CHAPTER 9 - Sweet Revenge

Começar do início
                                    

“Oo sige. Pero ikaw ang mas dapat mag-ingat, Sigrid.” Sabi ni Lolo. “Huwag kang masiyadong magpagod at baka mabinat ka, Apo.” dagdag paalala ni Lolo Gaudencio.

“Yes, Grandpa.” Natawa na naman ako sa kaibigan ko. Hays! Ang saya ng pamilya nila sa kabila ng medyo mahirap na pamumuhay na mayroon sila.

“Teka. Naibigay ko na ba sa’yo ang baon mo?” Tanong ni Lola Maurita.

“Opo, Lola. Salamat po.”

“Walang anuman, Apo. Huwag kang magpapaulan. Sige na, lakad na. Alanis, mag-ingat kayo, Apo.” Bilin ni Lola sa aming dalawa.

“Opo.” sabay naming sabi ni Sigrid.

Binuksan ko ang pintuan ng backseat at nauna na rin akong sumakay kasunod si Sigrid na kinawayan pa ang kaniyang grandparents.

“Let’s go, Kuya Allan.” sabi ko sa driver ko. “Sig, mula ngayon, Ako na ang magsusundo sa‘yo every morning tapos si Madison naman ang maghahatid sa‘yo ‘pag uwian.” Sabi ko.

“Alanis, alam ko naman na concern ka sa‘kin pero hindi mo naman kasi kailangang gawin ‘to. Kayo ni Madi. Hindi niyo ako kailangang ihatid-sundo.” kontra na naman ng maganda kong kaibigan. “Nilagnat lang ako dahil naulanan—

“At naulanan ka dahil hindi ka nakauwi kaagad. Hindi ka nakauwi kaagad dahil nasira ang service mong bisikleta at wala kang pinamasahe pauwi.” Sabi ko. “Kaya imbes na mamasahe ka pa, hayaan mo nalang kami ni Madison na ihatid-sundo ka. Para hindi na rin isipin nina Lolo Gaudencio at Lola Maurita ang fare mo sa jeep sa bawat pasok at uwi mo.” Paliwanag ko para naman makapag-isip siya at hindi na ako kontrahin pa.

“Hmm. Okay na. Sige na. Pumapayag na ako.” aniya na ikinangiti ko. “Kuya, Pakibilisan nga po para maabutan ko ‘yung shokoy sa school namin.” Baling niya sa driver. “Kailangan kasi niya ng sample e.” she added.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora