Preview: Ice X Fire

6.6K 265 37
                                    


Eisen's POV

Makalipas ang ilang taong pagsasama namin ni Jethro ay naging hamon sa aming dalawa ang pagpapalaki sa aming mga anak. Hindi namin inaakala na mas magiging close sa isa't isa si Johan at Demi. Sa sobrang close nila ay minsan parang hindi na kapatid ang turing ni Johan kay Demi. Nabahala kami ni Jethro baka mag-iba ang turing ni Johan kay Demi lalong lalo na kapag sila ay lumaki na. Nagpasiya kami ni Jethro na sa ibang bansa na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ni Johan habang si Demi ay kasama namin sa pinas. Bilang magulang ay naging mahirap para sa amin ang desisyon na to pero para na rin to sa kapakanan ng aming pamilya. Nanirahan si Johan kasama ang tito Josh niya sa California para mag-aral.

Dumating ang panahon na kinakailangan nang bumalik ni Johan sa pilipinas dahil gusto niya dito manirahan at nagiging masamang impluwensya na sa kaniya ang pag-aaral doon kaya napilitan kaming pauwiin siya. Sa nakalipas na taon ay ang dating malambing na si Demi ay naging tahimik na bata at mas pinipiling mag-isa sa kaniyang kwarto. Nagiging masiyahin lang siya kapag tungkol sa anime at kpop ang pinag-uusapan pero ikinababahala namin ni Jethro ang pagiging anti-social niya. Sa pagbabalik ni Johan ay tila wala pa ring pagbabago sa turing niya sa kaniyang kapatid kaya naman muling nanumbalik ang kinakatakutan namin ni Jethro hanggang sa isang araw.

"Sabi ko naman sayo dapat hindi na natin siya pinadala sa California, tingnan mo kung ano ang naging impluwensiya nila kay Johan. Anong oras na ohhh. At hindi man lang nagpaalam kung saan pumunta" inis kong sabi at panay naman ang haplos ni Jethro sa magkabila kong braso para kumalma ako.

"Calm down hon. Nagtext na sa akin si Johan pauwi na raw siya" sagot ng asawa ko at patuloy pa rin siya sa pagpapakalma sa akin. Simula nang tumungtong sa pagiging teenager ang dalawa naming anak ay lagi na lang akong hinahigh blood at laging nag-aalala.

"Bat sayo nagtetext samantalang sa akin ay hindi man lang sinasagot ang tawag ko?" inis kong sabi sabay alis ng kamay nya sa mga braso ko.

"Eh ikaw naman kasi binubungangaan mo kaagad" malambing niyang sabi pero nainsulto pa rin ako kaya tinitigan ko siya nang masama. Ngumiti lang siya sa akin ng pagkatamis at tila nawala na ang inis ko. Tumatanda na kami pero hindi pa rin nawawala ang charm niya sa akin.

"Ohh heto uminom ka muna ng tubig" sabi niya at inabot ko ang tubig na hawak niya. Sakto namang pumasok si Johan at ang lakas pa ng loob nyang magdala ng babae sa loob ng bahay. Pinilit kong ikalma ang sarili kaya uminom muna ako ng tubig bago magsalita. Bago ko maubos ang tubig na iniinom ko ay lumapit sa amin si Johan pati na rin ang babaeng kasama niya.

"Moomii and Dad. Buntis po si Scarlet at ako ang ama kaya pakakasalan ko na po siya" mabilis na sabi ni Johan. Sa gulat ko ay nabuga ko sa kanilang dalawa ang iniinom kong tubig.

"Ano?" sabay naming sabi ni Jethro.



Soon.....




Can't live without you (BL)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora