Chapter 4: Revelator [Trisha]

243 40 55
                                    

LAST TIME:

Nakuha nina Trisha Navarro at Tim Crespo ang first lead nila sa case ng Blackmail King: si Tyler Estrella, ang sophomore na inutusang pigilan sila.

Pero habang nagtatalo sila kung sinong pwedeng pagkatiwalaan, hinahanda na ng Blackmail King ang susunod niyang atake…

__________

Dedicated to HeartBubbles19, na silent voter ng Season 3! Thanks Richelle! Sana padaanan ninyo ang ongoing niyang A Game Called: I’ll Find You (Between Life and Death)!

__________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Detective Office / Saturday, 2:40 PM

They were getting better.

‘Di nila namalayan, pero mas maraming nalutas na cases sina Trisha at Tim these past few weeks kaysa noong huling buwan.

The Pedicab Stalker:Jason Marquez, Third Year. Suspetsa niyang may gusto ang driver ng isang pedicab sa syota niya. Sa huli, itinama siya ni Tim: si Jason pala ang crush ng driver. Solved.

Ang Payaso sa Bintana:May nagpapakitang clown sa bintana ng Grade 2 room, kahit nasa 2nd Floor sila’t walang akyatan sa labas. Takot pa ring i-reread ni Trisha ang case file nito. Solved.

The Allergy Assassin:Isa-isang inaatake ang Thaddeans ng allergies nila. Tinarget si Tim at ang GF niyang si Margie (celery at shrimp), pero natunton ni Trisha ang salarin. Solved.

The Test Paper Eater.Self-explanatory. Solved.

        Cheaters, thieves, liars: lahat ito, hinarap nilang dalawa. Solved, solved, solvedsolvedsolvedSOLVED

- Pero wala pa ring bakas ng Blackmail King.

“Andito na pala si Allergy Boy!  Dali, bumili ako ng celery sticks,” biro ni Trisha. “Ayan naaaaa….celeryyyy….”

Bumaba siya sa bike niya’t pumasok sa lumang shipping container office. Nag-sneer si Tim bago balikan ang evidence whiteboard.

Naroon pa rin ang Hidden Heart symbol at ang labels na ROSE-RED at BOY-BLUE: ang mga ex-students na gumawa ng Hidden Hearts, pati na rin ang label na BLACKMAIL KING, konektado sa Jomar / 4th Year, Framed, Alexa / Second Year, Victim, at Principal Delgado / Phone Stolen.

“Alam ko na yung sagot ni Rose-Red tungkol sa manananggal, yung galing sa Heart #785,” ani Tim. “Ito, o.”

Kinuha ni Trisha ang letter, at nag-umpisang magbasa:

“Dear Boy Blue: Sabi mo may one week ako para magdesisyon. Ito pa rin ang sagot ko: I’m doing this with you.”

“Sa palagay mo ba palalagpasin ko tong ‘manananggal’ na ‘to? Naalala mo yung Chihuahua sa Soldado Residence? Yung guard ng water park? Yung delivery boy ng Galleon’s?”

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now