Chapter 17: Déjà vu

12.4K 511 111
                                    


Joss as Jules

Eisen's POVFirst month of taping

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.



Eisen's POV


First month of taping


Ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay kami ni Jethro simula nang kami ay magsama. Ang ibig kong sabihin ay magkakahiwalay kami ni Jethro nang halos ilang linggo dahil ang mga scenes na kukunan namin ay sa Singapore. Ilang araw ko siyang sinuyo para payagan akong lumabas ng bansa. Noong una ay grabe ang pagtutol niya pero kalaunan ay napapayag ko rin siya. Iba pa rin talaga ang charm ko sa kaniya na hinding hindi niya matatanggihan. Pero ang totoo niyan halos lumpuhin niya ako sa tuwing magsesex kami. Baka sakali daw magbago ang isip ko. Napakasiraulo talaga. Excited din akong mangibang bansa dahil ngayon ko pa lang mararanasan ito. Ay hindi pala mas nauna nga pala ang experience namin sa Bali. Pero yung pakiramdam ko ngayon ay parang first time ko ulit sasakay ng airplane at babyahe.

Malaki ang budget para sa movie na to. Kaya maging sa aming seats sa eroplano ay naging galante sila. I know na malapit lang ang Singapore pero binigyan parin nila kami ng business class na seats. Inaasahan ko na magiging magkatabi kami ni Jules pero ang pinakamalapit sa akin ay si Andrei. Hindi ko alam kung ano ang maling nagawa ko sa kaniya pero napakacold ng trato niya sa akin. Wala akong masyadong close sa cast at crew ng movie na to maliban kay Jules. Dahil medyo magkalayo kami ni Jules ng pwesto ay nanatili na lamang ako sa aking pwesto. Nasa opisina ngayon si Jethro pero panay ang text niya sa akin sa bawat sandali ng paghinga ko. As in ganun siya kakulit sa pangangamusta sa akin, dinaig niya pa si mama kung mag-alala sa akin. Nang makalipad ang eroplano ay nawala na din ang signal ko kaya hindi ko na nagawang magreply sa kanya. Wala pa naman akong matinong laro sa phone ko kaya baka mabagot ako sa byahe. Ang iba sa amin ay nanonood sa maliit na screen ng aming seats. May kaniya-kaniyang mundo talaga ang bawat isa. Ayoko namang kalikutin yung screen dito sa akin baka mamaya masira ko pa or masabihan akong first timer. Kaya naman minabuti ko na lang na makinig ng music sa aking phone.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakikinig ng music. I-combo mo ba naman si Kyla, Mori, Moira, Regine at Jona. Buti na lang at nilapitan ako ni Jules dahil mukhang siya lang ang may pake sa akin sa mga taong kasama namin. Totoo nga na hindi lahat ng nasa showbiz ay mabait sa isa't isa. Minsan ay ituturing nila na katunggali ang lahat na nakakasama nila. Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin sa akin ni Andrei lalo nang makita niyang kausap ko si Jules. Ano bang problema nito? May crush ata to sa akin eh. Inisip ko na lang na kailangan kong makisama sa kanila para sa trabahong to. Pagkababa namin ng eroplano ay tuwang tuwa ako dahil first time ko dito sa Singapore. Kahit na trabaho ang pinunta namin dito ay nangako sa akin si Jules na papasyal kami kapag may free time. Sa ngayon ay dederecho muna kami sa hotel para makapagpahinga dahil kinabukasan ay tuloy-tuloy ang shooting namin.

Pagkarating sa hotel ay inaasahan ko na magkasama kami ni Jules sa kwarto dahil yun ang nirequest niya. Sinabi ko na rin to kay Jethro at isa to sa mga tinututulan niya pero malinaw sa amin ni Jules na kung ano ang meron sa aming nakaraan ay hanggang dun na lang yun. Kaya naman walang ilangan sa amin kung magkakasama man kami sa isang kwarto. Pero hindi yun ang inaasahan naming nangyari at heto ang kasama ko ay ang best friend ko na si Andrei. Tama, siya ang best friend ko sa movie at ayun sa director ay kailangan daw mawala ang ilangan sa aming dalawa at kilalanin ang isa't isa para mas maging makatotohanan ang pag-arte namin. Tutol si Jules pero sumang-ayon na lang ako para hindi na palakihin ang issue. At heto kami ngayon ni Andrei, capital A-W-K-W-A-R-D!

Pagkarating sa aming kwarto ay mayroong malalaking kama ang hotel room na ito. Naunang naglapag ng maleta si Andrei sa dulong kama pahiwatig na kaniya ang pwesto na yun. Ako naman ay nalapag na rin aking mga gamit sa bakanteng kama. Halos 20 minutes ang lumipas na walang kibuan sa aming dalawa. Nagawa na niyang magpalit ng damit at ako heto kakatapos lang namin mag-usap ni Jethro sa viber. Hindi ko alam kung kailangan ko bang magsimula ng conversation sa kanya or wag na lang kaya.

"Ahh, Hello" pag-agaw ko sa atensyon niya habang binabasa niya ang script ng movie. Tumingin lang siya sa akin at hindi nagsalita.

"Ahhm, ako nga pala si Eisen. Ako yung magiging best friend mo sa movie-" hindi pa ako tapos magsalita nang sumagot siya.

"I know" tugon niya at binalik ang kaniyang atensyon sa pagbabasa ng script.

"Gusto ko lang sana na maging malapit tayo o kahit kilalanin ang isa't isa para.... Alam mo na para magampanan natin ng maayos ang role natin bilang mag best friend" pagpapaliwanag ko at muli niyang tinuon ang atensyon sa akin.

"Don't bother, alam naman natin na hindi mangyayari yun at saka kung magaling ka talagang artista kahit kaaway mo pa ang makakaeksena mo ay magagawa mo paring gampanan ng maayos ang character mo!" sabi niya at medyo tinamaan ako sa sinabi niyang yun.

"Wait, may nagawa ba akong masama sayo?" tanong ko. Pero imbes na sagutin niya ang aking katanungan ay nagsuot siya ng pantalon at jacket sabay labas ng kwarto habang dala-dala ang script.

Siguro nga ay sadyang ayaw niya sa akin kaya naman kahit wala akong nagawang masama sa kaniya ay hindi niya akong maatim na makasama. Mukhang tulog si Jules dahil 2 oras lang ang tulog niya bago kami sumakay ng eroplano. Andami niyang tinapos na project sa pinas bago siya nagtungo dito sa Singapore para sa movie na to. Doon ako hanga kay Jules dahil makikitaan mo talaga na gustong gusto niya ang industriya na pinasok niya. Ayun sa management ay kailangan naming manatili sa hotel para makapagpahinga at mapag-aralan ng husto ang aming mga lines. Wala akong nagawa kundi ang magkulong sa loob at magbasa ng mga lines na hindi pa naman ganun karami dahil sa ibang location pa lalabas ang marami kong scenes. Nang makaramdam ako ng gutom ay minabuti kong tawagan si Jules pero mukhang nakapatay ang kaniyang cellphone. Kaya naman mag-isa akong nagtungo sa isang restaurant sa tapat ng hotel na aming tinutuluyan. Mabuti na lang at binigyan ako ni Jethro ng credit card na pwedeng gamitin para sa international transaction kaya hindi ko poproblemahin ang panggastos.

Di ko inaasahan ang tagpong nasaksihan ko sa pagpasok ko sa restaurant. Malakas na sampal ang narinig ko at tila lahat ng tao ay napalingon sa kinaroroonan ng malakas na tunog na yun. karugtong nang malakas na sampal ay ang pagsigaw nito ng salitang "mga manloloko!" Napatingin ako lalo dahil Pilipino ang babaeng yun. Tumakbo ang babae at nabangga pa ako. Nalaglag ang bag na dala niya pero hindi siya nag-abalang kunin ito at tumakbo palabas ng resto. Habang dinadampot ko ang mga kagamitan ng babae ay laking gulat ko nang makita ko ang lalaking sinampal dahil kasama nito si Josh. Nagkatinginan kami ni Josh at kapwa kaming nagulat. Imbes na kausapin si Josh kung ano ang nagyari ay mas minabuti kong lumabas ng resto para habulin ang babae.

