[4] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Briefing I]

264 40 30
                                    

LAST TIME: 

Nalaman ni Trisha Navarro na ide-demolish ang High School Building ng coldhearted na si Principal Delgado, para magpatayo ng bagong gusali.

Pero pag-kompronta ng partner niyang si Tim Crespo sa Principal, nalaman nilang dahil ‘di payag ang school administrator na si Sir Tony, ligtas pa rin ang paaralan nila.

Kaya’t habang may oras pa, pinatindi ni Trisha ang paghahanap sa mga Hidden Hearts - at sa mga gumawa nito, sina Rose Red and Boy-Blue…

(Note: Okay, mystery agad! Medyo mahirap itong chapter na 'to, pero nasa ending din yung answer. Good luck!)

________________________________

Big ups to Layamaria, author ng Daniel's Eyes at isa sa mga first Watty friends ko! Whee!

Anyway, promote ko lang dito ang finished ongoing niyang Adriel, na isa sa mga binabasa ko right now! Kung mahilig kayo sa nostalgic 90's pop culture mixed with well-written rural mystery, go to her profile and read Adriel now!

________________________________

TRISHA (GRADE SCHOOL)

Faculty Room/ Grade Three

“The monster is coming!” sabi ng babae.

Tumingin siya sa kaklase niyang si Trisha Navarro. “Narinig mo ako? Sabi ko, nandyan na si Miss Dhang!”

“Okay, relax lang, wag kang papahalata,” sabi ni Trisha.

 

Bigla siyang binangga ng isang padaan na kaklase. “Hoy, Boy Bulag! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!”  sigaw ni Trisha sa papalayong lalaki. “Sorry na! May itatapon lang,” sagot ni ‘Boy Bulag’, sabay hulog ng isang malaking crumpled paper ball sa malapit na wastebasket.

Pag-labas sa hallway ng lalaki, saktong lumakad papalapit ang teacher nilang si Miss Dhang. “Aha. Nahuli ko din kayong dalawa.”

“Anong ginagawa ninyo dito sa labas ng faculty room? You’re trying to break into the Confiscated Items Cabinet, aren’t you?”

 

Iyon nga ang pakay nila.

Kahapon ay kinumpiska ni Miss Dhang ang isang cellphone na ipinag-yayabang ng  Classmate. Mahal at bagong bili ito…at higit sa lahat, ‘di talaga ito property ng Classmate, kundi sa tatay niya.

Pero ‘di nito alam ang ginawa ng Classmate, kaya tinuon ng tatay ang galit niya sa akala niyang nagnakaw sa phone: ang Ate Rica ng Classmate.

Dahil dito, humingi ng tulong ang huli kay Trisha, at pumayag siya, para matulungan ang inosenteng si Ate Rica. Sinakto niya ang break-in niya sa Faculty Room sa birthday ng isang estudyanteng alam niyang mag-papakain sa classroom nito.

Kaya’t habang kumakain ng Yellow Cab sa Grade 6 classroom ang lahat ng guro sa Grade School Building, pumasok si Trisha sa Faculty Room, binuksan ang Confiscated Items Cabinet at binawi ang phone.

Pero sa gitna ng pagkain ng pizza, nag-hinala si Miss Dhang na baka subukang bawiin ng Classmate ang cellphone sa Faculty Room, kaya agad siyang bumalik. And that’s how we got here.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now