Chapter 18

2.4K 86 1
                                    

Dann Alexander's POV

FRIDAY, I meet new people. Mga grade 7 palang sila. They're jolly at natutuwa ako dahil sa kabibohan nila.

"Sino ba crush mo kuya Dann?!" tanong ni Marell.

"Naku, ano bang tanong yan!" sagot ko sa kanya sabay ngisi.

"Kasi ako po crush ko yung Stanton Relatives. Ang hot kasi nila!" kinikilig na tugon ni Shekainah.

"Yuck, anladi mo talaga!" ani naman ni Dexie.

Natawa nalang ako sa kanila. Kung tutuusin first year natong mga to pero di payata naka move-on sa grade 6 kaya mga baby pa utak nila.

Hindi ko alam kung ano ang mga ginagawa nila Chen at nung tatlong oso pero itunuon ko ang pansin sa tatlong batang to.

"Okay lang yung magkaroon tayo ng crush, pero hindi aabot sa punto na ibibigay mo lahat sa kanila at wala ng maiiwan sa inyo!" sabi ko sa kanila at yumango naman yung tatlo.

"sa ngayon, love yourself muna" dagdag ko.

"Naku, may pinaghuhugutan si kuya d
Dann ah!" ani naman ni Marell.

Naku, tong bata to. Hahahaha.

Pero yung totoo, since that incident I realize na hindi pala yun love. It was an infatuation, lust and desire. Dapat di tayo padalos-dalos sa mga nararamdaman natin. Wala kasing utak yung puso natin kaya gamitin natin ang ulo natin.

Pero meron talagang mga tao na kahit alam na nila ang kahahantungan ng lahat ay nagpakabobo parin sa pagmamahal.

"Kuya laro tayo!" ani Shekainah awaking me from reverie.

"Tss, sige ano naman yung lalaruin natin?!" tanong ko.

Ay buong maghapon nag laro at nag laro lang kami.

~~

PUMIPILA ako ngayon para sa pagkain ng biglang may nagsalita.

"Enjoying your day spending with those grade 7?!" tanong niya. Luh, stalker.

Hindi ako lumingon sa kanya at nagsalita.

"Bakit masama ba?! Eh ikaw parati mokong binubweset sa bahay" sagot ko sa kanya.

"Ikaw kasi eh, para kang tanga kaya ayun ikaw yung pinag tutuunan ko ng pansin!" sagot niya.

"Eh kasi wala kang kaibigan maliban sa mga pinsan mo!" sambit ko.

"Fuckoff, friendly kaya ako" sagot niya at lumingin naman ako sa kanya.

"Anong nakain mo Arch at nakipag usap ka sakin huh?! What's your point?!" tanong ko.

"Ang saakin lang naman ay baka naka limutan mona ang obligasyon mo. Di porket libre ang pagkain dito, di mo na kami pagsisilbihan" sagot niya.

"I promised Grandmother Queen na gagawin ko ang makakaya ko pero hello Arch nasa labas tayo ng bahay at scho---" diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umipal.

"It doesn't mean. Binabayaran kaparin namin. Pera parin namin hinahawakan mo ngayon, pera parin namin ang nagpapa-aral sayo ngayon at pera parin namin ang bumubuhay sayo ngayon" hindi ko na mapigilan ang irita ko at nasampal ko siya ng malakas.

Nakuha ko ang atensyon ng mga tao.

"Oo, pera niyo ang pinaghahawakan ko ngayon, pera niyo ang nagpapa-aral sa akin ngayon at pera niyo ang bumubuhay sakin ngayon. Pero wag namang ipamukha sakin na mukha akong pera Arch, na pera lang yung habol ko---" diko na napigilan ang mga luha na tumakas sa mga mata ko. Ang sakit.

"---kaya nga I endure all the pain, tiniis ko lahat ng pagod para pagsilbihan kayo. I may not the best katulong you have pero respeto naman Arch. Kasi tao ako. Nasasaktan din ako kasi may puso ako. I don't know if part bato ng mga trip niyo pero please stop. Para niyo narin akong binababoy sa ginagawa niyo!" I walked out at alam kong ako na ang susunod sa bibigyan ng pagkain.

Pumunta ako sa tent at humahagulhol. Agad naman akong nilapitan ni Chen at niyakap.

"Puta, ba't ka umiiyak?" tanong niya di ko nalang siya sinagot at mas nilakasan ko pang iyak. Gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko ngayon.

Bigla namang may lumapit sa tent namin. Si Seth na may dalang dalawang tray ng pagkain.

"We're sorry Dann. Diko alam na yun pala ang kahahantungan ng lahat. Plano kasi ni Arch na pikunin ka at napikon ka naman talaga" ani niya.

"Pinagtripan niyo na naman si Dann?!" galit na tanong ni Chen.

"We're here to apologise Chen!" ani ni Sean.

"As a peace offering kinuhaan na namin kayo ng makakain" ani Seth at inilapag nila ang dala nila.

"Arch is in great guilt right now. I hope you'll forgive him, forgive us rather!" ani ni Sean.

"Umalis na nga kayo, mas pinaiiyak niyo bestfriend ko eh, tsaka gabi na matulog na kayo" pag taboy ni Chen at umalis naman yung dalawa.

"So what's your plan?!" tanong ni Chen.

VOTE PEOPLE! 💖

Tatlong Erfo and Me #Wattys2022 [BOYXBOY] ✅COMPLETEDWhere stories live. Discover now