Sana mali ang hinala ko sa eksenang nasaksihan ko kanina. At heto ako parang tanga na hinahanap ang babaeng nagmamay-ari ng bag na nalaglag. Naglalaman lang naman ito ng kaniyang wallet, cellphone at passport. Nakapahalaga ng mga kagamitang ito para maiwala niya lang. At sa kalagayan niya ngayon ay malamang wala siyang balak na balikan ang mga ito. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero tila may sariling pag-iisip ang aking mga paa hanggang sa marating ko ang isang lugar kung saan kakaunti lang ang tao. Nakita ko ang isang babae na umiiyak sa isang upuan. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at nang marating ko ang kaniyang pwesto ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay unti-unti siyang tumingala habang umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. At nang makita niyang dala-dala ko ang kaniyang gamit ay nagpasalamat siya.

Ang buong akala ko ay titigil na siya sa pag-iyak nang abutan ko siya ng panyo. Pero bigla na lang niya akong niyakap at umiyak nang husto. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero nanatili lang ako sa aking pwesto habang marahang hinahaplos ang kaniyang likod para tumahan. Matapos ang pag-iiyak niya na hindi ko matanya kung gaano katagal. Tanging ang pamamaga ng kaniyang mga mata ang nagsasabi kung gaano katagal siyang umiiyak. Nang tuluyan siyang kumalma ay siya na mismo ang nagkwento sa totoong nangyari.

Ang lalaking sinampal niya sa loob ng resto kanina ay ang kaniyang boyfriend. Pumunta siya sa Singapore para surpresahin ang kaniyang boyfriend para sa kanilang 2nd year anniversary bilang magsyota. Hindi niya inaasahang makikita niya ang kaniyang boyfriend na nakikipaghalikan sa loob ng resto kasama ang boss nito. Noong una ay tila nagkamali lang ako ng pagkakarinig pero inulit pa niya mismo ang pagkakasabi na nakita niyang nakikipaghalikan ito sa kaniyang boss. Naloka ako nang marinig ko yun. Si Josh nakipaghalikan sa secretary niya na may girlfriend na? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para i-comfort siya at hindi ko alam kung aaminin ko ba na kakilala ko ang boss ng boyfriend niya.

"Ano na ang plano mo ngayon?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Dapat susurpresahin ko siya sa araw na to at pupunta kami ng korea bukas pero ako ata ang nasurprise. Siguro pupunta na lang ako dun ng mag-isa" sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa kaniyang mga mata.

"Kung gusto mo samahan mo ako?" pag-alok niya na ikinagulat ko.

"Ahh-ehh sorry taken na kasi ako" mabilis kong tugon.

"HAHA, biro lang pero sana lahat ng lalaki kagaya mo!" sabi niya habang inaayos ang kaniyang sarili. Anong kagaya ko? Baklang kunwari straight na nagpipilit magpakapaminta para magtagal sa ganitong industriya? Nahihiya ako sa kaniya dahil ako rin mismo ay niloloko siya.

"Sana lahat sila kasing buti mo. Nakakainis lang at may pagkakaparehas kayo!" sabi niya na ikinagulat ko. Wag mong sabihin na naamoy niya kaagad ako.

"Sobrang bait niya din nang makilala ko siya. Ganitong ganito din ang kalagayan ko nang makilala ko siya. Oh siya, aalis na ako. Ayokong magtagal dito bakama-fall na naman ako" pagkasabi niya ay kaagad siyang tumayo at ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Biro lang!" habol niya bago pa man siya makalayo sa akin. Kung tutuusin ay napakaganda niyang babae. Kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa kaniya at mahuhulog ang loob sa matatamis niyang ngiti. Pero hindi ako ang lalaking yun dahil bakla ako, hello?

Pero seryoso hindi niya deserve ang lokohin. Hindi ko alam ang side-story ni Josh kaya ayoko munang i-judge kung ano man ang nakita ni... hindi ko nga pala natanong kung ano ang pangalan niya. Nakakapanghinayang lang na nabalewala ang kaniyang effort. Malamang sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon dahil hindi biro ang magpatagal ng relasyon ngayon. At bakas sa mga mukha niya kung gaano niya kamahal ang lalaking yun. Masyado akong naging abala sa buhay ng iba at nakalimutan kong kumain. Pasado ala-una na ng hapon nang makakain ako. At ang naging problema ko ay hanapin ang daan pabalik sa hotel namin. Buti na lang at may google map para ituro sa akin ang daan pabalik. Bago ako makapasok sa aming kwarto ay bumungad sa akin si Jules.

"Saan ka nanggaling?" bigla niyang sabi. Kapwa kaming nagulat sa isa't isa.

"Kakain lang sana ako tapos nakalimutan ko na ang daan pauwi" pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung papano ko ikukwento ang mga nangyari lalong lalo na't hindi ko pa alam ang side ni Josh.

"Ohh okay, kanina pa kasi kita hinahanap" sabi niya. Nakakapagtaka lang at bakit siya hinigingal at pinagpapawisan.

"Nagjogging kaba o galing ng gym? Bat pinagpapawisan ka?" hindi ko mapigilang magtanong. Napansin ko ring pawisan si Andrei na hindi makatingin sa akin.

"Ahhh yes, kakagaling ko lang ng gym" sagot niya habang tumatango nang paulit-ulit.

"Nang nakamaong?" dugtong ko.

"Nakalimutan kong magpalit eh. By the way, daan mo ako mamaya kapag gusto mong kumain!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko at saka siya lumabas ng pinto.

At ayun naiwan na naman kami ni Andrei sa loob ng kwarto. Para makaiwas sa kakaiba niyang tingin ay napag-isipan kong pumunta ng banyo para maligo. Inayos ko ang bathtub para makapagbabad at makapagrelax ako. Namiss ko bigla si Jethro dahil sa tuwing magbababad kami sa bathtub ay siya mismo ang naglalagay ng liquid soap sa bathtub at sinasamahan niya pa ng roses para dagdag kalandian. Pagkatapos kong maayos ang bathtub ay kaagad akong nahiga sa bathtub habang nakasandal sa gilid ng bathtub ang aking ulo para hindi ako tuluyang malunod sa tubig. Hindi ko natiis at tinawagan ko siya sa kaniyang messenger. Bakas sa mukha niya ang stress at pagod pero unti unting nawala yun nang magsimula kaming mag-usap.

"Tumayo ka!" utos niya.

"Haa bakit naman?" tanong ko habang hawak-hawak ang cellphone sa kaliwang kamay ko.

"Para makita ko yung katawan mo" sabi niya habang nakangiti na nakakaloko.

"Hoy Jethro Jones Wells! Nasa opisina ka ngayon at umarte ka ngang disente! Ilang oras pa lang tayong nagkakahiwaly ohh puro kalibugan na naman yang nasa isipan mo!" sagot ko at siya namang itinawa niya.

"Hoy Eisen Fuentes-Wells. Namimiss lang po kaya kita, kaya sa susunod na pagtawag mo wag mo akong pinapakitaan ng hubad mong katawan!" ginaya niya ang pananalita ko at siya namang ikinatawa naming dalawa na para bang mga siraulo.

"Pero honestly namimiss kita ngayon. Kung pwede lang sana ay hindi ka na nag-aartista at nasa bahay ka na lang" biglang naging malumanay ang tono ng pananalita niya.

"Hon, pinag-usapan na natin to di ba?" sagot ko at siya namang pagtango niya.

"I'm sorry, anyway kamusta ang byahe mo dyan? Magkasama pa rin ba kayo ni Jules sa iisang kwarto? Wag na wag kang lalabas ng nakahubad ahh!" niratrat na niya agad ako.

"Wait, kalma! Hindi si Jules ang kasama ko sa kwartong to kundi yung kalove team niya" hindi ko alam kung bakit natatawa akong banggitin ang salitang loveteam.

"Edi mas lalong mag-iingat ka diyan dahil hindi mo kakilala ang taong yan!" pagbabanta ni Jethro at ako naman ay hindi masyadong nag-aalala dahil alam ko namang walang balak na masama sa akin si Andrei dahil ayaw niya sa akin.

"Wag kang mag-alala, safe na safe ako dito. Walang mangyayari sa aking masama. Ang inaalala ko nga ay ang kalagayan mo dyan. Baka naman hinahayaan mong landiin ka dyan ni Celestine. Naku pagnalaman ko talagang nilalandi ka niyan uuwi talaga ako ng pinas kaagad agad" bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa tuwing maaalala ko si Celestine.

"Sigurado kang uuwi ka kaagad kapag nalaman mong nilalandi ako ni Celestine?" at ngumisi na nakakapanloko si Jethro.

"OO at igagapos ko kayo sa puno ng balete at sabay ko kayong susunugin para ialay kay satanas!" nanggigil kong pagsabi at siya namang pagtawa ng loko.

"Eto naman hindi mabiro. Safe na safe itong si junjun, sayo lang yan titigas!" sabay baba niya ng camera para ipakita ang umbok sa kaniyang hinaharap.

"Ewan ko sayo puro ka na naman kabastusan!" sabi ko pero deep inside kenekeleg ne eke.

"Bakit hindi mo ba kami namiss ni junjun?" panunukso pa niya.

"Syempre namimiss ko kayo ni junjun, pero kailangan natin magkahiwalay para sa career natin. Hay naku itigil na nga natin to baka umabot pa to sa video call sex!" sabi ko at naupo ako sa bathtub para sana magpaalaam sa kaniya.

"Bakit hindi natin i-try yun? Hindi pa natin nasusubukan yun" at heto na naman ang mga wild suggestions ni Jethro.

"Magtigil ka nga Mr. Wells. Wala akong tiwala sa technology ngayon. Baka kumalat pa yan sa pornhub o kaya sa xvideos. May pangalan akong iniingatan no!" pagpapaliwanag ko na sinang-ayunan naman niya. Nagpaalam kami sa isa't isa at ako naman ay nagpatuloy na sa paglilinis ng aking katawan.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na rin ako ng banyo. Kagaya kanina ay muling nagbabasa si Andrei ng script. Hindi ko naman skiya masisisi dahil marami siyang eksena bukas dahil isa siya mga bida ng movie na to. Ako naman ay hindi na masyadong nag-abalang magbasa dahil kahit sa pagtulog ko ay kayang kaya kong sabihin ang mga salitang "Let the party begin!" yan lang ang line ko bukas pero may mga exposure ako sa mga scenes na kukunan namin sa isang bar dito sa Singapore.

Alas syete nang gabi nang makaramdam ako ng gutom kaya naman nagpasiya akong ayain si Jules na kumain kami sa labas. Nagpasiya kaming lumabas para puntahan ang paborito niyang restaurant dito sa Singapore. Kumain kami dito sa Prima Tower, isa siyang revolving restaurant. Maganda ang nakuha naming pwesto dahil kitang kita ang view nang Singapore. Ang sarap tumira dito para bang 24 hours gising ang mga tao at tila ligtas ang bawat daan kahit anong oras ka pang umuwi. Habang nag-aantay ng aming pagkain ay hindi ko mapigilang magtanong kay Jules tungkol kay Andrei.

"Jules pwedeng magtanong?" pagbasag ko sa katahimikan. Dahil simula nang makarating kami dito ay halos di na maalis ang kaniyang mata sa kaniyang cellphone na tila panay ang text sa ibang tao.

"Kung itatanong mo kung single ako? Yes, single na single for you! Bakit nagsasawa ka na ba kay Jethro?" mabilis niyang tugon.

"Gago!" ang tangi kong naisambit at siya namang ikinatawa niya. Magkapatid talaga sila parehas na siraulo.

"Pero seryoso ano nga yun?" naging seryoso na din siya sa pagkakataong ito at ang kaniyang cellphone na kanina'y hindi mabitawan ay nasa loob na ng kaniyang bulsa.

"May problema ba sa akin si Andrei?" derechong tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya at bigla namang dumating ang aming order kaya naman natigil nang panandalian ang aming usapan.

"Wala, napansin ko lang na ang cold ng trato niya sa akin na para bang ayaw niya akong makasama" sabi ko sabay inom sa lemonade na inorder ko.

"Baka naman nahihiya siya o naiilang dahil hindi pa kayo close kaya ganun" tugon niya at siya naman ay nagsimula nang kumain habang kami ay nag-uusap.

"Talaga ba pano mo naman nasabi eh ngayon pa lang kayo magsasama sa isang pelikula" tanong ko at ako naman ay kumain na rin habang nag-aantay ng kaniyang kasagutan.

"Oo unang pelikula namin to pero hindi ito yung una naming pagsasama ni Andrei sa iisang project" tugon niya at ako nama'y napatigil sa pagkain.

"Ahh so nagkasama na pala kayo dati at ganito rin ang trato niya sayo?" tanong ko naman at siya nama'y tila hindi makatingin sa akin.

"Hindi naman sa ganun. Baka kasi nagseselos siya" nagulat ako sa sinabi niya at tila siya rin ay nagulat nang masabi niya yun.

"Anong ibig mong sabihin na nagseselos?" dugtong ko pa at inantay ko munang makainom siya ng tubig bago sagutin ang aking tanong.

"Ganito kasi mukhang naiinggit siya hindi nagseselos okay?" sagot niya at ako naman ay naguguluhan pa din.

"Bat naman siya maiinggit sa akin eh siya nga tong maraming nang awards at maraming fans local at international. Tapos maiinggit siya sa akin na isang baguhan?" ang labo naman niya kung ganun ang dahilan niya para mainggit sa akin.

"Alam mo kasi ganito yan. Ilang auditions at ilang director ang pinakausapan nya dati para marating niya ang kinalalagyan niya ngayon. Samantalang ikaw ay nagawa mong makasabak sa showbiz na hindi pinagdaanan ang mga ginawa niya kaya siguro naiinggit siya sayo" pagkasabi ni Jules nun ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil para ngang ang daya nang naging daan ko dahil nagamit ko ang impluwensiya ni Jethro at Jules para mapasok ko nang walang hirap ang pag-aartista.

"Ohh bat bigla kang natahimik dyan?" sabi ni Jules at saka naman nanumbalik ang katinuan ko.

"Ahh sorry. Medyo napaisip lang ako na ang swerte ko dahil sa inyo ni Jethro ay nagawa kong makapasok sa showbiz na hindi naranasan ang hirap na pinagdadaanan ng mga ibang artista ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko deserve na nandito ako ngayon" bigla na lang ako talagang nakonsensya nang sabihin ni Jules ang tungkol kay Andrei.

"Ano kaba tinulungan ka lang namin ni Jethro pero ikaw pa rin ang nagpatunay na deserve mo ang tulong namin. Kung hindi mo ginalingan sa pag-arte ay tiyak mabilis ka lang malalaos dahil hindi nadadaan sa impluwensiya at pera ang kasikatan ng tao. Hindi mo nababayaran ang mga tao para magustuhan ka nila at hinding hindi nabibili ng pera ang talento. Kaya sana ay magkaroon ka ng kompyansa sa sarili mo na isa kang magaling na artista at sana paniwalaan mo yan!" hinawakan ni Jules ang kanang kamay ko para iparamdam sa akin na totoo ang mga sinasabi niya. Kahit papano ay nabawasan ang insecurity na nararamdaman ko.

Pagkatapos naming kumain sa resto ay sunod naman naming pinuntahan ang isang sikat na ice cream store dito sa Singapore para sa aming desert. Marami kaming napag-usapan at madalas ay ang tanong niya ay tungkol sa amin ni Jethro at kung papano namin napapatagala ang relasyon namin. Ayun kasi sa kanya simula nang magbreak kami ay wala na siyang makitang taong pakiramdam niya ay magtatagal sila o kaya ay seseryosohin niya. Nilinaw niya sa akin na ang amin ay tapos na pero gusto niya lang sabihin na simula nang matapos ang relasyon namin ay hindi niya magawang magseryoso sa ibang tao. Madalas ay nauuwi lang sa one-night stand ang nagagawa niya. Inasar ko pa nga na baka may sakit na siya dahil kakapalit palit niya ng partner. He's a complete bisexual. Nakikipagrelasyon at nakikipagsex siya sa babae at lalaki or sabihin nating mga closet gays. Pero pagdating sa bagay na yan ay maingat naman si Jules at hindi pa siya nagkakaroon ng panganay sa mga nakaka one-night stand niya na babae.

