"Ikaw kasi..." asar ko. Ngunit ngumisi lang siya.

Napailing ako. Hindi mapuknit-puknit ang kanyang mga ngiti sa labi.

Tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili ko papasok sa loob ng apartment. Pasipol-sipol din siya na parang timang.

This is the first time that I've seen this side of him. Maliban sa may pagka-corny siya, mababaw rin pala ang kaligayahan niya. Hindi iyong inaasahan kong kasingmahal ng estado niya sa buhay.

Sana... Sana hindi siya magbago.

"We should cook often," aniya habang paisa-isang inilalabas sa grocery bag ang pinamili ko.

"We?"

He glanced at me, "Yes, because from now on, dito na ako mag-aalmusal para may kasabay ka."

Umarko ang kilay ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, 'no. Dapat doon ka sa parents mo sumabay. Sila ang pamilya mo."

"But you're my girlfriend."

"Exactly. Girlfriend mo lang ako, hindi asawa. Dapat mas unahin mo pa rin iyong makasama ang pamilya mo."

"Maiintindihan nila. Besides, mas kailangan mo ako dahil mag-isa ka lang rito."

"Sus, sanay na akong mag-isa, 'no. 'Tsaka sinusundo mo naman ako lagi, e."

"Not because you're used to being alone, you no longer need someone to be with you. Mas masarap kumain nang may kasama lalo na kung ang kasabay mo'y isang Sid Dela Vega," he winked.

"Infairness, may pagka-conceited ka rin," I snorted.

"May ipagmamayabang naman," aniya.

Napangiwi ako. I realized masyado siyang madaldal kapag ako ang kanyang kasama. He's so different from what he shows in front of other people. Napaka-reserved niyang tao at madalang mong marinig na magsalita kaya't nakakatuwang marinig ang ganito side ng pagkatao niya.

...

"TEKA nga, bakit parang naghalikan ang buwan at araw sa liwanag ng mukha mo? Magkuwento ka nga, Besh."

Pagkakita namin ni Marga sa eskuwelahan ay iyon agad ang ibinungad niya sa 'kin.

"Hindi ka ba nasanay sa kagandahan ko sa tuwing nasisilayan mo? Natural na 'yan sa 'kin."

"Ay! Ibaaa! Kailan ka pa natutong magbuhat ng sariling bangko? That's not so you. Ikaw ba talaga ang bestfriend ko o nagpapanggap ka lang? Sabihin mo!"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog. Pinanlisikan ko siya.

"Ako nga ito, ano ka ba? Tigilan mo nga 'yan!"

"Hindi! Hindi ikaw 'yan! Ibalik mo ang bestfriend ko, ibalik mo!" histerikal niya.

Wala akong nagawa kundi bumuwelo ng kamehame wave at buong lakas siyang binatukan.

"Aray!"

"Ayan, natauhan ka rin. Kung makayugyog ka naman akala mo sa 'kin sinapian."

"Ay, hindi ba? Tanakreshna ka, Besh! Huwag ka kasing bumanat ng gano'n. Hindi bagay sa 'yo, para kang prinsesang may sungay."

"Whatever!" Umirap ako.

Nandito kami sa mini-forest para mag-antay ng first period na klase. Actually, alas diyes pa iyon at isang oras pa kaming maghihitay dahil alas nueve pa lang. Maaga kasi akong sinundo ni Sid sa apartment kanina dahil alas otso ang pasok niya. Ayaw naman niyang hindi ako maihatid kaya't napaaga rin tuloy ang pagpasok ko.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon