Poem: "Pluma"

88 1 0
                                    

Balangkas na walang kasiguraduhan,

patuloy na hinahabi kung ano ang nasimulan.

Sa pagwakas ng kabanatang ito,

maraming tanong sa isip ay gugulo.


Sa pagbuklat ng panibagong pahina,

blangkong papel ang bubungad.

Unti-unting nangangamba.

Bagkus, patuloy na naghahangad.


Umaasa na mapuno ang blangkong puti

ng tintang itim na bubuo sa mga talatang kasing kulay ng bahaghari.

At hawak ko ang pluma na magmimistulang intrumento

para mailarawan ang mga magiging pangyayari sa kwentong ito.


Tunay ngang ako ang pipili ng tatahakin kong daan.

Subalit batid kong Diyos pa rin ang magdidikta ng aking kapalaran.

Ano man ang magiging daloy nito,

sisiguraduhin na tatapusin ang bawat kabanata hanggang dulo.

Just WriteWhere stories live. Discover now