36

634 11 4
                                    

Hae Min's POV

"Hayyyy sa wakas, nag-alisan rin sila..."

Napabuntong hininga ako nang tuluyan na ngang umalis sina mama at Heidi.

Tinignan ko si Sese at napansing balisa ito.

No wait, actually, kanina pa siya balisang balisa at nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa silyang nasa gilid ng kama ko.

"Hello? Sese? Yoohoo???" kaway ko sa harap ng mukha nito.

Napakurap ito at lumingon sakin.

"Umm.. yeah.. s-sorry Min-Min..

"Ok ka lang? Ano ba sinabi sayo ni mama? Tell me."

Umiling-iling ito sabay pilit na ngumiti.

"Don't worry, hindi yun ang reason bakit nagspaced-out ako bigla. Tungkol sa work yun."

Yeah right, I can see right through him na nagsisinungaling itong si Sese.

"If you say so." tipid na tugon ko.

"Min-Min, umm... Hindi kaya tama yung gusto mangyari ng mama mo? Umm.. p-para sana mas matig---"

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Kinausap ka ba ni mama para iconvince ako sumama sa Europe hah?! Akala ko pa naman alam mo na agad isasagot ko diyan! Nakita mo naman how firm I was when we were talking, no, yelling at each other!" inis na sabi ko kay Sese.

Tumayo naman agad si Sese at yumakap sakin.

"Shhh.. shhh.. calm down.. Ok, ok let's forget about it.. Forget what I just asked. Huwag ka na mastress, Min-Min please..." pagpapakalma nito sakin.

"Kung ayaw mo ako mastress, wag mo na ko tatanungin ng ganyan, pwede?"

Tumango ito, "I won't... I promise... Sorry..."

Good.

Kakaloka talaga tong si mama, pati si Sese idadamay pa sa issue namin.

Nako, buti nalang at sakin parin sa huli nakikinig itong si Sese.

_________________________
Sehun's POV

(...1 day later, Sehun's house)

"Think Sehun, think! Paano ko ba mapapasama si Min-Min sa mama niya?" sambit ko sa sarili.

Umuwi muna ako dahil may scheduled guesting kami ngayon. Buti nalang at napakiusapan ko si Zia na bantayan muna si Min-Min hanggang mamayang gabi.

At habang abala ako sa pagre-ready, di pa rin maalis sa isip ko ang hiling ng mama ni Min-Min.

Kung ako lang talaga, ayoko ilayo sakin si Min-Min. But then, tama rin naman ang mama niya. Panahon na para maayos nila ang problema sa kanilang pamilya.

Isa pa, naiisip ko na rin talagang magpropose kay Min-Min.

Pero ano nga ba gagawin ko???

*phone ringing......

Tinignan ko kung sino yung tumatawag.

Si Zia???

"Hello, Zi---"

"Sehun! Kailangan mo bumalik dito sa ospital ngayon na! Si Hae Min! Biglang nawalan ng malay!" naghihisterical na sigaw ni Zia sa phone.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now