Chapter 24: Hope Not

9.7K 591 72
                                    

David as Jethro

Jethro's POVAng daming nangyari sa mga nakalipas na taon

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.


Jethro's POV

Ang daming nangyari sa mga nakalipas na taon. Habang tumatagal ay bumibilis din ang paglaki ni Johan. Kung pupwede bang huwag muna siyang lumaki. Mamimiss ko kasi ang paglalambing niya sa akin kapag lumaki na siya. Madalas ako ang kasama ni Johan dahil walang time si Celestine para sa kaniya. Hindi ko na rin masisisi ang bata kung bakit malayo ang loob niya sa kaniyang ina. Mas madalas niya kasing pagalitan ito sa tuwing sila ay magsasama. Ngayon ang araw kung saan dinadala ko si Johan sa kompanya para bisitahin ang kanyang ina. Nagpaalam ako na pupunta lang ng banyo at iniwan ko si Johan kasama ang kaniyang ina sa loob ng office nito. Hanggang sa pagbalik ko ay nawawala na si Johan.

"Anong hindi mo alam, di ba iniwan ko siya sayo?" inis kong sabi kay Celestine.

"I know! Sinabi ko naman sayo na magsama ka ng yaya niya kapag nandito siya sa opisina di ba? I'm freaking busy Jethro!" inis niyang sagot habang hindi siya mapakali sa kakahanap ng mga files. Mas abala pa siyang hanapin ang mga to kaysa sa anak naming nawawala.

"Hindi ako nagdadala ng yaya dito dahil gusto kong bigyan mo siya ng atensyon na kailangan niya. Nawawala na yung atensyon mo sa anak mo eh" sabi ko habang dinadial ang number ng security sa phone ko.

"Wow look who's talking? Hindi ko nga alam kung may pakialam kapa sa akin eh. Hindi ko rin alam kung sincere kang pakasalan ako!" sagot niya habang padabog na nilalapag ang mga files sa ibabaw ng kaniyang desk. Napakamot na lang ako ng ulo.

"I already informed the securities para hanapin si Johan. I need to go na dahil ngayon parating ang bagong owner ng Forever and Always Co." pagkasabi niyang yun ay kaagad siyang lumabas ng kaniyang opisina.

Hinanap ko si Johan sa iba't ibang floor hanggang sa may taong nakahanap sa kaniya. Noong una pa nga ay akala ko si Sam ang kaharap ko hanggang sa mapagtanto ko na si Eisen pala yun. Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko nang muli ko siyang makita. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Matapos ang ilang taong pangungulila ko sa kanya ay heto nagbalik na siya. Mukhang nagtagumpay nga kami ni Lance sa aming plano. Tama nga siya at mapapabalik ko si Eisen sa pilipinas. Sa pagkakataong ito ay hinding hindi ko na siya papakawalan.

Pinauwi ko muna si Johan sa bahay kasama si manang. Malakas kasi ang kutob ko na si Eisen ang bagong nagmamay-ari ng kompanya. Kaagad kong kinausap si Celestine na pakiusapan ang mga board members na hayaan akong umattend sa meeting. Nagsinungaling ako na gusto kong kunin ang bakanteng upuan bilang board member dahil gusto kong makasama siyang muli sa kompanya. Nasa critical condition ang kompanya kaya may mga board members na binibenta ang shares nila dahil habang tumatagal ay bumababa ang stocks ng kompanya dahil sa bad publicity at poor marketing ng mga products. Gaya ng inaasahan ko ay hindi ako binigo ni Celestine.

Nakapasok ako sa loob ng conference room. Masaya kong binati ang ilang board members na matagal na sa kompanya at masaya silang makita akong muli. Nabanggit ko ang pagkainteres ko sa pagkuha ng bakanteng upuan sa board members at naging masaya sila dahil muli ko silang makakatrabaho kapag nagkataong bumalik ako. Hindi nila alam na gusto ko lang masaksihan ang pagbabalik ni Eisen sa kompanya at kung tama nga ba ang kutob ko. Hindi nagtagal nang dumating siya sa loob ng conference room at doon ko napatunayan na siya nga ang bagong may-ari nito. Hindi ko inaasahang makakasama niya si Terence. Bakit nga ba niya kasama ito?

Halatang mainit pa rin ang loob ni Celestine kay Eisen kaya ilang beses ko siyag pinigilang huwag magbitaw ng salitang pagsisisihan niya. Kahit hindi kami nagkakasundo minsan at kahit na wala akong pagtingin sa kaniya ay meron parin akong malasakit para sa kaniya dahil siya parin ang ina ng aking anak. Hindi ko inaasahang marinig na apo pala siya ni Mrs. Lau at ngayon siya na ang nagmamana ng mga business nito. Sa tagal naming hindi nagkita ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaniyang ganda habang siya ay patuloy na nagsasalita. Sa tuwing napapatingin siya sa akin ay bigla na lang siyang nauutal sa pagsasalita. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong hindi pa rin nawawala ang charm ko sa kaniya. Alam kong malaki pa ang pag-asa para sa aming dalawa. Hindi ako susuko dahil alam kong ako pa rin ang mahal niya.

Nang matapos ang meeting ay bigla na lang siyang lumabas ng conference room. Si Celestine ay kaagad kinausap si Terence. Ang ibang board members naman ay may kaniya kaniyang pinag-uusapan. Kinuha ko ang pagkakataong ito para makalabas at sundan si Eisen. Nakita ko siyang pumasok sa loob ng banyo at kaagad akong sumunod sa kaniya sa loob. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng salamin habang ang mga mata ay nakapikit. Lumapit ako sa kaniyang likod at nanatiling nakatayo. Amoy na amoy ko ang paborito niyang pabago na hindi pa rin nagbabago. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan para maipadama ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Yayakapin ko na sana siya nang bigla niyang idilat ang kaniyang mga mata.

"Je-Jethro" nauutal niyang sabi. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya kitang kita ko ang reaksyon ng kaniyang mukha na mas lalo akong nakaramdam ng panggigil. Gustong gusto ko siyang sunggaban ng halik pero binalak niyang tumakas kaya naman hinarang ko ang aking mga kamay para ma-corner siya.

"Eisen, I mean Hyacinth right? I'm here para kolektahin yung promise mo sa akin" sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya ramdam na ramdam ko kaniyang paghinga. Para akong mababaliw sa saya pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil ayokong biglain siya sa kung ano man ang gusto kong ipadama sa kaniya.

"Ahh promise? Ano yun?" sa loob ng limang taon ay hindi pa rin magawang magsinungaling sa akin ni Eisen. Halatang halata ang kaniyang kaba sa paraan ng kaniyang pananalita sa tuwing siya ay magsisinungaling sa akin.

"Hindi ako bingi at wala akong amnesia para makalimutan ko yung pangako mo sa akin" sabi ko at nilapit ko nang husto ang aking sarili hanggang sa magkadikit ang aming mga katawan. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang tumaas ang libido ko at gusto ko siyang angkinin sa mga sandaling ito. Hahalikan ko na sana siya nang biglang may magsalita.

"Anong ginagawa mo kay Hyacinth?" sabi ng isang lalaki at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Terence na nakatayo malapit sa pintuan.

"Wag kang makialam dahil usapan naming mag-asawa to!" sabi ko. Bakit ba nakikialam itong kumag na to? Bakit ba hindi niya na lang kami hayaang dalawa ni Eisen. Binalik ko ang tingin sa asawa ko.

"Excuse me? He's my fiancé" sabi ni Terence at nagulat ako nang sabihin niya kaya tumingin ako sa kaniya kung nagbibiro lang ba siya.

"Fiance?" magkasabay naming sabi ni Eisen at nagkatinginan kami sa isa't isa. Bigla na lang siyang lumusot sa mga kamay ko at lumapit kay Terence.

"Yep, ikakasal na kami ni Terence" sabi niya sabay yakap kay Terence. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya dahil alam kong nagsisinungaling lang siya. Pero hindi ko mapigilang magselos dahil sa pagyakap niya sa kumag na to.

"Really, so kailan ang wedding?" tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano mo Eisen pero makikipaglaro muna ako sayo.

"Sa susunod na dalawang buwan" mabilis na sagot ni Eisen.

"Next month" sagot naman ni Terence na halos karugtong lang nang pagkakasabi ni Eisen. Tumingin ako sa kanila na nalilito kunwari pero bistado ko na ang pagsisinungaling nila sa akin.

"Actually nasa planning stage pa lang kami kaya hindi pa napapafinalize ang date ng kasal namin" dugtong pa ni Eisen na halos mautal-utal sa pagsasalita. Ako naman ay tumango bilang kunwaring pagsang-ayon.

"Don't forget to invite me" sabi ko kay Eisen at ngumiti nang makahulugan sa kaniya. Alam kong naiintindihan niya kung anong ibig kong sabihin kaya naman umoo na lang siya at nagmamadaling lumabas ng banyo.

Can't live without you (BL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