Chapter 31

2.1K 75 0
                                    

Chen Alfred's POV

Dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom ni Dann. Putik nasa second floor pa namn yung classroom niya. Kinabahan naman ako sa susunod na pangyayari ng hindi ko siya nakita sa classroim nila. Tiningnan ko ang relo ko at saktong 12:30am na. "Sa caf!" ani ko bigla at bumaba na.

Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko kung ano na ang nangyari sa bestfriend ko. It takes time para maka rating sa caf and sadly imbes si Dann ang nakita ko ang tatlong hinayupak pa ang inabutan ko.

Nakita nila akong worried at namumutla. "W-what happened? Ok ka lang Chen?" tanong ni Seth.

"S-saan si Dann?!" agad kong tanong.

"Akala ko ba pupuntahan ka niya?!" agad naman na tanong ni Arch.

"Huh?! Puta! Hindi ako yun! Kailangan nating mahanap kaagad si Dann, may nagbabalak na pumatay sa kanya!" bigla kong ani at pinagtitignan na ako ng mga tao dito sa caf.

"What?!" sabay sabi ng tatlo at biglang tumayo. Lumapit sila sakin at binigay ang sagot na gusto nilang malaman.

"exactly 12 may nag text sakin. Ewan number yung naka sulat. It says na kung gusto mong maligtas bestfriend mo hanapin mo siya." ani ko.

Hindi na nagsalita si Arch at umuna ng lumabas sa caf. Sumunod naman kami nina Sean at Seth.

"San tayo magsisimula eh ang lawak ng University!" ani ni Sean.

"Siguro sa mga lugar dito sa univ. na hindi gaanong pinupuntahan ng mga studyante!" sagot ni Seth.

"Likod ng audie, Music room, old c.r., likod ng boys dorm. Yun lang mga lugar na di gaano pinupuntahan ng mga studyante" sagot ko.

"Ako na sa audie!" ani ni Arch.

"Ako sa music room!" ani ni Sean.

"No choice ako, sa c.r. nalang ako!" ani naman ni Seth.

"Ok sa boys dorm ako! Kita nalang tayo mamaya. Please hanapin niyo siya he's one of my treasures!" ani ko.

"We will!" sagot nilang tatlo.

Bago paman umalis si Arch may isinigaw siya. "And he's my heart!" hindi ko gets at pumunta na ako sa boys dorm.

Habang papunta ako sa boys dorm, nakita ko sa di kalayuan ang security guard ng univ namin. Agad akong lumapit sa kanya at nag salita.

"Guard, yung bestfriend ko nawawala. Please tulungan niyo ako. May nag tatangka kasi sa buhay niya. Please po!" ani ko na nag mamakaawa.

"Sino ba iyan?!" tanong niya.

"Si Dann Alexander Calla po!" sagot ko.

Pagka sagot ko biglang lumaki ang mata niya na pinagtaka ko.

"Oh sige, punta na kong station para magpa tulong!" ani niya at mabilis na umalis.

At ako naman dumiritso na sa boys dorm. Pagka rating ko dun walang katao-tao at ang tahimik. Puro huni lang ng ibon at kaluskos ng mga halaman sa paligid ang naririnig ko.

Tinawagan ko ang number ni Dann at obviously hindi ito nasagot, dinial ko naman ang number ni Arch since siya lang naka-contact sa phone ko. Sinagot naman niya ito pero wala din si Dann sa likod ng audie.

Puta bess, san kana?!

Napagsunduan namin na magkita sa station ng security guard ang unang nakarating doon ay ako sumunod naman si Sean, tapos si Seth at ang panghuli ay si Arch.

Nagulat pa ako dahil pagpasok namin sa station ay nagkwekwentuhan lang ang mga guard at nag jujuice pa. Hindi ko naman nakita ang guard kanina na kinausap ko.

"Teka, anong ginagawa niyo?!" bigla kong banat na ikinatigil nila.

"Hindi niyo ba alam na may nawawalang studyante ngayon?!" tanong ko na medyo galit.

"Huh?! Wala namang nag report dito ah!" sabi ng isang guard.

"May guard akong sinabihan ah, ilang station ng mga security guard bah ang meron ang paaralan nato?!" tanong ko.

"Isa lang, sino ba yung guard na yun ha? May nakita kabang I. D. niya?!" tanong ulit nung guard.

Tinignan ko ang uniporme niya at pilit na inalala ang uniporme ng guard na nakausap ko kanina.

"W-wala!" pautal kong sagot.

"So hindi isa sa mga guard dito yun!" yun lang yung sinabi niya na nagpa irita ng ulo ko.

"Siguro props lang yun sa isang drama! Hahaha!" ani ng isang guard na pumunta sa harapan namin at humalakhak lahat sila ng tawa.

Diko naman biglang akalain sa sunod na ginawa ni Seth.

"Trabaho niyo ang bantayan ang lalabas at papasok sa university nato tas hindi niyo alam na may nakapasok na palang taga labas dito?!" sabi niya ng madiin habang kinuwelyuhan ang guard nayun.

Tinanggal naman ni Arch ang pagkakakwelyu niya sa guard at nag salita. "Ano na? Tutulungan niyo kami o matatanggal kayo sa trabaho niyo?!"

Mabilis namang yumuko yung guard at sininyasan ang iba pang guard na lumabas.

Hindi na kami pumasok sa mga classroom namin ngayon. Kita ko rin sa mukha ng  tatlo ang lungkot at kaba.

Nalibot narin namin ang buong university pero di parin namin nakita ang mukha ni Dann.

"I can't afford to lose him again" ani ni Arch habang nanginginig. Nakasakay na kami ngayon sa patrol car. Habang paulit-ulit na nililibot ang posibleng daanan ng dumukot kay Dann.

"Shit this life!" singhal naman ni Sean.

"Pagmakita ko ulit si da great, I'll make sure na di na siya makakatakas sa mata ko" ani naman ni Seth.

Hindi ko sila gets at hindi ko rin alam kung bakit sila ang hiningnan ko ng tulong basta ang alam ko sila lang ang may pake kay Dann maliban sakin.

VOTE😁☺️

Tatlong Erfo and Me [BXB/BL] ✅COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora