[5] Special Project (Trisha)

381 63 52
                                    

LAST TIME: 

Since Grade 2, sina Trisha Navarro at Timmy Crespo ay matalik na magkaibigan, at partners sa paghahanap ng Hidden Hearts - mga pusong nakatago sa iba't ibang parte ng paaralan nila. 

Pero matapos ang Grade 6, naghiwalay ng landas sina Trisha at Timmy, sa isang 'di pa nalalamang dahilan. Naging sikat na jock at Corps Commander ng CAT si Tim, at nagkaroon niya ng masayang high school life, sa tulong ng girlfriend niyang si Margie Espinoza. 

Trisha, on the other hand...

__________________

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Fourth Year Unity - Classroom/Wednesday

           

“Eto bente mo, o.” Sabay abot ni Jomar ng kamay.

         Hindi uso sa mga lalake ng Fourth Year – Unity ang mag thank you. May utang ka, abot, kuha, tago sa bulsa. End transaction.

           

Kinuha ni Trisha ang malambot na bente pesos (Ang fluffy ng pera na to, ha? Parang kinuskos lang sa labada ha) at itinago na sa harapan na zipper ng bag, sabay balik sa libro sa Hekasi.

           At least konti lang yung tsansang nakawan yung bag niya. Maliban sa hindi naman ganun katindi pumatol sa babae sina Tim, Kivo, Rom at Ziggy, may mas malaking target sa tabi ni Trisha: si Marlon, na laging hinihingiaan ng perang pang-kendi, pang-softdrink ,o pag talagang malas, pang-lunch.

Neutral ang tawag sa sitwasyon ni Trisha simula nung nag high-school siya. Walang pakialaman, ha? Uupo ako dito at magtawanan kayo diyan. Deal?

           Kaya lang, hindi naman maiiwasang magkaroon ng friction. There are two types of people, ika nga. Hindi pwedeng pagsama-samahin mo sila sa isang kuwarto, sabihin mong wag silang magtalo, at i-expect na susundin nila iyon.

The line is drawn, isip ni Trisha. It’s always been there, that line in the sand. Mahirap i-deny kung sino at ano ka. Pwede, I guess, pero sinong niloko mo?

Jocks and geniuses. Ziggy and Marlon, Nicola and me – there’s an invisible line between us. Between people like me...and people like –

“Hoy, Tim! Margie! Kayong dalawa, ang landi niyo talaga!” sigaw ni Nicola Calma.

           Lumingon si Trisha sa likod, para saktong makita sina Tim at Margie Espinoza na biglang lumayo sa isa't isa. Sa sobrang momentum ng paghiwalay nila, nag-growl yung upuan at napasobra yung layo.

           Body language, facial expression, pati yung hiyawan ng mga tao sa paligid nila: hindi kailangan ni Trisha na maging si Nancy Drew para malaman na muntik nang mahuling nag-PDA and Corps Commander at ang girlfriend nito.      

           

           Biglang nahirapang lumunok si Trisha at nawala ang pakiramdam niya sa mga kamay. Kung may nakatingin lang sa kanya nung mga oras na iyon, mapapansin nilang kahit nakikisali sa cheer si Trisha ay hindi nito matignan ng deretso ang mukha nina Tim at Margie.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now