Chapter 9: Silly-Talk (2 of 3)

227 24 53
                                    

LAST TIME:

Para matugis ang Blackmail King, aalamin ni Trisha Navarro kung may alam sa schoolyard criminal-slash-urban legend sina Rose-Red at Boy Blue: ang unang campus detectives ng school nila, at ang mga gumawa ng Hidden Hearts.

Their new lead? A place called Reverie Valley…

_____

(Note: Sorry for the LATE update! 'SIlly-Talk' is now the hardest arc I've had to write. It's not even a case arc. Urr. Anyway, hi to AyamiLu, ang Watty daughter ko at author ng publish-worthy na The Tears of Faith! Basahin niyo, as in!)

_____________________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

St. Jude of Galilee Campus Grounds/ 6:35 AM

Minsan, may temporary period matapos ma-ospital ng isang tao, kung saan ‘di mapigilang ibigay ng pamilya’t kaibigan ang mga gusto niya.

Ito’y para ‘di ma-stress ang pasyente: imbes, inaako ito ng mga nasa paligid niya, who will often find it hard to say the word no.

“Ate Trisha, turuan mo ako ng ginagawa ninyo,” sabi ni Alexa Sanchez.

“No,” sagot ni Trisha Navarro.

_

Fifteen Minutes Ago

Nakaupo si Trisha sa isa sa mga stone picnic benches sa campus, sa ilalim ng makulimlim at malamig na umaga.

Nagkalat rito ang draft ng book report niya; isang scientific calculator, nakapatong sa maliit na tambak ng graphing paper; at isang case notebook tungkol sa Blackmail King.

Sa isang sulok, may dalawang articles ng Thaddean Herald na nakaipit sa Student’s Diary niya: School Building Assessment Results Released, at Editorial: Mga Pasilidad para sa School Safety, Kailangang Repasuhin!

Ang huling bagay sa mesa ay ang Hidden Hearts: A Secret Courtship Within The School Halls, ang exhibit proposal nina Trisha at Tim para sa 75th Anniversary ng school. 

Humikab si Trisha, iniisip kung kanino mag-aalay para mabalanse ang caseload at homework niya ngayong linggo, nang marinig niya ang paghinto ng isang kotse sa direksyon ng campus main gate.

Kinse minutos pa dapat dadating yung sunod na school bus. Tumingin si Trisha sa relos niya, bago tumayo’t maglakad papuntang gate. So sino ‘to?

Isang makintab na pulang sedan ang naka-park sa lote katapat ng school…at nang makita ni Trisha ang bumaba mula rito, tumakbo siya palapit.

“Alexa! Alexa!”

Kumaway si Alexa Sanchez, ang sophomore na na-comatose matapos puntiryahin ng Blackmail King.

Wala na ang mahaba niyang buhok: pinalitan ito ng tagpi-tagping pixie cut, at isang noo na nakabalot sa benda, parang makapal na jogging headband.  

"Grabe, buti ayos ka na," ani Trisha, habang inoobserbahan ang itsura ng sophomore. "Kailan ka pa nakalabas ng ospital?"

“Na-discharge ako nung isang linggo, tapos pinag-bedrest ako sa bahay,” ani Alexa. “Si Ate Claire yung naghatid sa akin.”

Hidden HeartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora