Poem: "Ang Tunay na Kalayaan"

448 5 0
                                    


Kalayaang ating natatamasa ngayon dahil kay Hesu Kristo,

Siya'y namatay upang tayo'y iligtas mula sa ating mga kasalanan.

Kalayaang ating nararanasan ngayon dahil sa ating mga bayaning Pilipino,

Dugo't pawis ang kanilang pinuhunan upang iligtas ang inang bayan.

Subalit... paano naman natin ito sinusuklian?

Tama bang gamitin ang kalayaan upang ang kapuwa mo'y iyong huhusgahan?

Tama bang gumawa ng kasalanan upang punan ang sariling pangangailangan?

Tama bang ika'y malayang nag pa-alipin sa ibang bagay na walang katuturan?

Utang na loob, hindi kaba nahihiya sa Ama nating nasa itaas?

Kung ika'y biktima ng panghuhusga ng iba, kapatid, huwag kang tumungo at magtago.

Huwag mong hayaang apak-apakan ka nila. Patunayan mong mali sila at lumaban ka!

Kung isa ka sa mga taong natukso sa mga maling pangako ng kalayaan,

Iyong tatandaan na ang tunay na makakapag-palaya sa iyo ay ang saril lamang.

At iyong alalahanin na ang tunay na kalayaan ay dapat may respeto at pag-galang.

Just WriteWhere stories live. Discover now