Chapter 7: Case 5: Key to the Kingdom (Conclusion)

187 40 64
                                    

LAST TIME:

Alam na ni Trisha ang binayad ng Blackmail King sa mga schoolmates nilang inutusang isagawa ang pinlano niyang firecracker bombings.

Pero bago niya ito mabunyag, natuklasan nila ang susunod na mga targets: ang girlfriend at kapatid ni Tim Crespo…

(Dedicated to LyUNAcee! Check out her One Shot Stories, a group of interconnected romance stories! Nakakaliw yung Bluebook segment, pramis!)

_____

TRISHA (HIGH SCHOOL)

Living Room, Crespo Residence / 1:55 PM

Sa living room, naglakad ang four-year old sa paligid ng restaurant play set niya, hawak ang isang stuffed toy.

“I’m Missus Unicorn!” sigaw ni Mandy. “I heard there’s a bad guy in this place!”

“Noooo! I’m still eating my hamburger!” boses niya kay Mr. Octi. Nilapit niya ang tiny plastic hamburger sa bibig nito.

That was when she heard the back gate open.

Tumigil  si Mandy. Tumayo siya, nagsuot ng slippers at lumabas ng pinto, hawak si Missus Unicorn. Maaraw at mahangin sa labas: the perfect Sunday morning.

Sa bakuran, tinignan ni Mandy ang tauhan ng Blackmail King. Yumakap siya sa stuffed toy niya.

Nilabas ng lalaki ang M-100 firecracker sa bulsa niya.  “Wag ka nang tatakbo, ha?”

______

TIM (HIGH SCHOOL)

Espinoza Residence / 1:48 PM

“Sige! Takbo!” sigaw ni Tim sa papatakas na tauhan.

Pinunasan niya ang dumurugong labi niya. Tumingin siya sa kanang kamao niya, at nag-wince: nabalatan ang ring at middle knuckles nito, at  kita ang  laman sa ilalim.

Kahit sobrang sakit ng arm sling ni Tim sa pakikipag-suntukan, tinignan niya ang napuruhan niyang kalaban, paika-ikang lumalayo. Heh. Gotcha.

“I’ll get the icepack,” ani Margie Espinoza, sabay halik sa pisngi niya, ero nag-shake ang ulo ng lalaki.

“No…no, Margie, makinig ka,” sabi niya sa girlfriend niya. “I need to get home. They’re coming for Mandy.”

Nanlaki ang mata ni Margie: since Second Year, tinuring na niyang baby sister si Mandy, at mas protective pa siya rito kaysa sa kuya nito.

“Kukunin ko lang yung susi,” sabi niya, bago tumakbo papasok ng bahay. “Wait by the car,”  at walang nagawa si Tim kundi mag-stagger papunta sa garahe.  

At natakot siya para sa kapatid niya…because he knew that when he came home, whatever was about to happen would have happened already.

Nagdasal si Tim, at inisip niya si Trisha. Please. Let her make it in time.

_____

Hidden Heartsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن