39

656 11 3
                                    

Hae Min's POV

Unti-unting nanlaki ang aking mga mata nang makita ang lalakeng muntik sumira ng buhay ko.

Hayup na 'to!

Ang kapal rin ng mukha niyang magpakita sakin pagkatapos ng lahat?!!

"Hi Min-Min, kamusta ka na?" tanong nito na animo'y isang linggo lang kami hindi nagkita.

Tinitigan ko lang siya ng masama. Puno ng poot, galit at pagkainis ang dibdib ko. Muling bumalik lahat ng nangyari sakin nung mga panahong iniwan niya ako basta-basta.

"Matindi rin yang kakapalan ng mukha mo noh? Ang lakas naman ng loob mo magpakita sakin!" galit ang tono ng pananalita ko sabay tanggal ng earpods sa tenga at ibinalik sa loob ng bag.

Tumayo ako agad at padabog na pinulot ang aking bag at mga libro sabay lakad papalayo sa kanya.

Hindi ba niya alam yung sinasabi kadalasan ng mga makasalanang tao na 'Walang mukhang maihaharap?'

"Min-Min... Baka pwede tayo mag-usap kahit sandali lang? Min-Min... Uiiii.... Mi---"

"Punyeta ka Sehun, tigil-tigilan mo yang kaka-Min Min mo hah! Umalis ka nga diyan sa daraanan ko!" mataray na bulyaw ko dito.

"Punyeta ka Sehun, tigil-tigilan mo yang kaka-Min Min mo hah! Umalis ka nga diyan sa daraanan ko!" mataray na bulyaw ko dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Not unless you talk to me first." he threatened, not moving an inch.

Ah ganun ha, ayaw netong umalis? Teka nga..

Walang sabi-sabi, hinampas ko siya ng bag na hawak ko.

"Lubayan mo na ko!! Leche ka!!!" sigaw ko habang hinahampas siya.

Panay naman ang salag nito, ngunit tinatamaan pa rin naman siya.

"Aray, Min-Min! Mapanakit ka naman....."

Pabebe ang g*g*ng 'to!

"Sorellina!"

Sakto ang dating ni Marco. Inawat niya ako at nag-aalalang nagtanong,

"Sorellina, what happened?!! Chi è questo tipo?!!" tanong ni Marco sabay nagtatakang tinuro si Sehun.

"Sino pa nga ba, eh di yung diavolo kong ex!" sagot ko kay Marco.

Matalim itong tinitigan ni Marco at ganyundin si Sehun, na kulang nalang may lumabas na usok sa ilong nito.

"Hey, I don't give a d*mn about what you did to my sorellina before coz I wasn't around at that time. But the next time you'll show up again like this, I might not be able to control myself and beat you up. Capisce?" mariing pagbabanta ni Marco sa kanya.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now