✅Chapter 25: Twin

Magsimula sa umpisa
                                    

Oh? right! Yung gang nila Yant.

Malamang malalaman ko na yung tawag sa Gang nila kasi nanggaling na nga ako sa Finster Arena di'ba? Ang pinagtataka ko sa Gang nila sikreto daw? Edi lahat ng taong nandoon ay may access sa mga illegal things? Putspa.

Makapagsearch nga about sa kanila.

"Yeah," tipid na sabi ni Kill.

"DI'BA SECRET YUNG GANG NYO?" Mukhang tangang tanong ni Jhira. Napakatinis ng boses na nakapag-patakip sa tenga namin.

"Raise your voice so they can hear you tsk" si Tamer naman.

Napangiwi lang si Jhira. Ayoko ng pahabain yung usapan gusto ko ng malaman kung nasan yung pisting si Yant. OO NA NAG-AALALA NA AKO. OKAY NA KAYO?

kainis.

"Oy Tamer nasan si Yant?" Derestso ko ng tanong ayoko ng magpaligoy-ligoy. Gusto kong malaman kung ayos ba siya.

Niligtas niya din buhay ko.

Yun lang!

"Ewan nga namin. we came here to see his condition but he was not here." Paliwanag ni Tamer.

Napakagat ako sa lower lips ko tsaka nagisip. San naman kaya pupunta yung mokong na yun? "Hindi ba siya pumuntang hospital?"

Umiling lang sila ni Kill. Nilingon ko yung nasa tabi ko pero napailing nalang ako ng wala na si Jhira.

"Tawagan niyo kaya,"

"Wala akong load," nakangising sabi ni Kill. Etong lalaki na'to ang yaman yaman pero walang pan-load. Ang alam k Finster fighter din 'to.

Oh shit. Si Null!

Hindi ko pa pala siya nakilala. Hindi pa din pala nakakauwi si kuya simula nung umalis siya. Sana naman pagbalik niya kasama na nya si Null kung siya man ang kapatid ko. Nalilito kayo sa buhay ko noh? Ako din eh sobrang litong lito na.

"Sige mauna na kami. Balitaan niyo nalang ako pag nakita niyo na si Yant." I said. Tinanguan lang nila ako kaya tumalikod na ako para puntahan si Jhira.

Agad in-start ni Jhira yung kotse niya, sabi ko umuwi nalang kami dahil wala naman kaming napala, eto'ng mukha ni Jhira nakabusangot talaga, may gusto siguro to kay Yant, pero wala akong pake.

Estudyante lang ang tingin ko sa kaniya na tuturuan ko para sa sweldo, yun lang wala ng iba!

Inuwi na ako ni Jhira inaya niya pa nga akong mag-mall pero tinanggihan ko siya, kailangan kong magpahinga medyo sariwa pa sakin yung nangyari kahapon kailangan ko na ding pumasok bukas dahil baka sayang-saya na si Chesica sa pwesto ko.

Agad akong pumasok sa bahay namin na parang walang nangyari, hindi ko na madalas makita si papa- err papa ni Kuya. Nagtira na siguro siya sa inuman niya, wala naman na ding pake si nanay don kay tatay.

Nakita ko si nanay na nag-aayos ng hapag kainan, nagmano naman agad ako.

"Aba't buti umuwi ka na"

"Nay wala ako sa mood makinig sa sermon mo." Tamad kong sabi.

Aangal pa sana si nanay nang sa wakas pumasok si kuya sa bahay na may pasa at sugat na naman!

Bakit ba napapadalas na may sugat 'to?! Oo alam kong finster fighter siya pero bat masyado niyang kina-career 'yon! Di niya ba alam na wala siyang gang na magtatanggol sa kaniya, mag-isa lang siya feeling naman kasi neto.

