A/N: Pabago bago ng POV sana wag kayong malito at mag-ingat sa pagbasa.
Roxanne as Hanni
Suk-won as Ringo
Eisen's POVAng dami ko nang pinagdaanan sa buhay na masasakit at malulungkot na pangyayari. Kahit papano ay kinaya ko hanggang ngayon. May mga taong patuloy na nagpapalakas ng aking loob kaya nakakakaya kong harapin ang bawat hamon sa aking buhay. Bawat taong nagdaan sa aking buhay ay nagbigay ng aral at alaala sa akin. Bawat kasiyahan at kalungkutan ay may kabuluhan sa buhay ng tao. Hindi tayo pwedeng maging masaya lang at hindi rin pupwedeng habang buhay ay malungkot ka. Kailangan parin ng balanse sa buhay. Sabi nila may taong nakalaan sa bawat isa na magiging katuwang mo sa buhay para balansehin ang kasiyahan at kalungkutan. Huli ko mang napagtanto pero alam kong si Jethro ang nakalaan para sa akin. Siya yung nagbibigay ng balanse sa buhay ko. Siya yung nagpapasaya sa tuwing nalulungkot ako. Pero papano magiging balanse ang buhay ko kapag wala na siya?
Nakakatawang isipin na nangako pa kami sa isa't isa dati na kung may mamatay man sa aming dalawa ay hinding hindi kami iiyak sa araw ng libing. Hindi ko pa siniseryoso ang mga sinabi niya sa akin dahil hindi ko kayang isipin na mauuna siyang mawala sa mundong ito. Nangako ako sa kaniya na hindi ako iiyak sa araw ng libing niya kapag siya ay namatay na. Pero tangina lang, sino ba naman ang kayang magpigil ng luha kung sa huling sandali ay makikita mo ang taong pinakamamahal mo na ililibing na sa ilalim ng lupa? Tumingin ako sa langit at huminga ng malamin. Kaya ko to, alam kong kaya ko to. Nangako ako kay Jethro na hinding hindi ako iiyak.
Lumayo ako saglit sa kabaong. Habang nag-aalay sila ng bulaklak at nagsasabi ng kanilang huling mensahe bago siya ilibing. Inaalalayan ako ni Lance kahit na nakaupo na ako upuan. Sa kaliwa ko naman ay si Gunter na patuloy na nagpapaypay. Makulimlim ang kalangitan na umaayon sa aking nararamdaman. Mahangin naman sa mga oras na to pero nahihirapan pa rin akong huminga. Ilang beses ko nang hinahampas ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay naninikip ito sa bawat sandali nandito ako. Dumating ang sandali na ako na lang ang inaantay na mag-alay ng bulaklak at magbigay ng huling mensahe para kay Jethro. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad patungo sa kaniyang kabaong. Nakahawak sa aking mga kamay si Gunter at Lance para alalayan ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kaniyang kabaong.
BẠN ĐANG ĐỌC
Can't live without you (BL)
Lãng mạn*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...