Chapter 10: Silly-Talk (3 of 3)

155 22 39
                                    

LAST TIME:

Trisha reluctantly takes an apprentice under her wing: Alexa Sanchez, one of the Blackmail King's former victims.

Pero habang iniisip niya ang magiging reaksyon ni Tim Crespo, may sariling pinoproblema ang partner ni Trisha...


Note: Back! Sorry sa super-late UD's! Naka-outline na 'yung 'Valley of the Shadow' case arc, konting plantsahan na lang. Woman at Work, Sorry for the Inconvenience!

Dedicated to Marjorie0510, na kapangalan ng isang character sa UD na 'to! Check out her highly-viewed Masungit Girls vs. The Campus Heartthrobs!

____

TIM (HIGH SCHOOL)

Library / Monday, 10:25 AM


"Margie, kahit ano, hilingin mo sa'kin. Huwag lang 'to."


Nasa library sina Tim at Margie, sa mesang pinaliligiran ng matatangkad na bookshelves at pag-huni ng aircon.

Paplanuhin dapat nila ang isang play sa Stages of Life ('Marriage' ang nabunot ng group nila), pero nauwi ito sa panggigisa ni Margie kay Tim tungkol sa Blackmail King.


And like a cook who put in too much oil, Tim found himself in close range of something boiling and heavily inclined to harm him: his girlfriend.


"Ito ang gusto kong gawin," giit ni Margie. "Bakit ba ayaw mo akong patulungin sa inyo ni Trisha?"


Sumimangot si Tim, sabay masahe sa sentido niya.

"Dahil 'pag nalaman 'to ng Blackmail King, mapapahamak ka-"


Isinantabi ni Margie ang outline ng essay na pinapagawa sa mga Fourth Year (Understanding Your Purpose).


"Tim, inatake niya ako dahil girlfriend mo ako," sagot niya. "Target na niya ako, tulungan man kayo o hindi."


"Right now, keeping me in the dark is only going to put me in more danger, because I won't know what's coming," she said, remembering the You Are Elle case.

"At hindi kita sinisisi-" Tumaas ang kilay ni Tim, at nag-shrug si Margie.


"Okay, fine, slight," pag-amin niya, "pero sinabi ko na sa'yo, hindi kita pinatitigil sa ginagawa mo."


"I mean, kung may kaya mang pigilan yung Blackmail King," kindat ni Margie, " 'yun yung Frosh na nambugbog ng tatlong Third Year, dahil sinira nila yung dinecorate kong bulletin board."


Napangiti si Tim, inaalala kung paano niya kinaladkad sa graba ang huling estudyanteng nangahas awayin ang babaeng noo'y nililigawan niya.


"Sana lang, ibigay mo sa akin yung parehas na tiwalang lagi kong binibigay sa'yo," malumanay na pagtatapos ni Margie.


Hinawakan ni Tim ang dalawang kamay ng girlfriend, sabay halik rito, at sa labi niya. Naramdaman agad niya ang masayang kuryente ng kilig sa katawan niya, tuwing dumadapo ang labi niya kay Margie.

Hidden HeartsWhere stories live. Discover now