Chapter 49

1.5K 54 0
                                    

Dann Alexander's POV

Nakarating din ako sa rooftop at tama nga ako nandito nga sila.

Nanlumo ang mukha ko ng makitang nakagapos si Arch sa isang silya. Nakagapos ang kamay at may nakatali pa sa bibig niya kaya di siya makasalita.

Punong-puno siya sa pawis at pulang-pula ang mukha. Dumudugo yung buong mukha niya. "Arch!" sigaw ko at umiyak. Nakita niya naman ako at pilit na makipagkumiligpas pero wala siyang magawa at ungol lang niya ang naririnig ko.

"Hi Dann!" ani ni Kyle at ngumisi pa. Nabweset ako sa ngisi niya pero nagulat ako ng may inilabas siyang baril.

"You think na kinalimutan na kita? Nah ah ah, I stayed quite at plinano lahat ng gagawin ko sayo. And I think this is the right time." ani niya.

"Walang hiya ka Kyle, ba't ka pa nangdadamay ng mga walang alam dito?!" tanong ko at humalakhak naman siya ng tawa.

"Kasi nga 'the more the merrier!" sagot niya.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko ha?! Para tumigil ka nasa kabaliwan mo?!" tanong ko.

"Buhayin mo ulit si Kuya para mahalin ulit ako nila mama!" sagot niya "But I guess hindi mo yun magagawa, so ikaw nalang yung kukunin ko para equal na tayo pero kung ayaw mo papatayin kita gamit yung mahal na mahal mong kasintahan!" at itnuro niya ang baril sa ulo ni Arch.

"Wag! Wag pleasse, ako nalang ang patayin mo. Wag ka ng mang damay sa kanila!" ani ko habang umiiyak at inalay na ang sarili sa kanya.

"Ganun?!" at bigla niya akong binaril at tumama ito sa braso ko buti at daplis lang pero ang sakit nito at tumulo na ang mga dugo ko, agad ko naman itong tinakpan gamit ang kamay ko at sumigaw sa hapdi.

Nakita ko namang umungol si Arch at umiyak pero wala siyang nagawa.

"Ok lang ako lovee, please calm!" ani ko at nagsalita naman si Kyle.

"Pero bago kita patayin, gusto ko munang malaman ng jowa mo ang katotohan tungkol sayo. Malanding bakla ka!!" sigaw ni Kyle at itunuro naman sa ulo ni Arch ang baril na nagpanerbyus sakin.

"Come on, TELL HIM!" sigaw niya.

"Oo na!...

... Arch, bago ako mag simula, sana patawarin moko. Hindi ko masabi sa inyo ang totoo dahil natatakot akong iwan niyo ko at mandidiri kayo sakin pero wala na akong dapat pang itago dapat sabihin ko na sa inyo ang totoo tungkol sa buhay ko. Hindi lang talaga ako pumunta dito para mag aral kundi tumakas sa salang nagawa ko sa mindanao... " at tumakas na naman ang tubig sa mata ko.

"... Grade 10 ako nun ng nagka-gusto ako sa isang lalaki. Si Aaron Fuentes. Sobra ko talaga siyang gusto na halos maghuhubad na ako para mapansin niya... " at napangisi ako dahil sa hiya.

"... Hanggang dumating ang Graduation at may party na inihanda. Pinagmasdan ko lang sila Aaron sa di kalayuan ng bigla siyang lumapit kasama ang siyam niyang kaibigan. "Kanina kapa tumitingin sakin ah, gusto mo ba ako?!" tanong niya at yumango naman ako. Inimbita nila ako na sumama sa kanila. At ako naman, ang gaga at sumama sa kanila... " pinahiran ko ang luha ko at pikit na ngumiti.

"...napunta kami sa isang makuliblib na lugar tinanong ko nga pa sila kung anong gagawin namin dun at humalakhak lang sila sa tawa. "Gagawa tayo ng masaya!" ani ni Aaron. Alam kong lasing na sila at nilasing din nila ako. Ng wala na ako sa matinong pagiisip ay biglang hinubad ni Aaron ang pantalon ko at yung pangibaba ko pang suot. Wala akong magawa dahil ang lalakas nila. "Wag po baka masakit?" taning ko pa sa kanya pero di niya ako pinansin at pinasok na niya ang ari niya sa loob ko. Pumiglas ako sa sakit at pilit na ipatanggal sa kanya ang ari niya pero nagtulungan ang mga barkada at binaboy ako... " at tumulo na naman ang luha ko.

"... Sampu sila Arch na pinagtulungan ako. Una gusto ko pa kasi si Aaron yun, mabuti ng siya ang makauna sakin pero yung dumating pa yung pangalawa, pangatlo, pangapat hanggang pangsampo ay ayoko ko na ang sakit na. Diko na kaya!...

... Nakulong yung lima at yung iba ay nakatakas at nag-tago. Pero si Aaron na kapatid ni Kyle ay iba sa kanila dahil maimpluwensiya ang pamilya nila sa buong mindanao. Di nila matanggap na nakulong ang anak nila at di nila mapensiyahan kahit anong gawin nila. Ilang linggo matapos makulong si Aaron ay nalaman naming nagpakamatay pala ito sa loob ng prisinto. Di nila matanghap lahat at isinisi nila lahat  kay Kyle. May sakit kasi si Kyle sa puso at kailangan itong bantayan ng kuya niya, eh dapat sa London na magaaral si Aaron nu---" naputol naman yung sasabihin ko ng biglang umipal si Kyle.

" Yun nga yung diko magets eh, bakit sakin nila binbuntong ang lahat. Yung nangyari kay kuya at yung pagkamatay niya. Para na akong outcast sa bahay. Kaya pumunta ako rito para ipaghiganti ko ang sarili ko. I vowed to kill Dann so that mom and dad will accept me again! " nagpumiglas na naman si Arch pero wala siyang nagawa.

" At sa tingin mo ito yung paraan para mahalin ka nila ulit? Look Kyle, wala sayo ang problema kundi nasa parents mo. Kung mahal ka talaga nila hindi hahantong sa ganito ang buhay mo ngayon. Imbes na kalimutan nila ang pangyayari sayo nila ibinuhos ang lahat na hinanakit. Isipin mo yan Kyle! "ani ko sa kanya ng mahinahon.

Bigla niyang itinulak si Arch kaya natumba ang silya na kinauupuan ni Arch ngayon at tumama yung ulo niya sa sahig at dumugo, napasigaw naman ako kaya tumakbo ako palapit pero pinigilan ako ni Kyle.

" Sige, subukan mong lumapit at ipuputok ko ang baril sa ulo niya!" pangtatakot niya kaya bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina.

Tumulo ang mga luha sa mata ni Kyle at nakita ko ang hinanakit niya at paghahanap ng taong magmamahal sa kanya.

"Ang gusto ko lang naman ay mahalin nila ako pero ba't ganun? Kasi ba dahil may sakit ako at nakikita nilang mahina ako?!" tanong niya.

"Hindi Kyle, kulang ka lang sa pagmamahal nila. Alam kong malakas ka per- - -"

"Pero ano ha?! Dahil hindi nila matanggap na wala na ang panganay nila at nalaman pa nilang may putang inang mental illness pa ako?! Ganun ba yun?!" ani niya at napatakip naman ako ng bibig.

"Akala ko ba puso ang sakit mo ba't mental illness na?!" taning ko.

Nag smirk naman siya at nagsalita "It was for the show, alam nila mama't kuya na baliw ako simula pa nung bata ako. Gumagawa ako ng mga kwentong di naman totoo at nakakita ako ng mga tao na hindi naman totoo!"

Naawa ako sa sinabi niya at kumuha ako ng lakas na lumapit sa kanya. "Wag kang lalapit sakin babarilin kita!" ani niya.

"Barilin mo ako kung gusto mo ang gusto ko lang naman ay malaman mo na may mahalaga ka parin sa mundo at diserve mong mahalin ng mga tao at deserve mo ang second chance!" nabitawan naman niya ang baril at lumabas sa mata niya ang mga luha.

Malapit na ako sa kanya para bigyan siya ng yakap, lumapit naman siya sakin pero agad ding bumalik, hindi ko inaasahan ang mga sumunid na pangyayari tumakbo siya at biglang tumalon sa building.

" Wag!! "napasigaw ako, agad na tumakbo patungo sa hinulugan niya at buti'y nahawakan ko pa ang kamay niya.

Ngumisi siya at nagsalita" All my life Dann, ngayon ko lang ulit naramdaman ang isang concern at comfort na hinahanap ko sa pamilya ko. This is all what I ask, a person who can understand me. Sorry kung humantong pa sa ganito. Now, I can end my life happily! " at tumulo yung mga kuha niya.

" Anong pinagsasabi mo, kumapit ka lang at ililigtas kita- - -! "

" Please forgive me! "at agad na siyang bumitaw.

" Waaagggggg!!!!! "napasigaw ako at napaiyak. Nakita at nadinig ko pa ang lagapak niya sa lupa. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nahihilo ako at nanghihina. Dina gumalaw ang buong katawan ko at nawalan na ako ng lakas. Kaba at kabog nalang ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon kaya napahiga nalang ako sa sahig. Nakita ko naman ang reaksyon ni Arch, ngumisi naman ako sa kanya bago nawala ang malay ko.

VOTEE💖💖😊

Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن