pang matulog hanggang alas siyete. At mamaya'y dadating na ang iyong mga magulang" anito, magsasalita pa sana ako ng bigla niyang isinirado ang pinto. Ayy, bastos?? Napunta ang mga mata ko sa kwarto at namangha talaga ako sa paligid. Napaka-elegante ang lahat ng kagamitan mulas sa mga kurtina patungong mga silya. Napunta ulit ako sa human size mirror. "Oh shit, ang ganda ko talaga!" ayy hindi ko pala to mukha. Napa-hawak ako sa mga firm kong dede papunta sa maliit kong hawak. "Ano kayang lifestyle ni Binibinig Kathrina?" napunta ang kamay ko saktong kalakihang balakang.Teka may petchay kaya ako? Dahan-dahan kong pinunta ang mga kamay galing sa balakang papuntang pekpek. "Watdapaaaakkkkkk!!!" di ko naramdaman ang betlog ko at napatalon ako ng PETCHAY nga ang nahawakan ko. "Oh my goodnesss!!!! May belatt ako!!!" sigaw ko sa saya at napatingin ulit sa salamin. Pero hindi to ako nasa katawan ako ni Binibinig Kathrina, anyari? Anyari sa kanya? Maganda ang statue nung makita ang mukha niya, di ko maiwasang mamangha dahil mas maganda pala ito sa personal. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako napunta sa katawan niya? Anong nangyari sa kaluluwa niya kung ang kaluluwa ko ay nasa kanya? Anong nangyari sa katawan ko? At bakit to nangyari? Sa anong paraan? Umupo ako sa gilid ng kama at inisip kung bakit ako nandito at bakit to nangyari. At maya-maya ay may napagtanto ko na... "Humiling pala ako na maging babae, pero hindi sa ganitong paraan!" Ang gusto ko maging babae na parang si Lisa ng Blackpink hindi mapunta sa katawan ng babaeng nabuhay sa—teka anong panahon ba to?! Siguro may koneksyon to sa lumabas na luha sa mga sa statue ng Binibini. Ang weird at sobrang creepy. Kinuha ko ang notebook na inilgay ko sa kama kanina at binuksa ito. Ang luma ng libro pero maganda ang pagkaka-sukat na mga salita, pang-calligraphy besh. (curve) "Walang nakaka-alam nito kundi ako lang." Wow, ayos ang prolouge ah! Nakaka-kuha ng atensyon. Flinip ko ang next page at nabasa ang... (curve, bold) "Unang Talasarili, Pebrero 01, 1897, LunesIsinulat ko tong talaarawan nato bago ang isang linggo matapos kong malaman na ikakasal pala ako sa taong hindi ko pa nakikita. Wala akong magawa, kailangan ito para mas tumibay at mas lumakas ang kapangyarihan ni ama sa politika at sa marami pang-paraan. Kung ako'y naging lalaki, may kalayaan akong mamili ng mamahalin, pumili ng buhay na gusto ko. Pero ako ay iaang babae at wala akong karapatan kundi ay sumunod lang. "Chaka naman neto! Bweset talaga yang mga lalaking yan. Walang EQUALITY, hays. Flinip ko ulit ang papel at napunta sa pangalawang entry. (curve)" Ikalawang Talasarili, Pebrero 02, 1897, Martes. Sa sumunod na mga araw ay tinuro sakin kung paano maging isang mabuting asawa. Tinuruan nila ako sa mga gawaing bahay at sa maraming pang bagay para sa aking maaasawa. Ngunit isang gabi, ay napahamak ko ang aking sarili. May biglang nagtangkang patayin ako, mabuti't may isang Ginoo ang tinulungan ako kaya ginawa siya ni ama na maging Guwardiya personal ko. Si Ginoong Gregorio Villacorta."Ginoo? Ang ibig sabihin ba niya ay yung lalaking nakita ko kanina? Pero ang naka-sulat dito ay gabi pero nakita ko siya ngayong araw. Ibig sabihin ba ay nabago ko yung pangyayari at na delayed ko yung dapat na mangyari? Mama Mia! Itinupi ko ulit ang papel at napunta sa ikatlong entry. (curve) "Ikatlong Talasarili, Pebrero 03, 1897, MiyerkulesNagustuhan ko si Ginoong Gregorio subalit ay dapat itong nakapanatiling lihim sapagkat hindi ito kinikilala ng mga tao at ako'y dapat