Pagkatapos ng aming masayang kwentuhan ay bumalik din kami sa hotel para makapagpahinga. Dahil maaga ang call time namin bukas ay dapat iwasan namin ang mapuyat. Nang makapagpaalam sa isa't isa ay nagtungo na kaagad ako sa aming kwarto ni Andrei. Pagpasok ko ay naabutan ko na lang na nagkalat ang mga gamit niya sa sahig. Mukhang nasa loob siya nang banyo at naliligo. Sinindi ko ang ilaw at isa-isang dinampot ang mga gamit sa sahig. Nakita kong may napadpad na gamit sa ilalim ng kama ko kaya naman ay ako lumuhod para kunin ito. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa ng isang passport dito sa ilalim ng kama ko. Pagbuklat ko ay nakita ko ang larawan ni Andrei. Sa kanya pala ang passport na ito. Ang pangalan niya sa passport ay Dustin Andrei Larson Bautista. Wait parang pamilyar sa akin ang Dustin Bautista. Nagulat ako nang may magsalita.

"Bakit hawak-hawak mo ang passport ko?" tanong ni Andrei na kakalabas pa lamang sa banyo. Tanging tuwalya ang nakabalot pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Bakas sa pangangatawan niya ang madalas na pagbubuhat sa gym. Hindi nalalayo ang pangangatawan niya kay Jules. Nakaluhod ako sa harapan niya habang hawak-hawak ang passport niya.

"Ahhh nakita ko to sa ilalim ng kama ko at saka nakakalat ang mga gamit mo sa sahig" sabi ko at halos hindi ko siya matingnan sa mukha dahil nakakailang ang ayos niya ngayon.

"Akin na yan!" utos niya pero hindi ko kaagad binigay.

"Alam ba ni Jules?" tanong ko at bigla siyang natahimik pero kalaunan ay nagsalita din siya kaagad.

"Malaman ang alin?" pagmamaang-maangan niya.

"Na ikaw yung lalaking nagconfess sa kaniya noong college pa tayo!" tila nainis siya nang sabihin ko yun.

"Wag kang nakikialam!" bigla niyang inagaw sa akin yung passport. Sa lakas ng pagkakahila niya ay muntik nang masubsob ang aking mukha sa sahig buti na lang at naitukod ko ang aking mga kamay. Laking gulat ko nang pagtingala ko ay wala nang saplot si Andrei at hawak-hawak ko na ang tuwalyang kanina lang ay nakabalot sa kaniyang baywang. Nanlaki ang aking mga mata dahil sobrang lapit ng kaniyang junjun sa mukha ko. Kapwa kaming nagulat sa pangyayari kaya hindi kami nakakilos kaagad. Sa di inaasahang pagkakataon ay biglang bumukas ang pinto.

"Eisen nakalimutan ko pa lang sabihin na...." sabi ni Jules nang mabuksan niya ang pinto. Naabutan niya kaming sa position kung saan ako ay nakaluhod sa harap ni Andrei habang hawak-hawak ko ang tuwalya nito na para bang may gagawin kaming kababalaghan.

"What the fuck!!!" bulyaw niya. Grabe parang nangyari na to dati at hi di ko malaman kung kailan at saan.

"I can explain it Jules!" mabilis na sagot ni Andrei.

"Maniwala ka Jules, mali yang iniisip mo sa totoo lang ay may dapat kang malaman dahil si Andrei ay.." nasa akto ako nang pagtayo nang bigla akong pigilan ni Andrei at tinakpan ang bibig ko. Wala nang mas o-awkward pa nang sumagi si junjun niya sa balikat ko at lahat nang yun ay saksi si Jules.



PATAY AKO KAY JETHRO!



Itutuloy.....



A/N: Ano sa tingin nyo ang tambalang Andrei at Jules. Wala pa akong maisip na bagay na gumanap bilang Andrei eh. Kung may suggestion kaya i-comment nyo.
Hindi nagkakalayo ang pangagatawan nila ni Jules. Mas maputi lang si Andrei at medyo masungit sa unang tingin.

Medyo misteryo pa ang story ni Andrei masasagot ang iba nyong katanungan sa susunod na chap at ang iba naman ay sa story nila mismo ni Jules na "Seducing Jules".

Please don't forget to vote. Thank you!

Can't live without you (BL)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz