Inabutan pa niya ang kanyang Mama habang ito ay nag-susuklay ng buhok. Night shift ito sa pinapasukang call center.

"Ma," tawag niya.

"Solan, nakauwi ka na? Tulungan mo si Vivian sa assignment niya. Kailangan daw gumawa ng family tree. Gumupit nalang kayo ng pictures dyan sa photo album," nagmamadali nitong sabi saka kinuha ang bag. Sinuot nito ang sapatos at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "May pagkain dyan sa lamesa. Pakitiklop sa cabinet ng mga bagong labang damit. Aalis na ako."

"Ingat ka, Ma."

"I-lock mo ang pinto pag-labas ko."

"Opo, Ma."

Pinanood ni Solan na umalis ang kanyang ina. Nang sumarado ang pinto ay kaagad niya itong ini-lock.

"Ate, hindi ko mahanap ang picture nina Lolo at Lola," sabi ni Vivi habang binubuklat ang malaking photo album. Napakamot ito sa ulo at kaagad na nagulo ang nakatirintas nitong buhok.

"Teka, hahanapin ko sa lumang box."

Kalahating oras ang ginugol nila upang matapos ang family tree project ni Vivian. Matapos non ay sinamahan niya sa kanilang kwarto ang kapatid upang matulog. Nang makita niyang tulog na ang kanyang kapatid, tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-search ng mga articles at videos tungkol sa mga extra-terrestrials.

***

"Wait lang, wait lang!" sabi ni Kyra habang naglalakad kami palabas ng building. Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok, mapapansin na nawala na ang bangs na pinakaiingatan nito na hwag magulo.

Biyernes. Ngayon ang first day ng self-defense class ng tatlong kaibigan ni Solan. Umabot pa ng isang linggo bago niya nakumbinsi ang mga ito na samahan siya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" takang tanong ni Savanah.

"I think my boobs are falling off," sagot nito habang hawak ang dibdib.

"Ambisyosa. Wala kang boobs!" kontra ni Alexi.

"Ugh. Bakit pakiramdam ko nawala sila?"

"Hahaha! Ilang beses ba naman tayong nabalibag sa mat kanina, pati yata intestines ko nalaglag na," natatawang sabi ni Alexi.

"Tumatawa ka pa! Akala ko ba self-defense class ang pinasukan natin? Eh bakit parang sinasanay tayong maging goons sa mga action movies?"

"Naibalibag mo rin naman ako kanina, Kyra. Quits lang. Masyado ka lang weak," sabi ni Alexi.

"Hindi na yata ako makakatagal..."

"One month, Ky," paalala ni Solan. "Ituloy mo na. Sayang naman yung bayad."

"Masaya naman e, weak lang talaga 'yang si Kyra."

"Masaya ka lang kasi ilang beses mo akong ibinalibag kanina. Naka-ilang testing ka, ah! Next time, babawi ako ng balibag sa'yo. Tignan ko kung makatawa ka pa sa Lunes."

"Okay guys, ano na? Tara samgyeop tayo, malapit lang dito 'yong alam kong kainan," aya ni Savanah bago pa tuluyang mag-away ang dalawa. Siya ang 'Mom' o matured friend sa grupo ng magkakaibigan.

"Yan tayo, e. Kaya nananaba e. Baka hindi na magkasya yung susuotin ko sa graduation. Ipapadala pa naman 'yon ni Tita galing Paris," reklamo ni Alexi.

"Haha, fatty! Mag-tubig ka nalang at langhapin ang amoy ng niluluto namin," tukso ni Kyra. Sa wakas ay may naipang-bara rin siya. Kanina pa siya kinakawawa nitong kaibigan niya.

"At least hindi weak, payatot!" Ipinuyod ni Alexi ang kanyang hanggang balikat na buhok habang naglalakad.

"Guys, tigil na. Nandito na tayo. Wait lang tayo kasi may pila." Kumuha si Savanah ng number nila.

"Sana mabilis lang," bulong ni Solan habang tinitignan ang number nila—pang anim pa sila.

"Maiba nga muna tayo, Solan. Ano ba ang rason kung bakit ka biglang nag-sign up?" tanong ni Alexi.

"Oo nga, akala namin phase lang 'to. Mahilig ka kasing magka-interest sa new hobby and then biglang mawawala after one month. Pero mukhang seryoso ka this time? Ano ba ang meron?" tanong ni Kyra.

"Sasabihin ko sa inyo pero hwag ninyo akong pagtatawanan," seryosong sabi ni Solan sa mga kaibigan.

Biglang sumeryoso ang tatlo habang nakatingin sa kanya.

"Palagi ko kasing nakikita sa mga panaginip ko na..."

"Na ano?"

"Na parating na raw ang mga aliens para sakupin tayo."

Limang segundong katahimikan ang dumaan bago tumawa ang tatlo. Tanging si Savanah lang ang nagtangka na magpigil ng tawa.

"PFFT! What the heck, Solandis? Akala ko may iniiwasan kang creepy stalker kaya ka nag-sign up, but aliens?" natatawang sabi ni Kyra.

"You promised not to laugh," inis na sabi ni Solan sa mga kaibigan.

"I'm sorry pero kasi ang dami naming naisip na rason tapos aliens pala? Seryoso?" nakangiting tukso ni Alexi.

"Seryoso ako, ilang gabi ko nang napapanaginipan 'to."

"Ilang gabi na? Nasabi mo na ba 'to sa Mama mo?" nag-aalalang tanong ni Savanah.

"Hindi."

"At kailan naman darating ang mga aliens sa earth?" tanong ni Alexi.

"Sa graduation day natin."

"Baka naman stress lang 'yan dahil ayaw mo pang gumraduate?"

"Maniwala ka kay Kyra. Psychologist 'yan e," sabi ni Alexi.

"Ang mga panaginip may ibig sabihin 'yan na nire-represent ang reality natin. For example, kapag nakapanaginip ka na tumatakbo ka. In reality, meron kang gustong takasan o iwan."

"Iba 'to okay?" diin ni Solan. "Same dream every night."

"Napanaginipan ko rin si crush, three times na magkakasunod," pahayag ni Alexi.

"Oh my gosh, you hoe, si Kristoff ba 'yan?"

"Ano ka ba, hindi. Nag move-on na ako kay Kristoff kasi naging sila na nung malditang kinaiinisan ko. Iba 'to, si Micah ng class C."

Bumuntong hininga si Solan. Suko na siya. Ang mahalaga ay napasama niya ang mga ito sa self-defense class. Siguro naman ay makakatulong iyon sa pagdating ng araw?

Humawak sa balikat niya si Savanah. "It's okay. Magkakasama parin naman tayo kahit na gumraduate na tayo. Walang iwanan."

"Tama! Walang iwanan!"

"Forever besties!"


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
They Came from the SkyWhere stories live. Discover now