Short Story: "Alamat ng Lapis"

Start from the beginning
                                    

Hiniram ito ng kanyang ina at pinag masdan at napangiti. "Ang ganda naman nito anak! Nakakatuwa. Kayo ba ito ng iyong kapatid? Ikaw din ang gumawa nito?" Tanong ng ina.

"Opo inay!" Masayang sagot ng batang babae. Hindi naiwasang mapatigil ang kapatid sa sinusulat.

'Mas kapansin pansin nga naman ang larawan kesa sa mga salita. Kaya niya siguro yun ginawa. Pero sana man lang alam nila ang katotohanan.'

Ipinakita pa ng kanilang Ina ang iba pang mga guhit sa asawa at mga kapitbahay. Hindi na maiwasan ng kapatid na sumama ang loob nito. Hindi niya pinansin ang kapatid at nag sarili na lamang sa kanilang kuwarto.

Pero isang araw sa kanilang eskwelahan, nakita ni Lapislara sa kanilang bulletin board na mag kakaroon ng kompetisyon para sa mga mahilig gumuhit. Naisip niya na maaari niya na kunin ito bilang oportunidad. Maya maya lamang, nakita na din ito ni Prañela at alam na niya ang kaniyang ipapasa. Sumali ang mag kapatid dito. Nabanggit na may tatlong guhit na mapipili, at ito ay ipapakilala sa buong eskwelahan bilang inspirasyon sa iba o modelo.

Nakita ng isang guro si Lapislara. Dahil ang gurong ito ay isa sa mga nag handa at nag ayos ng kompetisyon, sa kanya na pinasa ni Lapislara ang gawa. Pero mas naunang nag pasa si Prañela, dahil gawa na ito noon pa, nakapagpasa ito agad. Ito din ang guhit na unang nakita ng kaniyang ina na nagustuhan nito.

Nung pumipili na ang mga hurado ng mga mananalo, manghang mangha sila sa mga gawa ng mga estudyante. Pero meron silang napansing kakaiba sa dalawang nag pasa.

Ang gawa ni Lapislara at Prañela.

Ang pinasa ni Prañela ay ang dalawang batang babae na may kanya kanyang kandong na papel, abala sila sa pag guhit at pag sulat. Habang sila ay nakaupo sa ilalim ng isang mayabong na puno sa kagubatan. Halatang masaya sila na mag kasama at sa kanilang ginagawa. Kahit walang ibang kulay na ginamit maliban sa itim na uling sa guhit, ang mga detalye ng guhit ay buhay na buhay.

Ang pinasa naman ni Lapislara ay isang batang babae na malungkot na nakaupo mag isa sa isang mayabong na puno habang kandong ang papel, ito ay naka tingin sa bakanting katabing puwesto nito. Tila nangungulila sa dating nakaupo sa puwestong iyon. Ginamit naman ng gumuhit ang itim na kulay para mas manaig ang kalungkutan ng batang babae.

Napansin ng isang eksperto sa pag guhit ang mga pag kakatulad ng dalawang gawa. "Parang iisa lamang ang gumuhit nito ah." Komento ng eksperto.

"Pero pinasa ito ng mag kaibang bata. Ang isa ay sikat na ang gawa niya sa kanilang tinitirhan. Ang isa naman ay ngayon lang ginawa." Sabi ng isang guro.

"Pero kung titignan mo ang detalye ng pag kakagawa ng mga batang babae sa dalawang guhit, halos mag kapareho. Ito ay maaaring ginaya lamang o iisa lamang ang gumawa." Obserba ng isang hurado.

"Bakit parang iisa lang ang konsepto ng dalawang guhit, pero may isang detalye lamang na naiba? Kung ginaya nga lamang ito, dapat iniba ng mang gagaya ang gawa ng isa, para hindi natin isipin na iisa lamang ang gumawa."

"Ibig sabihin, isa nga lang ang gumawa ng dalawang guhit, subalit ninakaw ang isa, pinasa at inangkin na siya ang gumawa. Mag kaano-ano ba ang dalawang bata?" Tanong ng isang hurado sa guro.

"Estudyante ko pareho yan. Magkapatid sila. Ang isa ay mahilig gumuhit at ang isa naman mahilig mag sulat." Tumango tango ang hurado sa sinabi ng guro, habang pinag mamasdan ang dalawang gawa.

"Alam ng orihinal na gumawa na ninakawan siya at alam niya na ito ang ipapasa niya. Kaya may mensahe ang isa pang gawa."

"Iniwan siya ng kapatid, dahil itinakwil siya ito."

Just WriteWhere stories live. Discover now