[9] Case 3: Monster Story [Case Briefing]

216 36 45
                                    

LAST TIME:

Nalaman ni Tim Crespo na may kinalaman ang pagbali sa braso niya sa Desandiego: isang lihim, ekslusibo at brutal na sugalan na sinasalihan ng mga mayayamang tao ng Alhambra Village.

At ngayong nakuha na ng partner niyang si Trisha Navarro ang lahat ng impormasyon tungkol kay Kier – ang tambay na inutusan para tambangan siya - malapit nang mag-krus ang daan nina Tim at ng mga taong sumira sa buhay niya…

______________

Note:  Dedicated to margolin, para sa mga magaganda niyang comments sa Season 1 ng Hidden Hearts! Please read her ongoing, Fight for This Love! or join her book club, Margo Book Club!

______________

TIM (HIGH SCHOOL)

Detective Office / Saturday, 2:20 PM

Dalawang araw na ang lumipas matapos malaman ni Tim ang tungkol sa Desandiego, at matapos makuha ni Trisha ang yearbook na may impormasyon tungkol kay Kier.

Nagkasundo silang huwag munang magkita noong Sabado, habang mainit pa ang paghahanap sa misteryosong babaeng nilooban ng Saint Bartholomew School. Pero ngayong hapon, pumunta si Tim sa shipping container office nila, para ikuwento ang natuklasan niya.

Masakit sa mata ang sikat ng araw pagdating niya sa “office.” Kinatok niya ang yerong pintuan – toong, toong – at nakita niya si Trisha sa desk niya, nagsusulat.

“Sinong unang magkukuwento sa na-discover nila, Tim?” tanong ni Trisha. “Ikaw, o ako?”

Tumaas ang isang kilay ni Tim. “…Hindi ka talaga babati ng matino kahit kailan, ano? Hi, Trisha.” 

Nag-smirk ang babae. “Hi, Tim.”

 

Lumapit si Tim sa desk ni Trisha, at binasa ang mga flashcards na ginagawa ni Trisha bilang project sa MAPEH. “Nice. Hmm...'An ELECTRIC FAN means you can enjoy a strong breeze of air. A MICROWAVE means you can heat leftover meals and frozen food.' Naka-ilan ka na nito?”

Pinakita ni Trisha ang iba pang mga flashcards niya: LAPTOP, AIR-CONDITIONER, TAPE RECORDER, REFRIGERATOR. “Medyo marami-rami na rin. Sana magamit din ‘to, kahit papaano.”

 

Kinuha niya ang mga flashcards, at tinago sa backpack niya. “Okay, Tim. Tell me what you found out.”

Pumunta na sila sa karaniwang posisyon nila tuwing case briefing: isa sa tabi ng blackboard; ang isa, nakaupo sa tapat, parang teacher at student. Ngayong hapon, si Tim ang katabi ng whiteboard, at inumpisahan niya ang case briefing:

“Nadiskubre natin ang connection ni Kier sa Saint Bartholomew School, yung tinalo natin sa basketball bago ako bugbugin. Akala natin simpleng school pride lang ang motibo, pero dahil sa mga ebidensyang nakuha natin…”

Hidden HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon