[2] Primary Suspects

303 40 50
                                    

LAST TIME: 

 Para malutas ni Trisha Navarro ang lihim ng Hidden Hearts, humingi siya ng tulong kay Tim Crespo, ang best friend na nakaaway niya 4 years ago.

 Kahit nabali ang braso (sa utos ng ‘di kilalang salarin), pumayag si Tim, at nagkita uli ang dalawang amateur detectives para balikan ang nakaraan…

______________________

Note: Dedicated kay LyUNAcee (parang pun sa lunacy, ahihi), na pinaaliw ako sa comment niya sa Season 1, Chapter 2! Ikaw na humirit! Wooh!

 Check niyo yung story niyang Ang Diary ng Dalawang Tanga! Must-read yung Chapter 4: HB Pencil, kung saan biktima ang bida na si Aevri, hindi lang ng perils ng school love, pero ng pagkapa sa isang certain na bagay na hindi pencil. 

______________________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Detective Office /5:12 PM

Binuksan ni Trisha Navarro ang yero na pinto ng shipping container. “Hi, Tim.” sabi niya. “We’ve got a lot of catching up to do."

Pumasok siya sa loob, at sumunod si Tim.

Maliban sa mga kalawang sa mga pader at kisame, walang pinagbago ang loob ng office. Noong binuksan ito ni Trisha last week, para siyang bumalik ng Grade 2. 

Ito din marahil ang inisip ni Tim, dahil nakita ni Trisha na nanlaki ang mata nito. Dinikit niya ang kanang kamay – ang kamay na hindi naka arm sling – sa pader. “Grabe. 4 years, tapos nakatayo pa rin tong office? Paano nangyari iyon?”

Kinatok ni Trisha ang gilid ng isa sa tatlong butas ng office, na nagsisilbing bintana. 

Nagkibit-balikat lang siya. “Ewan.”

 

Humarap si Tim si kanya, at nakita ni Trisha sa ilalim ng arm sling ang makapal at puti na semento – marka ng isang orthopedic cast.

 “…Okay,” sabi ni Trisha. “Kunin mo yung folding chair dyan sa gilid, and, um, we’ll get started.”

Tinuro niya ang folding chair sa gilid, katabi ng isang card table, at iba’t ibang mga  office supplies. Nai-smuggle ito ni Trisha mula sa bodega ng Navarro Residence.

 

“Huh.” Umupo si Tim sa folding chair, at sumandal sa pader. “I’m fine, Trisha, by the way. My left arm feels great. Salamat sa pagtatanong,” sarkastikong dagdag niya, sabay turo sa braso niya.

Tumingin lang si Trisha. “Sigurado akong masyado nang maraming nagpapaalala sa iyo tungkol dyan sa braso mo - hindi ko na ginustong dumagdag pa.”

Trisha had meant well: It doesn’t matter if your arm’s broken, you can still be of help. Pero iba ang dating nito kay Tim: I don’t care if your arm’s broken. Shut up and help me.

“Kakaiba din yang concern mo, ano?” sagot ni Tim.

“Wait, sinong nag-sabi na ‘di ako concerned?” bato ni Trisha.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now