Chapter 1: My Ex-E-O

38.5K 1K 85
                                    

Bbasjtr as Eisen Fuentes

Bbasjtr as Eisen Fuentes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV


Ang buhay ay parang isang libro na may simula at meron ring katapusan. Pero ang buhay ay hindi basta basta natatapos dahil maraming kwento ang nalilikha sa bawat desisyon mong ginagawa. Palaging may bagong simula, palaging may bagong pagsubok, palaging may pagkabigo pero hindi ibig sabihing dapat na ikaw ay sumuko. Sa loob ng tatlong taong nanirahan ako sa aking uncle ay marami akong natutunan sa buhay. Hindi lahat ng may kapangyarihan at kayamanan ay nagiging masaya sa kanilang buhay. Hindi lahat ng mga taong nasa paligid mo ay dapat pagkatiwalaan. At higit sa lahat ay dapat mong alagaan ang mga taong nasa paligid mo habang sila ay nandiyan pa at kapiling mo.

Matagal-tagal din bago kami nakamove-on sa pagkamatay ni Uncle. Kasama ng kanyang pagkawala ay ang pagkawala rin ng kayamanang meron siya. Kahit isang kusing ay walang napakinabangan ang kanyang nag-iisang anak na si Lance na aking pinsan. Inilaban namin sa korte ang karapatan ni Lance pero nabigo kaming ipanalo ito dahil ayun sa aming kalaban ay nakaw ang yaman na meron si Uncle at meron silang ebidensiya nito. Mahirap para sa amin dahil lahat ng ari-ariang meron sila ay kinuha sa amin. Mabuti na lang at may sarili akong savings at nakakuha ako ng murang bahay na pansamantala naming tinutuluyan. Ang pinoproblema ko ngayon ay ang pag-aaral ni Lance sa kolehiyo dahil mahal ang kurso na kinuha niya.

Naglakas loob akong pumunta ng maynila para maghanap ng trabaho pero inuna ko muna ang offer sa akin bilang HR Rep. sa isang kompanya sa Taguig. Mabuti na lang at gumagana pa rin pala ang Jobstreet at napakinabangan ko ito. Naging smooth naman ang interview at final interview dahil pinaghandaan ko pati na rin ang exam. Mabuti at one-day processing lang dito kaya mabilis kong malalaman kong tanggap ba ako o hindi. Sobrang tuwa ko nang matanggap ako sa kompanya at mabilis akong nabigyan ng contract pero laking gulat ko nang pinigilan ako ng HR Manager sa pagpirma ng contract dahil may mas magandang offer daw sila sa akin.

"I will let you read the contract first and please pag-isipan mo ng mabuti ito Mr. Fuentes dahil bihira lang ang pagkakataong ito" ngumiti siya sa akin at inabot ang kontrata.

Lumabas muna siya ng meeting room para hayaan akong makapag-isip. Sa loob ng contract ay inaalok ako na maging secretary. Doon pa lang ay gusto ko nang i-decline ang offer pero nang makita ko ang magiging sweldo ko ay nagdalawang isip ako bigla. Wala akong experience sa pagiging secretary at take note fresh grad ako kaya malamang hindi ko magagampanan ng maayos yun. Pero P45,000 monthly salary kumpara sa P30,000 na offer sa akin bilang HR Rep. plus may P10,000 na transportation allowance monthly at may libreng condo stay pa hanggang sa matapos ang contract. May healthcare benefits na up to P200,000 per illness at ang pinakabongga ay ang P50,000 na signing bonus. Parang nakajackpot talaga ako sa offer na to, hindi na ako mahihirapan kung papano babudgetin ang pera kapag nag-aral ulit si Lance dahil sobra-sobra na to sa ini-expect ko.

Gusto ko na sanang pirmahan agad pero nabasa ko na kapag nagresign ako at hindi pa tapos ang contract ay kailangan kong magbayad ng fee na P200,000. Napaisip ako nang mabuti kong tatanggapin ko ba ang offer na to. Malamang marami siguro ang nagreresign dahil baka panget ang boss o kaya masama ang ugali nito. Pero kailangan na kailangan ko na talaga ng pera dahil ilang linggo na lang ay magpapasukan na at kailangan ko na ng pera na ipambabayad sa tuition ni Lance. Habang nag-iisip ako ay biglang pumasok ang HR Manager para tanungin ang aking desisyon. Kahit na nakakaramdam ako ng hindi maganda sa magiging desisyon ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pag-sign sa contract. Gaya nga ng mga madalas na linya ng mga callboy "Kapit patalim para may kainin".

Pagkauwi ko ay masaya kong ibinalita kay Lance ang pagkakaroon ko ng magandang trabaho at gaya niya ay nagulat din siya sa laki ng offer sa akin. Napagdesisyunan naming sa isang university na lang din siya sa maynila mag-aaral para magkasama kaming titira sa condo. Mas makakatipid kami dahil hindi na namin kakailanganing magbayad ng renta ng bahay dahil ang condo unit pati na rin ang tubig at ilaw ay sagot ng kompanya. Alam kong masaya siya dahil mas mapapalapit siya sa kanyang nobyo na si Gunter na nag-aaral din dito sa maynila.

Sabado ng umaga nang marating namin ang condo unit na nakalaan para sa akin. Nag-ayos kami ng aming mga gamit at mabuti na lang ay nandito rin si Gunter para tumulong sa amin. Dahil iisa lang ang kama ay bumili na rin ako ng isa pang higaan para kay Lance. Mas mapapabilis sana ang aming trabaho kung hindi panay ang landian ng dalawang kasama ko. Nakakatuwa silang pagmasdan na akala mo'y mga bata na naghaharutan. Naaalala ko pa noon kung paano sila nagsimula bilang magkaaway hanggang sa nahulog ang damdamin nila sa isa't isa. Hindi ko mapigilang mainggit sa sobrang ka-sweetan nila sa isa't isa.

"Magboyfriend kana kasi Kuya para hindi kana mainggit" pang-aasar ni Lance. Hindi ko namalayang kanina pa pala nila akong napapansing nakatitig sa kanilang dalawa.

"Loko ka" dugtong ni Gunter sabay batok nang mahina kay Lance.

"Ehh napapansin ko kasing naiinggit na si Kuya sa pagiging sweet natin kaya dapat magboyfriend na rin siya para magawa na natin yung double date" sagot ni Lance sabay akap kay Gunter. Hindi ko mapigilang mapaikot ang aking mata sa sobrang kasweetan ni Lance kay Gunter.

"Hoy tigil-tigilan mo ako Lance. Nagfofocus muna ako sa career ko kaya wala akong panahon sa love-love na yan" pagdadahilan ko.

"Eh sinabi nyo na rin po yan dati kuya eh, sabi mo magfofocus ka sa pag-aaral at saka ka makikipagrelasyon kapag nakapagtapos kana" biglang sagot ni Gunter. Pilyo din tong batang to eh.

"Hoy akala ko ba kakampi kita Gunter?" kunwaring naiinis pero medyo naiinis na talaga ako nun.

"Eh baka naman kasi hindi ka pa rin nakakamove-on kay Jeth-ano nga ba ulit ang pangalan nun?" pang-aasar ni Lance. Sinusubukan talaga ako ng dalawang to.

"Subukan mong ituloy yan at pag-aaralin kita sa Laguna para magkahiwalay na kayong ulit ni Gunter!" pagbabanta ko at biglang humigpit ang pagyakap ni Lance kay Gunter.

"Joke lang kuya ito naman hindi mabiro, alam ko namang nakamove-on kana kay JETH-RO" sabi ni Lance at nagawa niya pang-i emphasize ang pangalan ni Jethro at saka ngumiti.

"LAAAAAAANCEEEEEEE!" sigaw ko at saka ko siya binato ng unan galing sa couch. Mabilis siyang nakakalas sa pagkakayakap kay Gunter kaya imbis na siya ang tamaan ay si Gunter ang tinamaan ng unan sa mukha.

Parehas kaming nagulat sa pangyayari pero imbes na sa akin siya gumanti ay dinampot niya ang unan at hinampas ito kay Lance para gumanti. At doon na nagpatuloy ang harutan nilang dalawa. Nakakatuwa lang isipin na ang laki ng pinagbago ni Lance simula nang dumating sa buhay niya si Gunter. Ang dating iresponsable at bastos na magsalitang si Lance ay biglang nagbago nang mainlove siya kay Gunter. Iba talaga kapag nagmamahal ka, kayang-kaya nitong baguhin kahit sino man. Bigla ko tuloy naisip kong hindi kami naaksidente ni Jethro nun at hindi siya nagkaroon ng amnesia ay baka ganito rin kami kasaya. Pero tatlong taon na rin naman ang nakakalipas kaya nakamove-on na rin ako sa kanya. Nakamove-on na ba talaga ako? Well siguro kasi every other day ko na lang siyang inaalala hindi kagaya dati na everday, every hour, every minute, every color, every hue - is represented by me and you. JOKE!!!

Pero siguro nga nakamove-on na talaga ako. Kasi yun ang dapat na mangyari kasi hindi naman talaga kami para sa isa't isa. Siguro nabigyan lang talaga ako ng pagkakataong maranasan ang magmahal. Siguro nga sapat nay un at dapat maging thankful na lang ako at nangyari yun. Darating din naman siguro yung taong nakalaan sakin pagdating ng panahon, uy ang lakas maka-Aiza. Pero seryoso baka sa bagong kompanya kong papasukan ay baka makilala ko na siya. Excited na akong pumasok sa Monday.

Lunes ng umaga, hindi ko inaasahang mapapasarap ang tulog ko. Well hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos kagabi kaya late na akong nagising. Halos takbuhin ko ang banyo para makaligo. Mabilisang pagligo lang yung mas mabilis pa sa kantang 1,2,3 ni Britney Spears. Pagkatapos kong maligo ay tinungo ko ang aking kwarto para magbihis. Nagtataka ako kung bakit wala na sa higaan niya si Lance. Nang matapos akong magbihis ay nakita ko siyang naghahanda ng breakfast sa kusina.

"Running late?" nakangiti niyang bati.

"BAKIT HINDI MO AKO GINISING?" tanong ko sabay subo ng hotdog. Napangiwi ako dahil mainit pa pala ito.

"Kakaluto ko pa lang niyan" natatawa niyang sabi.

"Gigisingin na sana kita kaso ayun bigla ka na lang nagtatakbo sa banyo" dugtong pa niya habang nagpiprito.

"Dapat kanina mo pa ako ginising, tingnan mo wala na tuloy akong time magblower" sabay kuskos ng tuwalya sa aking buhok at dahan-dahang umupo sa upuan.

"Bat ka ba nagmamadali kuya eh 8am pa yung pasok mo? Maaga ka pa ng isa't kalahating oras at saka walking distance lang naman dito yung office mo" sambit niya at nilagay sa plato ang mga natitirang hotdog na niluto niya.

"Kailangan kong magcheck ng mga access sa rooms na restricted area. May mga rooms ang company na iilang tao lang ang pwedeng pumasok at bilang secretary syempre dapat may access ako sa mga rooms nay yun lalong lalo na sa office ng boss ko" sagot habang ngumunguya ng sliced bread.

"Kilala mo na ba ang boss mo?" naupo siya sa harapan ko at nagsimulang kumain.

"Hindi pa nga eh, kaya kailangan ko ring pumasok ng maaga para makilala ko siya. At dapat maaga ako dun para hindi siya madisappoint sa akin" pagkatapos kong kainin ang sliced bread ay agad akong nagtooth brush at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko papasok ng office.

"Kuya pwede ba akong dumalaw kay Gunter mamaya?" tanong ni Lance bago ako makalabas ng pinto.

"At saan naman ang punta niyong dalawa?" tanong ko.

"Magdidate lang kami, somewhere" nakangiti niyang sabi halatang kinikilig.

"May pera ka ba?" tanong ko at dudukot na sana ako sa wallet ko.

"No, don't worry. May pera pa ako kuya at saka pagdating kay Gunter ay dapat hindi na galing sayo yung perang gagastusin ko" pagpigil niya sa akin at hindi ko naman napigilang mapangiti.

"Okay, enjoy your day!" sagot ko sabay bukas ng pinto.

"I will!" maikling tugon niya.

Can't live without you (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon