Chapter 25: Love Shot

Começar do início
                                    

"Ayan ahhh... tinupad ko yung pangako ko sayo. Hindi ako umiiyak ngayon dahil yun ang gusto mo. Sabi mo di ba kapag umiyak ako hindi ka matatahimik sa kabilang buhay. So ayan hindi ako umiiyak at hindi ako iiyak para sa katahimikan mo" huminga ako nang malalim. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil alam kong ilang sandali lang ay babagsak na ang mga luha ko na hindi dapat mangyari. Habang pinipigilan ko ang pag-iyak ay bigla na lang may yumakap sa aking likuran.

"Let it out Eisen!" sabi ni Catherine habang nakasandal ang kaniyang pisngi sa aking likuran at umiiyak. Hinati ko ang mga bulaklak na ibinigay sa akin ni Lance. Dalawang kamay ko na ang may hawak ng mga bulaklak ngayon.

"Ang daya mo" sabi ko sabay bato ng mga bulaklak mula sa kaliwang kamay ko. Napalakas ang bato ko kaya rinig na rinig mo ang paghampas ng mga bulaklak sa ibabaw ng kaniyang kabaong. Ibabato ko pa sana yung nasa kanang kamay ko pero napigilan ako ni Lance. Napigilan niya ang kamay ko sa pagbato pero hindi ko nagawang pigilan ang luha na kanina ko pa gustong ilabas.

"Napakadaya mo! Nangako ka sa akin na magsasama tayo hanggang sa pagtanda. Nangako ka sa akin na bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Ako ang magiging mommy at ikaw ang magiging daddy. Naaalala mo ba nang sabihin mo sa akin na magkakaroon tayo ng maraming anak kahit na hindi ako mabubuntis? At sabi mo pa na mananatili ako sa bahay para pagsilbihan ka at ang mga anak natin. Gusto mo pang gabayan ko sila at palakihin ng maayos. Gusto mong nasa bahay lang ako dahil ayaw mong may tumingin sa aking iba dahil natatakot kang may makita akong mas hihigit pa sayo. Pero di ba sinabi ko sayo nang paulit-ulit na maraming taong hihigit sa kagwapuhan mo, sa talino mo, sa kayamanan mo pero walang taong hihigit pa sayo dito sa puso ko dahil ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay" tumigil ako para punasan ang mga luha na tila gripong ayaw tumigil sa pagpatak.

"Nangako ka sa akin na papakasalan mo ko. Nangako ka sa akin na magsasama tayo. Nangako ka na magiging masaya ako kapag ikaw ang pinili ko. Pero para saan ang mga pangako na yun kung wala ka na?" tuluyan nang bumigay ang aking mga tuhod at napaluhod na ako habang umiiyak.

"Jethroooooooo" pinikit ko ang aking mga mata habang nagsusumamo na sana hindi na lang siya namatay, na sana hindi siya nadamay sa kamalasan ko.

-THE END-













CHAROOOOOT!!!!!!!






"Eisen!" pagtawag sa akin ni Terence habang inuuga ang kanang balikat. Hindi ko siya pinapansin at nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang ako ay lumuluha.

"Eisen!" muli niyang pagtawag at sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang pagkakauga niya sa akin.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa ibabaw ng kama. Tumingin ako sa paligid, ilang segundo bago ko napagtanto na nasa ospital pala ako. Nang lumingon ako sa aking kanan ay nakita ko si Terence na nakatayo sa tabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa at pangamba. Wala akong pakialam kung papano ako napunta dito at kung ano ang mga nangyari kanina dahil ang gusto kong malaman ay.

"Nasan si Jethro? Ligtas ba siya ha?" tanong ko kay Terence at mukhang wala pa siya sa sarili niya.

"Kamusta na baa ng lagay mo? Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?" tanong niya at mabilis akong napailing na nagdulot ng munting pagkahilo sa akin.

"Sagutin mo ang tanong ko! Nasan si Jethro?" hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko dahil natatatakot ako na magkatotoo ang panaginip ko.

"Ligtas si Jethro pero may mga tinamo siyang injury kaya nagpapahinga pa rin siya hanggang ngayon" sabi niya at tinitigan ko lang siya para sabihin ang detalye.

Can't live without you (BL)Onde histórias criam vida. Descubra agora