Agad nilapitan ni nanay si Kuya Zero. "Zero ano na naman yan?!" Halos maputol na ang litid ni nanay sa pagsigaw. "Bakit lagi kang umuuwing may sugat ha?! Alam mo Zero ang dami mong sasabihin sa'kin--"

Marahas na tinabig ni kuya ang kamay ni nanay na nakapagpanganga sa'kin ganun din kay nanay na napahawak pa sa kaniyang dibdib.

Nakakagulat ang inakto ni Kuya, first time niyang inaktuhan ng ganyan si nanay! tsaka nangako nga kami na hindi namin sasaktan si nanay diba? Pero ano yan?

Puta talaga si Kuya! Nananahimik si Nanay na sinsermunan siya tas gaganyanin niya.

Nagiiba ugali mo Kuya Zero.

"Kuya ano ba 'yan?! Kaw na nga may pasang uuwi tapos gaganyanin mo pa si nanay!"

"Z-zero ano bang problema mo?" Nangangatal ang boses na tanong ni mama.

Nilapitan ko si mama at hinagod ang kaniyang likod, what a scene.

"Ma, ikaw ang may problema!" Tangina, "Ang dami mong hindi sinabi sa'min!"

"Anong ibig mong sabihin Zero?"

Nalilito na ako, salit salitan ang pagtingin ko sa kanilang dalawa.

Ewan pero parang may mangyayaring hindi maganda.

"Kuya ano ba?!"

"Ma!"  Sigaw niya.

".. Bakit di mo sinabing may kapatid kami?! Bakit?"

Nagulat si mama sa tanong ni kuya. iniwan ko na rin si mama at tumabi kay kuya, oo nga! Bat di niya sinabi samin yon?! Ang tagal nyang hindi sinabi. Dapat nga din akong magalit kay mama pero hindi ko magawa, siguro may sapat siyang dahilan kung bakit niya ito tinago.

Para siguro sa safety namin.

"Zero. ano bang pinagsasabi mong bata ka?!"

"Ma aminin mo na kasi! Tangina--"

"Zero!" Natahimik kami sa sigaw ni mama. "Ano bang pinagsasabi mo?! Nakahithit ka ba ng shabu anak?!"

Kumunot ang noo ko, tinignan ko si kuya na nakakuyom ang kamao, marahas niya pang ginulo ang kaniyang buhok.

Messy hair ang lolo niyo.

"Meron kang pinamigay na bata at kapatid namin yun, bumalik siya at umamin na anak mo daw siya, at dahil pinamigay mo siya mama, nag-rebelde siya sa mga nag-alaga sa kaniya, at dahil din pinamigay mo siya. Nagtayo siya ng sarili niyang grupo para hanapin lang tayo."

Napalunok si mama.

So kaya niya nakuha ang mga pasa at siguat niya ay dahil inalam niya lahat? Oh gosh

Walang nasaibi si mama kundi ang pagyuko lang, tanda na tama lahat ng sinasabi ni kuya. May kapatid nga kami at malinaw na si Null 'yon

"T-tama. Kakambal mo yung p-pinamigay ko Zero, walang wala na kasi ako nun kaya ko nagawa yon, sabi ko babalikan ko siya pero lumipat na sila ng bahay kaya p-pinabayaan ko nalang." Humagulgol na si mama, di ko ding maiwasang umiyak, ang tagal din naming hindi nakasama si k-kuya Null. "G-gusto kong makita siya Zero. Gusto kong makita si Null."

Bago pa man makapagpunas ng luha si mama, napatingin na kami sa pinto ng may boses na nagsalita,

"Ma."

Si Null, or should i say si Kuya Null. Ang leader ng Dark Zahl, pero ang kaibahan lang wala na siyang takip sa mukha na makakapagpatago sa pagkatao niya. Wala na siyang naitago pa samin maski ang peklat niya sa kanang pisngi na kasing laki ng barya.

Yung tanda na naging miyembro siya ng isang malaki grupo..

✓Tutoring the Badboy King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon