Hay nako! Kahit kailan talaga ang abnoy nitong dalawa, bahala na nga. Baka nga sakaling makatulong sa akin.

Pagkadating ng uwian ay hinatak na ako kaagad palabas ni Chen at Deo, para namang tatakasan ko pa sila. "Chace, saan kayo pupunta? Di ka ba sasama sa amin?" napatigil kami ng tinawag ako bigla ni Key. Paglingon naman namin ay nandoon silang lahat, pati na rin si Hero.

"Thursday ngayon Chace, sa labas tayo kakain di ba?" tanong ni Hero. Ay takte! Nakalimutan kong Thursday nga pala. Lagi kasi kaming kumakain sa labas tuwing Thursday, para bang get together day naming lahat 'yun bilang barkada.

"A-ah, kasi ngayon lang ako niyaya nitong dalawa. Di muna ako sasama ngayon. Next week ako babawi, sorry ah" sabi ko sa kanila.

"Sige, kami na lang. Mag-enjoy kayo ah" sabi naman ni Audrey sa amin.

Nagpunta na kaming tatlo doon sa ice cream parlor na malapit sa school namin. Pumasok na kami doon at agad naman na may kumaway sa amin na tatlong babae. "Hi Chen!" bati nila. Naupo na kami sa tapat nila.

Hanep rin nitong si Chen eh, ang daming kilalang babae. Galing pa pala sa all-girl's school etong niyaya niya. Di ko rin maipagkakaila na magaganda nga etong mga babaeng inimbita niya... pero mas maganda pa rin si Ke-wala! Kailangan kong enjoyin to kahit labag sa kalooban ko.

"Mga kaibigan ko nga pala, di ba sabi niyo magdala naman ako ng iba kong kaibigan? At gusto rin nilang ipakilala ko naman sila sa inyo eh" Haha, galing mong magsinungaling Chen, napilit lang talaga ako eh.

"Deo nga pala" nauna ng magpakilala etong katabi ko. Sumunod naman ako at nagpakilala na rin.

"Ako nga pala si Jess and they are my friends Sasha and Blossom" sabi nung isa habang tinuro niya yung mga kaibigan niya na ngumiti naman sa amin. Pinigilan ko yung sarili kong matawa kasi kapangalan pa ng member ng Powerpuff girls yung isa, kaya mukha tuloy naging OA yung ngiti ko.

"So first time niyo sa ganitong meet-up?" tanong sa amin nung Sasha. Napatingin ako sa kanya, pansin ko lang na simula nung pumasok kami eh sa akin na ito nakatingin eh. Then again, baka pakiramdam ko lang yun.

"Ah, oo eh. Naisipan lang namin at madalang rin kasi kaming lumabas ng magkakasama eh" sagot ko naman.

Dumating na 'yung waitress sa amin at binigyan niya kami ng menu, umorder na muna kami at pagkatapos noon ay umalis na siya. "Treat nga pala namin ito ah, wag na kayong mag-abala" parehas kaming napatingin ni Deo kay Chen. Anong treat namin?! Eh kakakita ko lang kung gaanong kamahal 'yung ice cream dito eh!

Nagtawanan naman bigla yung tatlong babae. "Nako, mukhang labag sa kalooban ng mga kasama mo Chen, wag na lang" natatawang sabi ni Blossom.

"Ah hindi, biro lang yun para mapatawa kayo. Treat na namin ito" nginitian sila ni Deo. Nako pero sa loob-loob niyan alam kong gusto niya ng paslangin si Chen eh.

Bigla naman namin na narinig na bumukas yung pinto at may mga pumasok. "Ang gwapo nung pumasok oh" bulong ni Jess kila Sasha.

"Ano ka ba Jess, may girlfriend yata eh. Nakita mo ng may kasama" sabi naman ni Sasha.

"Ano ba yan, kami ang ka-meet niyo tapos napatingin kayo sa ibang lalaki" sabi ni Chen habang nagkukunwari na nagtatampo.

"Joke lang naman, mas gwapo kayo. Napatingin lang naman ng sandali eh, cute niyo naman" sabi sa amin ni Blossom.

"Sa inyo na lang kami titingin promise" dagdag ni Sasha.

Ang tagal naman ng order namin, uminom muna ako nung na-serve sa amin na tubig. "Chace?" muntik ko ng maibuga yung tubig ng marinig ko yung boses ni Key. Lumingon ako at shete lang nandito pala silang lahat, at kasama rin nila si Hero at Gray.

Fools in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now