maging isang dibdib sa taong hindi ko pa nakikita. Dumating ang araw Pebrero 04, huwebes at nakilala ko na ang mapapangasawa ko. Masasabi kong isa itong tunay na Adonis at napaka-ganda ng kanyang mga ngiti pero mahal ko si Ginoong Gregorio. "May pagka-landi naman pala ang isang dalagang pilipina yeah! Hihi. Flinip ko uli ang papel. (curve)" Ikaapat na Talasarili, Pebrero 05, 1897, Biyernes. Marangya pero mabait at mapag-kumbaba naman si Ginoong Alejandro Plasquita at isa siyang matapang na mandirigma ayon sa mga kwento niya. Hindi lang siya mabait sakin pero mabait siya sa lahat na nakapaligid sa akin. Nakita ko ngang nakikipag-usap siya sa aming Mayordoma at sa dalawang mutsasa ng aming tahanan. Yun nga lang ay nawalan na akong oras kay Ginoong Gregorio dahil nga inuna ko ang pagiging asawa at di namalayang umalis na pala siya sa hacienda. "Ba't ang sakit? Ba't nakaramdam ako ng lungkot? I-flinip ko uli ang papel. (curve)" Ikalimang Talasarili, Pebrero 08, 1897, LunesDumating ang araw ng kasal at nagsaya ang lahat ng taga San Estanton. May piging at walang katapusang kasiyahan. Ngunit, kinabukasan ay nagising ako dahil sa sigaw ng aking ina. Agad akong tumakbo sa silid-tulugan nila at nakitang naka-handusay si ina na may dugong nakapa-libot sa kanyang mga liig. Gusto ko siyang tulungan ngunit sininyasan ako ni ina na tumakbo na at mag-tago. Nag-umpisa na akong matakot at umiyak. Tumakbo ako at nag-tago sa silid ko. Minabuti kong ikinando ang aking pintuan at agad nag-tungo sa balkonahe, ngunit ilang minuto palang ang lumipas ng biglang bumukas ang aking pinto at nakita ang isang tao na may suot na baluti na may dalang espadang may dugo at sa isang kamay niya ay ang ulo ng aking ama. Wala akong magawa at alam kong hindi maka-tutulong ang iyak ko. Nagmaka-awa ako sa kanya at inalok siya ng maraming ginto pero itinapon lang niya ang ulo ng aking ama sa akin na nagpa-dagdag ng kaba ko. Naramdaman kong tumama ang aking likod sa hadlang sa aking balkonahe, napatingin ako sa baba at alam kong mamatay rin ako kung tatalon ako mula rito. Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang espada na sinaksak niya sa aking dibdib. Naramdaman ko ang sakit, alam kong tinulak niya ako at nahuhulog ako pababa sa aking harden. Alam ko ng katapusan ko na ito kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata. "Watdapak? Kung ganun ang nangyari sa kanya, maaaring ganun din ang magyayari sakin! Pero bakit niya pa ito nasulat kung namatay siya? Agad kong pinakli ang sunod na pahina. (curve)" Ikaanim na Talasarili, Pebrero 01, 1897, Lunes, sa ika-dalawang pagkakataon. Sa aking muling pag-dilat ay nandito ulit ako sa kwarto ko. Lalabas sana ako ng marinig ang boses ng ama ko na ikakasal na raw ako sa susunod na linggo. Hindi ko maipaliwanag pero parang bumalik ako sa unang araw na isinulat ko itong Talaarawa nato. Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Naulit lang ang mga nangyari na naranasan ko matapos kong malaman na ikakasal pala ako. Matapos ang ilang araw ay ikinasal na naman ako at kinabukasan ay natatagpuan ko ang sarili ko na pinapatay. At sa muling pag-dilat ko ay bumabalik na naman ako sa dati at paulit-ulit na lang ang nangyayari. Gigising ako sa kama at mahuhulog sa balkonahe ko. Hindi ko alam kung may hanggan ito at baka dumating ang isang araw na hindi na talaga ako gigising na siyang ikana-tatakot ko."Napatakip nalang ako ng bibig at di maiwasang umiyak. Hindi ko alam na ito pala ang nangyari sa Binibini at alam kong totoo ito kasi nga nandito ako. Kaya siguro tinawag siyang " The Mysterious Binibini"(curve) "Ikapitong Talasarili, Pebrero 08, 1897, Lunes sa ikalabing-isang pagkakataon. Habang sinusulat ko ito lumaki akong sawa at pagod na sa paulit-ulit na nangyayari at sa sakit na paulit-ulit kong nararamdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari sa buhay ko at diko maipaliwanag kung bakit ito nangyari sa buhay ko. Sinubukan ko namang baguhin ang daloy ng estorya pero bigo ako, namamatay rin ako sa huli. Sa muling pagka-hulog ko sa balkonahe ay humangad ako na sana sa muling pag-dilat ko ay ibang tao ang nasa loob ko at sana ay matulungan niyang baguhin ang naka-tadhana sa buhay ko. "So ito pala yung dahilan kung bakit nandito ako? I'm risking my life para baguhin ang naka-tadhana sa kanya? Pero bakit ako? Ang daming iba diyan! Muli kong flinip ang papel at nabasa ang (curve, bold)" Tulungan mong bagohin ang buhay ko bago ko masira ang hinaharap!" So expected niya talagang may papalapit sa kaluluwa niya dahil naisulat niya pa ito. Pero hindi ko maintindihan ang huli niyang mensahe. Bago masira ang hinaharap? Anong ibig sabihin nun? Itiniklob ko ang notebook at ilalagay na sana sa malapit na drawer ng may biglang nahulog at agad ko itong kinuha. Nagulat ako sa nakita ko, isang lumang picture ito ni Dannielle Blase Stanton ay unti-unti iting nawawala ng parang bula. So, ito yung ibig sabihin ng last message niya? Ibig sabihin hindi mabubuhay si Dannielle Blase kung hindi ko mababago ang naka-tadhana? Ibig sabihin rin ay mabubulok ako dito at di na makakabalik sa buhay ko? NOOOOO!!! ILABMYSELF, ILABMYBEBELUVS! HUHUHU!! "Makinig ka!" nabitawan ko ang litrato ng biglang may sumigaw sa labas na boses ng isang lalaki at agad akong tumayo at sinandal ang tenga para maka-dinig sa pinag-uusapan nila. "Kailangan natin ting gawin para sakin—satin at sa mga taong naka-palibot sa atin!" dagdag pa nito. "Ngunit ang bata pa niya at ayokong magaya siya sa akin!" boses ng isang babae. "Hindi, kailangan na nating siyang ipakasal sa tahanan ng mga Plasquita!" sigaw ulit nung lalaki. Taengna. Ito na yun? Ibig sabihin Febraury 01,1897 ngayon, lunes at panglabindalawa ng pagkaka-taon? Ibig sabihin nag-simula na ang buhay ko bilang Kathrina Stanton? Watdapak! King-inang fudgeebarr!! Biglang bumukas ang pinto at muntikan na nga akong mamudmod buti nga ay naka-tayo rin ako ng mabilis. " Anak—Hija?!" sabay nilang salita at di ako sumagot. Naging familiar sila at napagtanto kong sila yung babae at lalaking 30+ na nakita ko sa black hole nung nahulog ako. Ibig sabihin kaharap ko ang mga magulang ni Binibini Kathrina ang unang mga Stanton. Biglang lumapit sakin ang ginang at inilagay neto ang balikat niya sa likod ko. "Kanina ka ba riyan? May narinig ka ba?" hindi ako maka-sagot at dahan-dahang yumango."Ibura mo yan sa iyong isip anak k—" naputol ang sasabihin ng biglang nagsalita yung ama ng Binibini. "HINDI, gusto kong malaman mo na ikakasal ka na sa susunod na linggo at gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa mga napaka-raming pag-aaral tungkol sa pagiging asawa at wala ng makaka-bago sa isip ko!" sigaw niya sabay hatak ng ginang, pero kahit anong gawing pagtitilagpis neto ay wala siyang magawa dahil malakas yung lalaki. " Edi wow! " sigaw ko at alam kong di nila to narinig dahil naka-baba na sila ng hagdan. Taengna! Dapat maka-isip ako ng magandang paraan para mabago ang naka-tadhan kay Binibining Kathrina at bumalik na ako sa maganda kong buhay!

Tatlong Erfo and Me #Wattys2022 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora