38

694 7 3
                                    

A/N:

Play the video/song of this chapter for more feels ☺️🎶
_______________________________

Hae Min's POV

(...10 months later; at Florence, Italy)

Mabilis lumipas ang panahon. Magsa-sampung buwan na pala ako dito kina mama.

Kasabay ng pagbuti ng aking kalusugan ay ang paghilom sa sugat na iniwan ni Sehun.

Ni minsan hindi nagparamdam si Sehun sa akin mula nang himatayin ako sa ospital. Kahit nang malaman niyang paalis na ako, hindi din siya nagpakita. I was expecting pa naman na hahabulin niya ako sa airport. But sadly, pinaasa ko lang ang sarili ko.

Noong una, pakiramdam ko pinagbagsakan na ako ng langit at lupa. Halos di ako makakain at makatulog kakaisip sa kanya. Palaging nagtatalo ang aking isipan sa kung ano ba talaga ang naging halaga ko kay Sehun.

Ang sabi ni Zia, ginawa ni Sehun yun dahil mahal niya ako at inaalala lang niya kung ano ang makakabuti sa kalagayan ko noon.

Pero bakit kahit alam na niyang pumayag na akong sumama dito kina mama, wala pa rin siyang paramdam? Nababalitaan ko naman kung busy ang grupo nila o hindi.

One time, nagpost si Sehun sa social media na kasama niya si Se Ju (asawa ni Zia). Tinawagan ko agad si Zia at nakibalita sa mga ito kung may nabanggit ba si Sehun tungkol sakin, ngunit wala daw. Hindi man lang daw nila ako napag-usapan. Ang saya lang di ba? Hinayupak siya!

Ilang buwan din akong nalugmok at muntik mabaliw kakahintay sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang buwan din akong nalugmok at muntik mabaliw kakahintay sa kanya. Umabot pa sa puntong muntik na akong mag-overdose sa sleeping pills.

Ngunit habang tumatagal ang paghihintay ko, unti-unting tinanggap ng aking sistema na wala na ngang 'Min-Min at Sese'.

Mabuti nalang rin at maunawain si mama at unnie (Heidi) nung panahon na wala ako sa huwisyo. Kung meron man magandang nadulot ang lahat ng nangyari, yun ay ang naayos kaming pamilya.

Mabait ang napangasawa ni mama, si Giovanni. Isang italiano na may dalawa ring anak sa una nitong asawa. Sina Marco at Giada na halos hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Wala naging anak sila mama at Giovanni, kaya naman tinuring ng sariling anak ni mama ang mga ito. Katulad ng kanilang ama, magiliw nila kaming tinanggap ni unnie.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now