Chapter 24: Hope Not

Start from the beginning
                                    




Eisen's POV


Alam kong hindi bumenta kay Jethro ang kunwaring pagpapakasal namin ni Terence. Mas mabuti na yun at tinigilan niya ako. Hindi ko alam kung anong tagpo ang mangyayari sa amin kanina sa banyo kung hindi dumating si Terence. Nawawala ako sa focus sa tuwing naaalala ko yung tagpong yun. Grabeng init ang nararamdaman ko sa aking katawan sa tuwing maalala ko ang nangyari sa amin kanina. Kailangan kong inuman ng isang banig ng Dianne pills to para mawala ang kalibugan sa aking katawan. Ay wait hindi nga pala ako pwedeng uminom nun. Malakas maka-mood swing yun, baka hindi ko macontrol ang attitude ko sa harap ng ibang tao.

Inatasan ko ang aking sekretarya na si Preila na huwag munang magpapasok ng kahit sino sa opisina ko. Kahit si Celestine na CEO ng kompanya ay hindi ko muna kinausap at nagparesched na lang ng meeting sa kaniya dahil wala akong time sa mga kagagahan niya ngayon. Magaling itong secretary ko dahil hindi siya basta-basta nasisindak sa ibang tao. Ang totoong pangalan niya ay Precious Aila pero mas gusto niyang tawaging Preila dahil nababaduyan daw siya pagbuo ang itatawag sa kaniya. Ewan ko ba sa kaniya bat di niya sisihin ang nanay niya na nagluwal sa kaniya.

Kung wala akong masyadong pinapagawa sa kaniya ay pinag-iistay ko na lang siya sa loob ng office. Kaya kanina ay wala siya sa tabi ko dahil alam ko naman na ang dapat gawin dahil pinagdaanan ko rin ang pagiging secretary ng isang malaking tao sa kompanya. Yung mga hinire kong guards ay nasa paligid lang pero hindi nakabuntot sa akin. Ayoko kasing maraming nakasunod sa akin. Pakiramdam ko para kaming Zombie Tsunami na padami nang padami sa tuwing palayo nang palayo ang nilalakad ko. Kaya inutusan ko silang wag masyadong naglalalapit sa akin hanggang hindi ko sila kinakailangan. Wala akong masyadong gagawin ngayon kundi ang magreview ng mga reports at pirmahan ang ilang documents. Wala naman talaga akong balak na iangat ang kompanyang to dahil kasama lang ito sa aking mga plano.

Matapos ang maghapong pagpapanggap na busy ay tinawagan ko kaagad ang aking sundo. Gaya ng aking utos ay walang nakasunod sa akin hanggang sa makababa ako ng elevator. Meron akong atleast 20 security guards na nagsisiguro ng safety ko. Hindi kasama ang mga gwardiya na meron ang kompanya. Pero meron akong dalawang natatanging personal body guards. Si Hanni and Ringo, halos 3 years na silang nagsisilbi sa akin. Simula kasi nang mamatay si lola ay bukod sa kaniyang kayamanan ay napamana niya rin sa akin ang kaniyang mga kaaway. Ilang death threats ang nareceive ko pero lahat ng iyon ay nalampasan ko dahil sa dalawang to.

Nang makapasok sa sasakayan ay kaagad akong nakipag-usap sa isang importanteng client gamit ang laptop ko. Tatlong tao lang kami sa loob ng sasakyan habang ang ibang guards ay nakabuntot di kalayuan sa aming likuran. Si Ringo ay matipunong lalaki na bagay sa kaniyang tangkad. Gwapo siya oo dahil hindi ako naghahire ng chaka na guard. Sobrang tipid niyang magsalita at napakamisteryosong lalaki. Siya ang nagsisilbing driver ko kapag nasa byahe kami. Si Hanni naman ay morenang babae na may magandang pangangatawan. Hindi ko alam kung bakit niya pinili ang ganitong trabaho dahil maihahanay mo siya sa ganda ni Tyra Banks. Pero syempre hindi ako nagpapalamang sa kaniya. Madalas siyang nakaupo sa tabi ko para may Barbie akong katabi. Este para masiguro ang kaligtasan ko.

Habang tumatagal ang pag-uusap namin ng aking kliyente ay may mga pagkakataong hindi ko maintindihan ang kaniyang mga sinasabi. Dahil siguro sa connection kaya napuputol ang kaniyang mga sinasabi. Limang taon na ang nakaraan bat bulok pa rin ang internet sa pinas? May mga sinabi ang kliyente na hindi ko naintindihan kulang na lang mag sign language kaming dalawa hanggang sa ngumiti siya nang makahulugan. Kinabahan ako baka mamaya maglabas siya ng kaniyang ari dahil baka akala niya nakikipaglandian na ako sa kanya hanggang sa.

"Get down!" sabi ni Hanni. Siya na mismo ang nagpadapa sa akin at narinig ko na lang ang putok ng mga baril. Hindi ko masyadong makita ang mga nangyayari basta ang alam ko ay napapalibutan kami ng mga armadong tao na nagpapaulan ng bala sa aking sasakyan habang ito ay tumatakbo.

"Ringo!" sigaw ni Hanni at nakuha ni Ringo ang ibig niyang sabihin. Na unlock ang mga pinto at biglang sinipa ni Hanni ang pinto na nasa gilid ko. Nakita ko na lang na tumumba ang isang nakamotor bumabaril sa aming sasakyan.

May tatlo pang nakapalibot sa aming sasakyan. Nanatili akong nakadapa sa upuan habang ang pinto sa harapan ko ay bukas habang tumatakbo ang sasakyan. Sa mga nakalipas na taon ay nakasanayan ko na ang ganitong pangyayari sa dinamirami ng kaaway ni lola ay para bang nasa routine ko na ang ganitong eksena. Hindi magawang bagalan ni Ringo ang takbo ng sasakyan dahil maaaring mahabol kami ng iba pang nais pumatay sa akin. Ang iba kung guards ay pilit na humahabol sa aming likuran. Patuloy na nakikipagbarilan si Hanni sa dalawang nakamotor. Naupo ako para isuot nang maayos ang seat belt dahil baka tumilapon na lang ako bigla. Sa mabilis na pagliko ni Ringo ay nagawang masara ng pinto sa tabi ko. Pinanatili kong nakababa ang aking ulo para hindi ako tamaan ng ligaw na bala. Ang isa sa mga nakamotor ay si Ringo ang puntirya pero nagawa niyang patumbahin ang nakamotor gamit ang isang bala sa ulo. Nagawa namang patumbahin ni Hanni ang natitirang dalawang armadong lalaki.

Nang masiguro na safe na ang paligid ay hininto ni Ringo ang kotse sa tabi. Isang beses ko pa lang nagagamit ang kotse na to pero mukhang pwede mo na siyang ipakilo sa junk shop dahil sa damage na tinamo nito. Kinamusta kaagad ni Hannia ang kalagayan ko. Wala naman akong natamong sugat o galos medyo nagulo lang ang bangs na iniingatan ko. Ang pinagtataka ko lang ay itong si Hanni nakipagbarilan na lahat lahat ang fresh pa din. Need ko na talagang i-combo ang collagen, gluta at dianne para hindi ako malamangan. Tinawagan ko si Tristan para sunduin ako sa location namin. Hindi ako pwedeng pumunta ng venue na ganito ang sasakyan ko baka mag freak-out lahat ng mga taong makakita sa sasakyan ko. Wala pang isang minuto nang may dumating na nakamotor at kaagad siyang tinutukan ni Hanni at Ringo ng baril.

"Relax, kilala ko siya" sabi ko at nagsenyas na ibaba ang baril nila.

"Sabi ko na nga ba at mamimiss mo din ako" sabi ni Tristan matapos niyang hubarin ang kaniyang helmet.

"Shut up! Ihatid mo na lang ako sa venue!" sabi ko at naglakad papalapit sa kaniya.

"Yes, My Lady" tugon niya at inirapan ko lang siya. Inabot niya sa akin ang isa pang helmet na meron siya at sinuot ito bago umangkas sa likod niya.

