Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses

23.7K 993 148
                                    

A/N: May important question ako need ko ng opinion nyo so please respond sa end ng story.

David as Jethro

David as Jethro

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Jethro's POV

3 YEARS AGO

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Wala akong maalala sa mga nakaraang buwan na nangyari sa buhay ko. Kasabay ng paggising ko mula sa aksidenteng nangyari sa akin ay nalaman kong patay na si Dad. Hindi ako makapaniwala nang marinig ko yun mula kay Annabelle at ayun sa kaniya ay kagagawan daw ito ng bagong napangasawa ni Dad. Pero malabong magawa yun ni Tita. Wait, bakit ko ba siya pinagtatanggol? Hindi ko alam kung bakit hindi ako masayang makita si Annabelle sa paggising ko. Dapat nga masaya ako na makita ko siya na nasa tabi ko siya hanggang sa magising ako. Pero bakit parang may hinahanap akong ibang tao na dapat ay ngayo'y nasa tabi ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Jules. Mga bata pa kami nang huli ko siyang makitang masaya na lumalapit sa akin habang umiiyak.

"I'm glad that you're awake" sabi niya habang niyayakap ako. Medyo weird dahil hindi ako sanay na ganito ang inaasal niya sa akin.
"Matutuwa si Eisen na malaman to" kinuha niya ang phone niya at nagdial pero bago pa man siya makatawag ay tinanong ko siya kung sino si Eisen.
"Si-sino si Eisen
?" may kakaiba sa pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang pangalang yun.

"Hindi mo naalala si Eisen?" gulat na tanong ni Jules.

"Seriously Jules, magtatanong ba ako kung kilala ko siya?" nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko dahil pilit kong inaalala kung sino ang taong yun.

"Are you okay Jethro?" tanong ni Annabelle nang makita niya akong napayuko habang hawak ko ang aking ulo.

"I'm going to call the doctor" nagmamadaling lumabas si Jules at saka tinawag ang doctor.

After a few seconds nawala din ang pananakit ng ulo ko. Sumandal ako sa kama habang hawak-hawak ni Annabelle ang aking kamay. Ngumiti ako sa kaniya bilang tanda ng pagpapasalamat pero yung totoo ay hindi ko magawang maging masaya ngayon. Maya-maya ay dumating si Jules kasama ang doctor na tinawag niya. Tinanong niya ako ng ilang bagay gaya ng mga ginawa ko ng mga nakaraang buwan pero wala akong maalala ni isa sa mga yun. May pinakita sa aking picture si Jules at kasama ko ang isang lalaki na nakayakap sa akin. Kapwa kaming masaya at kitang kita yun sa picture pero hindi ko magawang maalala kung sino siya. May tumutulak sa aking isipan na dapat alalahanin ko siya pero kahit anong pilit kong gawin ay wala talaga akong maalala. Sumakit na naman ang ulo ko na para bang mahahati ito sa gitna.

Ayun sa doctor ay nakakaranas daw ako ng selective memory-loss dahil nagagawa ko pang maalala ang mga bagay na ginawa ko ng mga nakaraang taon. Pero nitong nakaraang buwan ay halos di ko maalala ang mga bagay na ginawa ko. Lalong lalo na yung Eisen ay hindi ko magawang maalala. Hinayaan muna nila akong magpahinga sa aking kwarto pero nagpumilit si Annabelle na mananatili siya sa tabi ko. Hinayaan naman siya ng doctor basta wag lang akong iistorbohin sa oras na kailangan kong magpahinga. Nang makalabas si Jules pati na rin ang doctor ay hindi ko rin namang magawang makatulog dahil ang daming tanong sa isipan ko na hindi ko mabigyan ng sagot. Di ko napigilan ang aking sarili na tanungin si Annabelle tungkol kay Eisen. Mabilis siyang sumagot sa mga tanong ko at ayun sa kaniya ay anak daw ng napangasawa ni Dad si Eisen. Gaya ng mom niya ay tuso rin daw itong si Eisen. Nagawa daw nitong akitin si Jules at Josh na maging boyfriend niya. Hindi ako makapaniwala na itong Eisen na pinag-uusapan namin ay bakla pala. Hindi rin ako makapaniwala na papatol ang mga kapatid ko sa kanya. Imposible yun! Dagdag pa ni Annabelle ay nakipaghiwalay daw ako sa kaniya dahil pati rin ako ay nagawang akitin ni Eisen. At dahil daw sa Eisen na yun ay naaksidente kami. Habang ako raw ay nag-iisa dito sa hospital ay itong si Eisen daw ay nakikipaglandian sa iba ko pang kapatid. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagalit ng husto.

Can't live without you (BL)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora