Chapter 36: Demonic Band: The Past

Start from the beginning
                                    

Napasapo na lang ako sa noo ko kasi feeling ko naramdaman ko ang ulo kong umalog ng madaming beses. Di ko pa nababasa itong mga ito pero nasakit na ang ulo ko.

Hindi ko pa man din hilig magbasa. Kaya pala sa library kami pumunta! Lintek na o!

...

Natapos ko naman ng dalawang linggo lahat ng pinasagutan sakin, dahil alam ko naman ang iba doon at pinagaralan ko na lang yung iba pa, yung mga hindi ko talaga maintindihan ay nagpapaturo na lang ako either kay Dad o kay Kuya Adam. Dahil sabi ni kuya Blaze ay BUSY siya.

"Excellent. Our next gig is tomorrow so practice now." tumango na lang ako pagkatapos niyang chekan lahat ng sinagutan ko. Kukuhanin ko na ang gitara ko para matapos na ang practice ko.

Kakapasa ko nga lang nung pinasagutan niya eh so pagod pa ako! Lalo na ang utak ko. Kaso hindi na ako nagreklamo dahil alam kong papagalitan nanaman ako niyan in English pa. Edi lalo lang nakakasakit ng ulo.

Pumikit ako para damhin pa lalo ang musika ng aking gitara at napapangiti na lang ako dahil ako lang naman ang bagong myembro ng Demonic Band! AKO! AKO At wala ng iba..

AKO na gwapo, AKO na cute, AKO na star player, AKO na Bass sa Demonic Band (ang pinakasikat na grupo sa school namin), AKO na matalino, AKO na... Na.. Nakakatuwa! TAMA! AKO na talaga!

Napatawa ako ng konti. Konti lang naman.

"Tell me if you can play or not. I can replace you in just a minute.."

"Tae! Andyan ka pa pala KuyaMasterIdol! Wag ka namang nangugulat. Kaw naman o, alam mo bang expert to?" pagmamayabang ko habang tumutugtog ng kung anong maisip ko kahit na nanghuhula lang talaga ako ng nota.

"Expert huh? Practice more, you can't fool my ears." umalis na siya pagkasabi nun.

Ang galing talaga ng KuyaMasterIdol ko. Alam agad niya na nanghuhula lang ako ng nota. Kaya nga Idol na Idol ko yan eh! Minsan nga eh ginagaya ko siya, nakaGlasses din ako at panay ang ingles ko pero di ko kinaya ang ingles kaya half tagalog ang ginawa ko, ayun nasapok ako ng wala sa oras todo ngawa pa ako nun eh ang sakit kaya! T.T

...

Naging successful naman ang gig namin at syempre may pakilala portion ako AT dahil dun lalong sumikat ang banda namin. Joke! Saglit lang ako pinakilala. Ang sama ng kuya ko nuh? -.-

Dahil wala naman akong ibang iintindihin ay binalak ko munang papuntahin dito si Kyle dahil wala akong makausap.

To: Kyle (Drummer na panget)

Hey drummer guy. Punta ka rito nabobored ako.

Ilang minuto lang ay nagvibrate ang phone ko. Tinatamad akong kunin kaya pinabayaan ko lang magvibrate magisa dun si Kyle lang naman yan. Makikita ko lang naman dyan dalawang letra. (OK)

Kami lang kaya ang tropa tropa sa grupo. Si kuya Blaze snob, di man lang makausap oras, sarili at grupo niya lang ang iniintindi.Si kuya Adam babaero, di man lang makausap babae laging iniintindi.

Buti pa si Kyle nakakausap ko, kasi hindi talaga ako nakakatiis na hindi dumaldal ng isang araw. Seryoso ako. Walang halong biro praaamis!

Bumaba na ako at dun ko na lang siya hihintayin. Baka magpaturo na lang ako ng drums. Gusto ko rin kasi yon eh, baka makachamba ako at pagpalitin kami ng posisyon. Feeling ko kasi ang cool pagNagdadrums ka kesa sa Bass, supporter lang ng Lead.

"Hello Mom! Maayos lang po ba kayo?" ngiting ngiti ako. Ganito ang bilin ni Dad samin kasi daw baka maBadmood daw si Mom at makunan ang Prinsesa namin.

My POSSESIVE BROTHERS..Where stories live. Discover now