Bago kami makaalis ay sinabihan ko si Ringo at Hanni na magpalit ng sasakyan bago sumunod sa venue. Yumakap ako kay Tristan at kaagad niyang pinatakbo nang mabilis ang motor. Kung matatanong niyo kung bakit hindi ko na lang ginamit ang sasakyan ng kasunod naming guards. Yun ay dahil dadaan kamo ng Edsa. Rush-hour kaya traffic na, dahil sa mga nangyari ay nalate na ako sa usapan namin ni Lance na magkikita kami sa isang resto. Kaya kinailangan ko ang tulong ni Tristan para maihatid niya ako dun. Hindi nagtatrabaho sa akin bilang guard si Tristan dahil nagtatrabaho siya bilang agent. Siya ang kumikilos at naghahandle ng mga dirty works para sa akin. Huwag kayong mag-alala dahil never akong nag-utos na may ipapatay na tao siya lang gumagawa ng pagbabanta at pagpigil sa mga kaaway ko. Pero minsan nauutusan ko siya sa mga bagay na ganito. Ang maging angkas driver ko.

Kaninang umaga ko binalita kay Lance na nakauwi na ako ng bansa. Good thing na hindi pa rin siya nagpapalit ng number. Gusto na nga niya kaagad akong puntahan kanina sa kompanya pero pinigilan ko siya dahil huling taon na niya sa pag-aaral ng Engineering kaya dapat wala siyang mamiss. Nagtataka lang ako kung bakit niya biglang binago ang location ng meeting place namin pero heto papunta pa rin ako para makipagkita sa kaniya. Nang marating namin ang restaurant ay kaagad akong bumaba sa motor ni Tristan. Sinauli ko ang helmet sa kaniya at nagpaalam. Hindi ako sigurado kong tama ang restaurant na sinabi ni Lance dahil walang tao sa loob. Maliban sa isang lalaking nasa cashier station. May nakalagay pang close na signage sa may pinto. Noong una ay nagdalawang isip pa akong pumasok pero ginawa rin naman nang makilala ko kung sino ang lalaking nasa cashier.

"Gunter?" sabi ko at bigla siyang ngumiti. Kasabay ng pangiti niya ang pagkamatay ng mga ilaw. Nagulat ako nang makarinig ng putukan kaya napayuko ako habang nakatakip ang mga kamay sa aking ulo. Paglingon ko ay maraming tao na ang nasa kaliwang bahagi ko at sabay sabay silang sumigaw.

"WELCOME BACK EISEN!" sigaw ng maraming tao at natulala ako dahil hindi ko inaasahang nandito silang lahat.

Si Lance na masayang binabandera ang banner na kung nakasulat ang WELCOME BACK EISEN. Masayang pumapalakpak sa tabi niya si Catherine. Napahawak ako sa bibig ko dahil di ko inaasahan na sasama siya. Katabi niya naman ay si James na may batang babaeng karga karga habang may babaeng nakayakap sa kaliwang braso niya. Don't tell me, nag-asawa na si James? Katabi naman ng babae ay si Alexandre na masayang nakaakap sa kaniya si Grace. Mukhang totoo na nga ang relasyon na nila at hindi na pang love team. Nasa kaliwa ni Grace ay si Josh na may kasamang lalaki. Magkaholding hands pa silang dalawa at mukhang balak pa akong inggitin. Kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking nakita ko na kasama niya sa Singapore. Masayang pumapalakpak si Jean na nasa tabi ng lalaking kasama ni Josh. Habang ang katabi niyang si Jules ay nakaakbay kay Andrei at masayang nag-iingay ng torotot na akala mo naman New Year. Nasa pinakagilid ay si Jethro na may hawak na cake. At sabay-sabay silang kumanta ng Happy Birthday.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko na namamalayan ang panahon. Wala akong kaalam-alam na birthday ko pala ngayon. At heto si Jethro, marahang naglalakad papalapit sa akin habang buhat-buhat ang cake na hinanda nila para sa akin. Hindi ko alam kung papano nila nalaman na pauwi ako ng pinas. May ispiya kaya sila sa akin? O kaya may nagtatraydor sa akin? Kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Jethro. Kanina pa pala sila nagsisigaw ng make your wish. Pumikit ako at humiling. Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit. CHAROT! Yung totoo ay humiling talaga ako na sana ay hindi pa huli ang lahat.

"Blow mo na yung candle tapos mamaya si Jethro naman ang ibo-blow mo!" sigaw ni Jules at nagtawanan sila. Napailing ako habang nakangiti, namiss ko ang mga siraulong to.

"Shut up Jules may bata!" sabi ni James habang tinatakpan ang tenga ng anak niya.

"Uyy good boy na ahh!" komento ni Josh. Mapag-aalaman kasing si James ang pinakaloko-loko sa magkakapatid kaya naninibago sila.

"Syempre Daddy na ako" sagot ni James at muli silang nagtawanan.

Tumingin ako kay Jethro at nanatili lang siyang nakangiti sa akin. Sobrang behave niya na nakakapanibago. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng hiya sa mga titig niya sa akin. Hinipan ko na kaagad yung candles para matigil na itong ilangan naming dalawa. Matapos kong hipan ang candles ay isa-isa silang lumapit sa akin para yakapin ako. At dun na nagsimula ang celebration. Ang dami naming napag-usapan lalo na sa mga nakalipas na taon. Isang malaking mesa ang nakahanda para magkasya kaming lahat. Magkakatabi ang may jowa at asawa. Naisipang matabi ni Catherine at Jean dahil hindi nakasama ang kanilang boyfriend at girlfriend. Totoo, may girlfriend na din si Jean. Samantalang si Jethro ay nakaupo sa tabi ko. Nanatili siyang tahimik, tatawa lang kapag may kalokohang hinihirit si Jules at Alexandre. Para siyang binata na nanliligaw sa akin na sobrang tahimik lang at pinagmamasdan ako.

Hindi ko napigilang maitanong kung papano sila nakompleto dito. Si Lance ang sumagot ng tanong ko. Nang malaman niya daw kasi kanina na nakauwi na ako ng bansa ay kaagad niyang kinontak ang magkakapatid para surprehin dahil alam niyang birthday ko raw ngayon. Si Jethro daw ang kumausap kay Catherine kaya siya nakaattend dito. Nakakataba lang ng puso na malaman na may mga taong gagawa ng paraan para lang makita ka kahit sa pinaka short-notice ay nakakapunta sila. Lumalalim ang usapan hanggang sa umabot ito sa usapang kasalan.

"Actually bumalik ako dito dahil nabalitaan kong ikakasal na si Jethro. And I thought na ikaw ang pakakasalan niya" sabi ni Catherine at mabilis siyang nag-peace sign. Ngumiti lang ako sa kaniya pero yung totoo ang awkward ng topic na to.

"Pero don't worry walang kasalang magaganap sa kanila. Not on my watch hun, sisirain ko ang wedding day nila kapag nagtangkang ituloy pa nila yun!" dugtong ni Catherine. Sumang-ayon ang karamihan sa kaniya habang nagpapalakpakan. Samatalang si Jethro naman ay umiiling habang tumatawa. Parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ng mga taong nakapalibot sa kaniya.

Tuloy-tuloy ang masasayang usapan. Hinihiling ko nga na sana huminto ang oras para magtagal ang pagsasama naming lahat. Yung wala kayong iintindihing iba kundi puro tawanan at masasayang kwentuhan lang ang pinag-uusapan. Maya-maya pa ay nakaramdam ako na may kamay na nakapatong sa aking hita. Nakita ko na nakapatong ang kamay ni Jethro sa aking hita pero hinayaan ko lang siya dahil baka kantyawan na naman kami kapag nagreact ako. Habang tumatagal ay gumagapang ang kaniyang kamay na tila may gustong abutin pero nahawakan ko ang kaniyang kamay bago niya magawa yun. Hinawakan niya rin ang aking kamay at binaba niya ang mga to sa aking binti. Ang akala ko ay balak niya akong hipuan yun pala gusto niya lang na pigilan ko siya para mahawakan niya ang aking kamay. Patuloy na nagkukwento si Alexandre ng mga nakakatawang experience niya bilang artista habang kami ni Jethro ay magkaholding hands ang aming mga kamay sa ilalim ng mesa. Sa tuwing lilingunin ko siya ay bakas ang saya sa kaniyang mga ngiti. At sa tuwing lilingon siya sa akin ay bigla akong umiiwas ng tingin.

Matapos ang masayang celebration ng birthday ko ay kaniya-kaniyang paaalam na ang bawat isa. Naiwan kami sila Lance at Gunter para maglinis. Nagpaiwan ako para tumulong sa pagliligpit. Namiss ko ring gawin ito dahil simula nang sumama ako kay lola ay hindi ko na nagagawa ang mga ganitong bagay. Pagmamay-ari daw ng Ate Fritz ni Gunter ang munting restaurant na to. Kaso hindi siya nakasama ngayon dahil may mahalaga syang aasikasuhin, tungkol daw sa expansion ng resto. Masaya akong makita na hindi nagpabaya sa pag-aaral si Lance. Mukhang naging mabuting impluewnsiya sa kaniya si Gunter. Nakakatuwa lang dahil ngayon ay nagkakaroon na ng laman kahit papano si Lance. Nakakatuwa lang at masaya silang dalawa sa kanilang relasyon.

Makalipas ang ilang minuto ay muling pumasok si Jethro sa resto. Ang akala namin ay may nakalimutan siya pero ayun sa kaniya ay hinatid niya lang sa condo si Catherine. Bumalik siya kaagad dito para makatulong. Kaya pala kanina ay hindi siya nagpaaalam sa akin yun pala ay may balak pa siyang bumalik. Nang matapos namin ang gawain ay bigla na lang tumawag sa akin si Terence.

"Hey, napatawag ka?" sabi ko nang masagot ang phone.

"Anong oras na bat di ka pa umuuwi? Nasan ka? Narinig ko na may umatake na naman sayo kanina. Asan ka susunduin kita ngayon?" sunod-sunod niyang sabi. Lumayo ako sa kanila dahil baka marinig nila ang usapan namin ni Terence. Naupo ako sa bakanteng upuan malapit sa may pinto ng resto bago sumagot.

"I'm fine. Wag kang OA. Nasa labas lang sina Hanni at Ringo. Hindi nila ako pababayaan. Uuwi din ako after 30 minutes. Okay?" sagot ko at muli kong tinanaw ang kinaroroonan nila Hanni at Ringo.

"Okay, take care" sabi niya at kaagad kong binaba ang tawag.

Inayos ko ang sarili bago magpaalam sa kanila. Bago pa man ako makasabi ng paalam ay bigla na lang naupo sa tabi ko si Jethro.

"Nasiyahan ka bas a surprise na ginawa ni Lance?" tanong niya sa akin.

"Oo and thank you din sa effort nyo" sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Para akong tanga at naiilang pa din hanggang ngayon sa mga titig niya.

"Care to share kung anong winish mo kanina?" tanong niya. Sobrang swabe niya magsalita na sobrang nakakapanibago sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa side niyang to.

"Syempre hindi pupwede. Baka hindi pa magkatotoo" tugon ko at mabilis na sulyap ang ginawa para makita ang reaksyon niya.

"Why not? Malay mo ako na mismo ang mag grant ng wish mo" hirit pa niya at umiling na lang ako habang nakangiti. Ilang sandali pa ay kinuha niya ang aking kamay ang akala ko ay makikipag holding hands siya sa akin pero bigla na lang siyang naglapag ng maliit naregalo sa ibabaw ng kamay ko.

"Ano to?" pabebe kong tanong kahit ang obvious naman na regalo yung binigay sakin.

"Buksan mo para malaman mo" masaya niyang sabi at kaagad ko naman itong binuksan. Isang maliit na music box ang laman nito. Ang cute niya kasi isa siyang maliit na piano na kulay blue at may maliit na bulaklak sa ibabaw. Kaagad kong pinihit ang switch para marinig ang music nito. Nagulat ako nang marinig ko ang music na tumutugtog. Instrumental ito ng Walk Slowly by Timmy Xu. OST ito ng Addicted Heroine na all-time favorite kong BL Drama. Habang tumutugtog ito ay parang gusto kong umiyak. Nagiging emotional ako sa tuwing naririnig ko ang music na to.

"Alam kong gustong gusto mo yang kanta na yan dahil favorite mong OST yan sa palabas na walang sawa mong pinapanood" sabi niya habang nakangiti sa akin. Tumingala ako para pigilang maluha. Hindi ko alam kung saan ako naiiyak, sa tugtog ba o sa effort na binigay sa akin ni Jethro.

"Thank you.... Excuse me" sabi ko at tumayo para pumunta sa banyo.

Bago ko masara ang pinto at napigilan ito ni Jethro at pumasok siya sa loob at siya na mismo ang nagsara. Pang isahang tao lang banyo ewan ko ba kung bakit sumunod siya sa akin. Maghihilamos sana ako para itago ang luha ko pero nagawa niya akong hatakin papalapit sa kaniya at niyakap ako. Naiyak na ako at yumakap na rin sa kaniya. Sobra akong nagpapasalamat sa araw na to dahil hinayaan ako ng diyos na buhay para makasama ko ang mga taong mahalaga sa akin sa araw ng aking kaarawan.

At nang ako ay tumigil sa pag-iyak ay tumingala ako para pagmasdan ang mukha ni Jethro. Bago pa man ako makapagsalita ay siniil na niya ako ng halik. Naging matindi ang halikan naming dalawa hanggang sa ipatong niya ako sa gilid ng lababo para mahalikan niya ako nang mabuti. Kinuha niya ang aking mga kamay at dinala ito sa kaniyang batok para kumapit. Halos mamaga ang aking labi sa tuwing kakagatin niya ito. Lumalim ang kaniyang paghalik hanggang sa naramadaman ko ang pagpasok ng kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Muli niya akong binuhat at naupo siya sa bowl na may cover. Naging mapusok ako sa aming halikan at ako na mismo ang humahalik sa kaniyang mukha papunta sa kaniyang leeg. Habang ako ay nakapatong sa kaniyang hita ay gumagapang naman ang aking kamay sa loob ng kaniyang tshirt. Pinasahadahan ko ng aking dila ang kaniyang adams apple at marahang kinagat ito. Hinubad niya ang kaniyang tshirt para malaya kong nahihimas ang kaniyang dibdib at abs. Nagpatuloy ang aming halikan hanggang sa humawak siya sa aking damit at gusto niya itong hubarin. Bigla akong natauhan na hindi ko pala dapat ginagawa to.

"I'm so sorry" sabi ko at nagmamadaling lumabas ng banyo.

"Eisen wait!" sabi ni Jethro. Hindi ko siya nilingon at nagmamadaling lumabas ng resto. Nang makita ako ni Ringo ay kaagad niyang nilapit ang sasakyan sa resto para makasakay ako. Bago pa man ako makapasok sa sasakyan ay lumapit sa akin si Jethro. Wala pa rin siyang suot na damit. Bago niya mahawakan ang aking kamay ay napigilan siya ni Hanni.

"Back-off!" sabi ni Hanni na pumagitna sa aming dalawa. Sinamantala ko ang pagkakataon para makapasok sa sasakyan. Nagpumilit pa rin si Jethro na makausap ako pero kailangan kong lumayo sa kaniya hanggang kaya ko pang pigilin ang sarili ko.

"It's okay Hanni, Let's go!" sabi ko.

"Honey?" nanlaki ang mata ni Jethro nang marinig niya yun. Ang akala niya ay honey ang tawag ko kay Hanni. Wala na akong time para magpaliwanag sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siyang isipin ang gusto niyang isipin.


KINABUKASAN~

Can't live without you (BL)Where stories live. Discover now