CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero

Start from the beginning
                                    

“Bakit hindi nalang natin ibenta para makatulong sa pang-araw-araw natin, Lola? Tutal hindi naman tayo siguradong kay Nanay ito.” Sabi ko.

“Hindi, Apo. Sa Nanay mo man ito O hindi, suotin mo pa rin dahil alam kong babagay naman sa’yo.” Nakangiting aniya ni Lola. “Sandali at ako na ang magkakabit nito sa leeg mo.” Umikot si Lola para i-lock ang kuwintas sa batok ko. “Oh ayan, sabi ko naman sa’yo bagay sa iyo. Tingnan mo ang sarili mo sa salamin.”

Natawa ako. “Salamat po pero hindi ko na kailangang tingnan ang sarili ko sa salamin, Lola. Baka mabasag pa e.” pagbibiro ko saka isinukbit ang bag ko sa likod ko. “Aalis na po ako, Lola. Pakisabi po kay Lolo huwag siyang masiyadong magpapagod, Lola.” Hindi ko na kasi naabutan kanina si Lolo nang magising ako. Maaga na naman sigurong naghanap ng kalakal.

Kawawa naman si Lolo Gaudencio. Wala ng pahinga kaya kailangan ko na rin sigurong maghanap ng trabaho para hindi na problemahin nina Lolo at Lola ang baon ko araw-araw sa school. Makakapagpahinga pa sila kahit papaano ‘pag nagkataon.

“Ako na ang bahala sa Lolo mo. Huwag mo na siyang alalahanin, Apo. Sige na, lumakad ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo.” aniya ni Lola.

Opo. Bye, Lola.” Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mahal po kita.. kayo ni Lolo.” Nakangiting sabi ko.

Mahal na mahal ka din namin ng Lolo Gaudencio mo, Sigrid.” Tugon ni Lola. Hala sige, Lakad na, Apo. Mag-ingat ka.” Pagtataboy ni Lola sa’kin na ikinatawa ko.

Mabilis akong lumabas ng bahay dahil kailangan ko pang maglakad muna bago ako makarating ng Highway. Mabuti nalang at kaagad akong nakasakay ng jeep pagdating ko ng Highway.

“Ang pangit.” pabulong na sabi ng katabi kong babae kaya nilingon ko ito at inirapan nang makita kong sa akin siya nakatingin.

“Miss, pakibaba nga ng kamay mo. Huwag mong itataas dahil baka sumabog tayong lahat. Lakas ng putok mo e.” Pabulong ding sabi ko sa kaniya dahilan para magkulay kamatis ang mukha niya. “Maliligo lang ako ng limang beses isang araw gaganda na ako pero ikaw, kahit sampung beses kang maligo, hindi matatanggal ‘yang amoy kaya maghanap ka na ng gamot hindi ‘yung pamimintas ng ibang tao ang ginagawa mo.” Wala talaga akong pasensiya sa mga taong katulad niya na mahilig mamintas ng kapwa pero sariling kapintasan, hindi makita.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now