Chapter 14

2.4K 99 0
                                    

Dann Alexander's POV

TUESDAY,  hindi na ako sumali sa mga obstacles kahit alam kong mag eenjoy ako kahapon. Buti ay may mga obstacles pa ngayon at ibubuhos ko lahat ng energy ko doon.

"Huwag mo ibuhos lahat sa kanila Dann" ani ni Chen.

"Alam kong concern kalang kasi nag tratrabaho ka sa kanila" dagdag pa niya.

Hindi ko na siya sinagot at pinag patuloy ang pagsuot ko ng sapatos.

Pumunta na agad kami sa meeting area para malaman ang mga bagong obstacles.

At tulad kahapon mag kalaban ang bawat grade level.

Second obstacle: Listen to your friend. Kailangan mong makinig sa kagrupo mo kung anong ingay ng hayop ang isisigaw nila. Sa aming grade level tahol ng aso ang pinagkasunduan namin. Nasa kabilang side ang leader kung saan siya muna ang mag tatahol, naka blindfold naman ang unang player at susundan niya ang tahol ng leader niya. Pero dapat mag ingat sa mga kahoy! Palipat lipat ang direksyon ng mga leaders kaya mas exciting!

Ako na ang susunod at nakita ko naman na si Seth ang katunggali ko sa grade 12. Ewan ko ba kung bakit sunod-sunod ang pagiging opponent namin ng mga oso.

"Aw.. Aw.. Aww!" yung lang yung naririnig ko at sinundan ko naman ito. Dahan dahan akong naglakad para di mabangga sa mga naka harang na mga kahoy.

Sa di kalayuan may narinig akong napamura. "Fuck this tree!" at sunod nun ang pagka tumba nito sa lupa. Agad kong tinanggal ang blindfold at dali daling hinananap si Seth.

Nakita ko naman siyang naka higa sa lupa habang hawak-hawak nito ang noo. Shet, dugo na naman.

"Medic! Medic!" pagsisigaw ko. Lumapit naman yung mga medic at ginamot si Seth.

Naawa na talaga ako sa mga oso. Baka si Arch na ang susunod punyeta.

Agad naman nilang binuhat si Seth papunta sa tent nito. Wala naman yung dalawang oso kaya kami nalang dito ni Seth ang nasa loob.

"Okay ka lang? May gusto kaba?" tanong ko sa kanya.

"Nakakatawa ka talaga da great. Kita mo ngang nag dugo yung noo ko kanina diba?!" ani niya.

"Puta talaga kung na erase lahat memories ko. Frontal lobe pa naman toh!" dagdag paniya.

"Hindi kasi nag iingat eh!" singhal ko sa kanya.

"Eh naka blindfold nga ako!" dikta niya.

Hindi ko na siya inaway at pinatulog ko na siya. Naging personal yaya na talaga ako.

Buong tuesday ibunuhos ko sa pag babantay ni Seth.

Nagpaalam naman ako nung dumating na sila Sean at Arch na may dalang pagkain.

" Ang bilis talaga umaksyon ni karma noh?!" agad na tanong ni Chen pagpasok ko ng tent. Inaantay niya talaga ako at hindi pa kumain.

"Salamat sa foods Chen. Nag abala kapang pumila dun" sagot ko nalang sa kanya.

Nagumpisa naman kaming kumain ng bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Sabahin mo lang Dann kung di mo na kaya. Andito naman ako, handa akong tulungan ka" ani niya.

"Naku, ok lang ako at wala to!" sagot ko sa kanya.

"Ewan ko ba kung karma ang gumawa nun o sinusundan ako ng malas?!" dagdag ko.

"Karma yun, gaga!" bungad niya.

"Di na siguro ako sasali sa mga obstacles bukas baka si Arch yung sumunod at baka mas lumala pa yung aksidente... Sana wag naman!" ani ko.

"Ewan ko sayong bakla ka. Basta kung ako sayo enjoy your day. First time mo pa naman to!" ani niya.

~~

TIMECHECK: 11:50pm gising pa ako at si Chen. Nag fafacebook siya habang ako naka tingin sa kawalan.

"Minsan Chen, iniisip ko kung ano ang magiging takbo ng lovelife ko!" ani ko.

"Di mo dapat isipin o hintayin yan kusa yang dadating" sagot niya.

"Minsan kasi gusto matikman kung ano yung true love kiss" ani ko.

Agad naman siyang napatingin sakin at panandaliang itinigil ang pag fafacebook.

"Naka move on ka naba sa past mo? Hindi pa diba? Kaya mag antay ka!" sagot niya at bumalik na sa pag fafacebook.

Agad ko namang naalala ang mga insidenteng iyon.

"Diba crush moko?! Dapat sundin mo kung anong sasabihin ko"

"Teka lang baka masakit"

Agad akong napapikit at naramdaman kong tumulo ang luha ko sa mga pisngi ko.

VOTE PEOPLE! 💖

Tatlong Erfo and Me #Wattys2022 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now