Chapter 24

2.1K 83 0
                                    

Dann Alexander's POV

NANDITO ako ngayon sa isang airport sa mindanao. "Mamimiss ko po kayo!" pagpapaalam ko sa kanila.

"Magingat ka!" sigaw naman nila pabalik sa akin.

"Opo, kayo rin po. Mag dadala na ako ng pasalubong sa susunod!" sigaw ko at tumalikod na dahil lilipad na ang airplane mayamaya.

Ginamit ko ang gold stanton card sa pag withdraw ng pera para pang bili ng ticket. Putang ina talaga chineck ko ang balance ng pera na natira doon sa card na yun at ang nakasulat lang ay 'PRIVATE' first time ko rin na ma-encounter nung ganun.

Sana pagbalik ko dun ay umayon ang lahat sa mga plano ko. Sana lord!

~~

Paglanding ko sa NAIA agad kong hinanap si Chen. Magpapasundo ako sa kanya. Kahit wala naman akong mga dala except sa mga pasalubong ko which is mga pagkaing mindanaoan. Biko, budbod at iba pa.

Agad ko siyang niyakap at ibinigay sa kanya ang mga dala ko.

"Ito na ba to?!" tanong niya.

"Oo tayo na kasi nakakapagod!" ani ko at lumabas na kami sa NAIA at pumasok na sa kotse niya.

"So, saan mo planong matulog ngayon. Sa bahay ng mga Stanton o sa bahay namin?!" tanong niya.

"Iuwi mo na ako dun!" tipid kong sagot.

Inihatid na nga niya ako sa bahay ng tatlong osong yun at bumisina pa siya kahit 10pm na.

"May tupak kaba?! Baka tulog na yang mga yan?!" ani ko.

Hindi namam siya sumagot at pinalabas na ako ng sasakyan at nagpaalam.

Mabuti nandito naman yung isang guard nila at kilala naman ako neto at pinapasok ako.

"Kuya kamusta na! Isang linggo rin kitang di nakikita!" ani ko.

May isang guard kasi sila at isang driver tapos ako yung yaya. Perfect!

"Mabuti nandito kana! Ang tahimik kasi ng bahay. Para ngang walang nakatira eh!" ani niya.

"Talaga po?!" tanong ko.

"Oo, at nung nakaraang pa nga ay narinig ko silang nagsuntukan!" ani niya.

Mga oso talaga.

"Ah ganun po? Sige po tutuloy na ako!" ani ko at pumasok na sa bahay.

Totoo nga ang tahimik ng bahay at ang linis ng paligid nung buksan ko yung ilaw.

Walang pinagbago.

Umakyat na ako sa kwarto at dahan-dahang binuksan ang kwarto. Napa-puta naman ako nung nakita ko ang mga damit ko na gagamitin ko sana sa camping na nakahandusay lang sa bed ko.

Hooh! Kalma lang Dann. Be mature.

Dinampot ko nalang ang mga damit ko at tinupi ito at pagkatapos tupiin ay inilagay ito sa closet ko.

Humiga naman ako sa bed ko. I miss this comfy bed hehehe.

I miss this life.

At habang nakahiga ako di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

VOTE PEOPLE

Tatlong Erfo and Me #Wattys2022 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now