Chapter 23: Kick it

8.4K 648 121
                                    

A/N: Ang lakas nyo sa akin pero ang hina ko sa inyo. 300 votes lang hinihingi ko eh (sad).

Anyway baka malito kayo sa plot. Magsisimula ang story bago makapunta ng Macao si Eisen.

Tao as Terence and Bas as Eisen

Tao as Terence and Bas as Eisen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Eisen's POV

Masakit para sa akin ang iwanan si Jethro. Mas naging mahirap to para sakin kaysa noong iwanan ko siya sa mansion noon. Nagawa ko siyang iwanan noon dahil alam kong kinamumuhian niya ako at wala siyang naalala tungkol sa aming dalawa. Pero ngayon kailangan ko siyang iwan dahil yun ang mas makakabuti para sa kaniya. Kailangan kong bitawan ang isang pangako na naming binuo. Pinikit ko ang aking mata at hiyaang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko dinilat ang mga ito hanggang hindi sinasabi sa akin ni lola na kakailanganin na naming bumaba. Bago pa man kami makaalis ng bansa ay humingi ako ng pabor kay lola na gusto kong makita si Lance bago man lang ako umalis ng bansa.

"Kuya sino tong mga to?" tanong sa akin ni Lance. Sino ba naman ang hindi magtataka dahil mukhang mga kidnappers ang kasama ni Lance. Mukhang pwersahan pa ang pagpapasama nya dito sa airport. Private jet ang gagamitin naming sasakyan papuntang macao kaya walang taong magtataka sa dami ng gwardiyang hinire ni lola na nakapalibot sa amin.

"Kunin mo to!" sabi ko kay Lance.

"Ano to kuya?" tanong niya nang makuha ang isang card holder. Binuksan niya kaagad ito. Naglalaman ito ng isang credit card at isang debit card.

"Matagal akong mawawala kaya gamitin mo ng maayos ang pera na makukuha mo dyan. Hinay-hinay lang sa pag-swipe ng credit card ahh!" sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Pinipigilan kong wag maiyak pero nagiging emotional pa rin ako.

"Kuya naguguluhan ako. Ano bang nangyayari? Sino ba tong mga kasama mo at saan ka ba pupunta?" sunod-sunod na tanong ni Lance. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya lahat-lahat pero hindi ko magawa dahil ipanangungunahan ako ng aking emosyon.

"Eisen!" pagtawag ni lola. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya. Sa huling sandali ay niyakap ko si Lance at nagpaalam. Hindi ko alam na ganun katindi ang pagkamuhi ni lola sa mommy ni Lance. Kahit si Lance ay hindi niya magawang tingnan sa mata. Walang kaalam-alam si Lance na kaharap na niya pala ang kaniyang lola.

Nang papalayo na ako kay Lance ay nagtangka siyang humabol pero nagawa siyang harangin ng mga gwardiya. Nagawa niya pang suntukin ang isa sa mga ito pero nabigo pa rin siyang makalapit sa akin. Gusto ko siyang balikan pero si lola na mismo ang humila sa akin papasok ng jet. Bago kami makasakay ng jet ay humingi ako ng tawad sa kaniya sa pamamagitan ng pagbikas gamit ang aking bibig dahil alam kong hindi niya ako maririnig.

Alam kong naririndi na sa akin si lola sa aking pag-iyak pero hinayaan niya lamang ako. Si Terence na lamang daw ang inaantay at aalis na kami patungong Macao. Wala akong ideya kung gaano katagal akong mag-iistay dun. Hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako kapag maayos na ang lahat. Tanging ang pangako ko sa kaniya ang pinanghahawakan ko. Alam kong maniniwala sa akin si Jethro at alam kong hinding hindi niya ako ipagpapalit kanino man.

Can't live without you (BL)Where stories live. Discover now